Kabanata 2

53 1 1
                                    

Ilang linggo na din ako nagja-jog pagkatapos ng shift ko sa opisina. Doon pa din ako sa park tumatakbo pero iniba ko na ang oras ko, pagkatapos kong ipahiya ang sarili ko, wala na talaga akong face na ihaharap pa sa lalaking nabunggo ko. In fairness sa ilang linggong pagpapakapagod sa pagtakbo, pakiramdam ko ang gaan ko na. Kaso, muntik na akong mapamura na pareho pa din ang weight ko sa timbangan. Pero, I will not quit. Babalik din ang alindog ko at who you lahat ng mga lalaking hindi pumapansin sa akin.

Umupo muna ako sa bench at inayos ang sintas ng running shoes ko. Natuto na ako na mag ayos kapag nagja-jog. You'll never know kung sino ang puwede mong makita sa park. In fairness naman kasi ang daming guwapo sa park. Hindi pa ako nagdi-dinner pero busog na ako sa mga nakikita ko.

Sa ilang linggo ng balik alindog program ko, naka-ilang OOTD na din ako sa instagram ko. Ang gastos din pala ang ganitong exercise. Kailangan ko pang bumili ng magandang running shoes. Ilang araw din akong tagtipid dahil sa sapatos na iyon. Pero dahil din sa sapatos na iyan, wala na din ako masyadong pangkain.

Nagsimula na ako sa pagtakbo. Habang tumatagal ay nabuburyo na ako sa dinadaanan ko. Kaya naman ginaya ko ang isang babaeng tumatakbo sa ibang daanan. Dahil hindi ako pamilyar sa dinadaanan, para akong nangangapa sa dilim. Hanggang sa hindi ko napansin na hindi pala patag ang daanan. Kaya naman huli na ng sumubsob ako sa lupa. Nagmagaling kasi ako masyado kaya ito ang napala ko. Nakakaloka.

Matagal pa bago ako nakatayo. Parang close na kami agad ng lupa and I don't want to let go. Hehe. Joke lang. Bad trip kasi ang sakit ng katawan ko di ko maangat. Lahat ng pagod ko ngayon ko pa naramdaman. Nadinig kong may tumatakbo at sinubukan ko ulit itayo ang sarili ko, pero lalo akong nasubsob. Naramdaman ko na bumagal ang paparating at parang sounds familiar ang bango noong paparating. Nagulat na lang ako ng bigla akong tinulungan at kung minamalas ka nga naman. Si Kuya na naman...

"Why do I always see you like this?" Sabi ni kuya mo na ang mukha niya ay parang natatae na ewan. Pero kahit mukha siyang natatae. Ang guwapo pa din niya.

"Huh? Whatcha mean? Bagong exercise yung ginawa ko kanina." Palusot ko. At di ko mapigilang pagnasaan ang biceps niya.

"You are funny." Sabay tawa niya ng wagas. Si kuya niyo labas na labas ang dimples habang tumatawa. Parang si Alden Richards lang. Maiinlove na ako sana eh kaso pinagtatawanan ba naman ako. Kaya ang sarap tusukin ng dimples. Hehe. Joke lang.

"You too. You are funny. Funny looking" sabay evil laugh. Kala mo ha. Nilakasan ko pa ang tawa ko. At natigil lang ako noong tiningnan na naman niya ako na parang galing ako sa Mars.

"Wow ha, you are too confident about yourself. Next time, look in the mirror first." Sabay sabi ni kuyang pikon. Nagbibiro lang naman. Namersonal. $^#&@&&!!!!

"Kuya, nagbibiro lang ako. At oo, alam na alam ko ang hitsura ko sa salamin. Hindi mo kailangang ipamukha na pangit ako. Kaya nga ako niloko ng boypren ko eh!--" Nanginginig kong sabi itinago ko ang mukha ko sa kamay ko at humagulgol.

Sa gilid ng mata ko ay parang nataranta si kuya at biglang hinimas ang likod ko.

"I'm so sorry..." untag niya. Nilakasan ko pa lalo. Pero hindi niya alam pigil na pigil ako sa pagtawa. Akala mo ha.

Noong kaya ko ng hindi tumawa ay hinarap ko na siya.

"Next time kasi, Kuya don't judge the book by it's cover. Especially if you are not a judge."

Hindi ko alam pero sabay kaming humalakhak. Para kaming mga baliw. Nilabas ko na ang pinigil ko na tawa kanina pa. Siya naman halos maluha sa kakatawa.

"You are really funny" sabi niya habang tumatawa.

Pagkatapos ng tawanan moments namin ay nagpaalam na siya. Pero bago pa man kami maghiwalay. Ay hinarap niya ako muli.

"I am G by the way. See you around clumsy girl" sabay talikod niya sa akin.

Napanganga lang ako. Tama ba ang dinig ko? Nagpakilala ba siya sa akin? Bago pa langawin ang bunganga ko ay isinara ko na iyon at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinikiliti ng pakiramdam ko.

Friendzone Chronicles - He's not that into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon