Nakakain ng maraming ampalaya si awtor kaya huwag na kayong magtaka kung bakit masyadong bitter ang mga sinusulat niya.
Marami siyang hugot sa pagiging broken hearted, bakit kaya? ;)
Anyways, nagsalita ang hindi broken hearted -_-
Oo, isa din akong sawi sa pag-ibig kaya naman nakaka-relate ako ng bongga sa hinanakit ni awtor.
Kung sino man ang hindi umiyak at nagluksa ng dahil sa pag-ibig, maswerte kayo. At kung sino man kayo, sana kunin na kayo ni Lord. Chos!
Nahahawa na talaga ako sa bitterness ni awtor (T_T)
Pero minsan, ang sakit sakit na talaga. Iyong tipong nagpapanggap ka na lang na masaya ka, pero kulang na lang ay maglupasay ka na. Ganoong level.
Kaso, mas madaling magpanggap kesa aminin ang totoo. Kakambal kasi ni pride si ego eh. At ayaw na ayaw nating maging kaaway iyong dalawang yon. Iba kasi ang ganti nila kapag natatapakan na sila.
Kaya lumaki akong hindi ipinapakita ang kahinaan ko. At kahit durog-durog na ang puso ko ay patuloy pa din akong nagpapanggap na masaya. Kaya nga wag na kayong magtaka kung one of these days ay maging baliw-baliwan na ako. Joke! Baka maniwala kayo. Normal pa naman ang pag-iisip ko >_<
Ang hindi ko inaasahan ay ang pag-alis niya. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa pagpapanggap ko na ok lang sa akin lahat ng mga pinaggagawa niya. At dahil doon kaya ang dali-dali niyang tinalikuran ang pinagsamahan namin.
Hanggang ngayon ay pinapaulit-ulit ko sa utak ko ang huling pagkikita namin. Ang saya-saya namin noong mga oras na iyon. At sinong mag-aakala na iyon na pala ang huli. Ang masaklap pa, kung kailan mahal na mahal ko na siya.
Ilang buwan na ang nakalipas pero, lagi ko pa din siyang naiisip. Kamusta na kaya siya? Naiisip din kaya niya ako? May girlfriend na kaya siya? May asawa na? Patay na ba siya?
Ilang ulit kong tinitingnan ang cellphone ko, at nagbabakasakaling may message siya. Pero, hanggang ngayon ay bigo ako. At ang mas nakakainis, patuloy pa din akong umaasa na babalik siya. Kahit na noong umpisa pa lang ay wala naman akong pinanghahawakan sa kanya. Akala ko noon ay kaibigan ko siya. But now, I realize, I'm just a mere acquaintance.
Mali bang umasa sa wala? Kung siya naman ang makakapagpasaya sa akin diba?
Sabi nga ni awtor, tanga-tangahan lang daw ang peg ko. Pero, nagmahal lang naman ako. Minsan talaga si awtor, ang sakit lang magsalita. Walang preno. Kaya pagpasensyahan niyo na siya. Ako kasi sanay ng masaktan. Chos!
Mahal ko pa din siya. At noong nawala siya, ay mas lalo pang lumala ang nararamdaman ko sa kanya. Ilang beses akong pumupunta sa mga lugar na pinupuntahan namin, at nagbabakasakaling makita ko siya. Pero, hindi mo nga naman mahahanap ang isang taong nagtatago na diba? Hindi pa naman ako magaling sa tagu-taguan maliwanag ang buwan. Lagi kaya akong taya.
Kaya sana, iluwa na ulit siya ng langit. Gustong-gusto ko na ulit siyang makita.

BINABASA MO ANG
Friendzone Chronicles - He's not that into me
RandomHindi kami, pero parang kami. Iyong samahan na akala mo may 'something' pero wala naman pala. Kung kailan akala mo may progress na sa kung ano mang meron kayo ay bigla naman siyang maglalahong parang bula. Ang masaklap pa ay nahulog ka na, pero wala...