Kabanata 1

51 1 0
                                    

Hindi ako sanay gumising ng umaga. Lalo na kapag weekend. Pero, sa pagkakataong ito ay pinilit ko talaga ang katawang-lupa ko na bumangon sa kama. Ilang beses na akong nag-attempt mag-excercise pero mas masarap humilata. Kaso, noong hindi ko na masuot ang favorite na pantalon ko na may 24 na waistline... este 28 na waistline ay doon ko na napagdesisyunan na magbalik alindog program.

Simula kasi ng maghiwalay kami ng ex-boyfriend kong manloloko ay pagkain ang naging sagot sa kalungkutan ko, kaya naman wala pang isang taon mula ng maghiwalay kami ay lumobo ako ng bongga.

Pagkabangon ko ay dumiretso na ako sa banyo para magbawas. Pagkatapos ay naghilamos lang ako. Panigurado ay papawisan din ako kaya naisipan kong huwag na lang maligo. Pagkadating ko sa park ay nag stretching muna ako. Dinama ko ang masarap na simoy ng hangin.

Proud na proud ako sa sarili ko at maaga akong nagising ngayon. Bago ako tumakbo ay kumuha ako ng picture at ni-post agad sa Instagram ko. Ang nilagay kong caption: 'Morning jog is now a habit'. O diba, habit na agad. Kahit na unang araw pa lang. Nakikiuso ako sa trend ngayon. Mas magandang post, mas madaming like.

Inihanda ko na ang earphones ko at kumuha ng tyempo sa unang lap ko. Nilakasan ko pa ang volume dahil dinig na dinig ko ang pagbuga ng hininga ko. Wala pa ako sa kalahati ay parang sasabog na ang lungs ko. Ganito ba talaga kahirap magpapayat? Nakakaloka. Halos bumigay na ang paa at tuhod ko. Binilisan ko pa ang pagtakbo ng hindi ko inaasahan na may papadating sa harap ko. Huli na ng nabunggo ko ang isang lalaki at kung minamalas ka pa ay nasubsob ako sa dibdib niya.

"Hey miss, are you okay?" Sabi nung lalaki habang akay akay niya ako sa may malapit na bench.

Tumango na lang ako at medyo masakit pa din ang ilong kong hindi naman masyadong matangos at medyo naiwan ata ang brain cells ko sa damit niya.

"Are you sure?" At inabutan niya ako ng gatorade. "Drink that. Sorry I don't have any water with me."

Dumudugo na ilong ko kay kuya ha. Kanina pa siya umi-english. Inabot ko ung gatorade at uminom. Naaninag ko lang si kuya niyo dahil sa sikat ng araw. Muntik pa akong mabulunan noong nakita ko ang kabuuan niya. Holy mother, father, Jesus. Nakakasilaw ang kaguwapuhan niya. Ngayon ko lang din na-realize ang pumuputok niyang biceps. Bigla tuloy akong na-concious. Bakit ba kasi hindi ako naligo? Naaamoy ko na yung sarili ko. Huhuhu.

"Miss, miss...." Yugyug niya sa akin. Kanina pa pala ako nakatulala sa kanya.

"Ok na. Ok na... ako" utal kong sabi. Sabay ayos ko sa aking sarili. Bago pa man ako makalayo sa bench ay narinig ko tawag niya sa akin at parang hinahabol ako.

Diyos ko. Siya na ba ang destiny ko? Mukhang may gusto siya sa akin at hinahabol pa ako. Habang palingon ako sa kanya ay muntik ko pa ma-twist yung ankle ko. Napakaswerte ko naman ngayong araw na ito. Hay.

"Yes? Huwag ka na tumakbo. Ibibigay ko na ang pangalan ko." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Huh? You are weird. Hinahabol kita kasi naiwan mo cellphone mo" sabi niya sabay tingin sa akin na para akong galing Mars.

Napanganga ako sa kanya ng inabot ko ang cellphone ko. Nakakahiya. Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa na kinatatayuan ko ngayon, habang siya ay ngumingisi ng parang aso. Kinuha ko ang cellphone ko at sabay alis. Di ko na maalala kung nakapagpasalamat na ba ako sa sobrang hiya.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nag-iba ako ng oras sa pagja-jog. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa lalaking iyon.

Friendzone Chronicles - He's not that into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon