Kabanata 4

50 1 0
                                    

Hindi ko namalayang weekend na. Sa dami ba naman ng tinambak sa akin ng boss kong dragona, wala na akong time pati paghinga. Ganun daw kasi talaga kapag na promote, mas mataas ang expectation at mas dagdag na trabaho. Kung alam ko lang, sana hindi ko na lang tinanggap ang promotion.

Pasalamat na lang ako at sobrang busy ko kaya hindi pa masyadong nag sink in yung ginawa sa akin nung hinayupak na G na yun. Pagkatapos lang ng lahat ng ginagawa ko, maglalaan talaga ako ng oras para makapag plano sa paghihiganti ko sa kanya.

Naglagay ako ng light na lip gloss at tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Shet ang ganda ko talaga. Thank you Lord sa hitsurang ito. Kinuha ko na ang tumbler ko at pumunta na ako sa park para mag-jog. Hindi na ako aasang makikita ko si G ngayon kasi for sure nagtatago na yun dahil sa ginawa niya sa akin. Pero depende na nga lang kung makapal talaga mukha nung hinayupak na yun.

Pagkadating ko sa park ay nag-stretching ako sa gilid. May kasabay akong Ate at halos makita na ang kuyukot niya sa pagyuko niya. Buti sana kung magandang sight eh. Mas maputi pa yung puwet ng kaldero. Lumipat na ako ng puwesto at baka di ako makatulog sa sight na yun.

Mga 15 minutes akong nag stretch. Mas madali na ngayon kumpara noong mga unang weeks. Kaya ko na ang dalawang lap at feel na feel ko ang pawis na nararamdaman ko. Mga isang oras ata akong tumatakbo ng naisipan kong magpahinga sa ilalim ng puno. Tinipa ko ang cellphone ko at nag post na sa Instagram ko.

Nilagay ko ang headset sa tenga ko at nagpatugtog. Pinagmasdan ko ang mga tumatakbo. Busog na busog ang mga mata ko sa nakikita ko. Ang dami talagang guwapo. Pero napirmi ang mata ko sa isang lalaking chinito. Matangkad at maputi. Nakakalaglag talaga siya ng panty. Halos tumulo na ang laway ko sa kanya.

Akala ko ay tumutulo na ang laway ko ng may naramdaman akong basa sa pisngi ko. Kaso napagtanto ko na ang laway ay dapat sa baba ko or sa tabi ng labi ko kaso mas lalo akong nagtaka ng biglang mas dumami ang patak ng tubig. Naramdaman ko na siya sa ulo ko. Kaya naman lumingon ako paitaas at nakita ko si G na umiinom ng tubig.

"Adik ka ba? Bakit ka umiinom dito? Nababasa ako o!!!" Sita ko sa kanya.

Lumagok pa muli siya at saka niya ako tiningnan na kunwari ay ngayon lang ako napansin.

"Oh, I didn't see you clumsy girl. Next time kasi don't wear brown. Akala ko kasi puno ka eh"

Aba naman itong hinayupak na ito. Gawin ba naman akong puno. "Color blind ka ba? Maroon suot ko, hindi brown!!!"

"So sorry. My bad." Sabay talikod niya sa akin.

##@/!//@//#^@^@!!!!!! ---> yan ang sabi ng bubble thoughts ko para sa kanya.

Tumayo ako at pinagpag ang mga dahon. Hinabol ko siya sabay patid sa kanya. Pero imbes na siya ang mapatid ay ako ang sumubsob sa damuhan. Sakto ay pagdaan ni Chinito crush. Kung sinuswerte ka nga naman. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko at saka ko lang namalayan na may nagtayo sa akin. Pagkalingon ko ay si G yun at di mo alam kung natatae na siya o naiiyak.

"You are so unbelievable!" Sabay iling niya.

Hindi ko alam kung bakit naiyak ako. Bipolar na ata ako dahil sa lalaking ito. Hindi ko na siya tiningnan at naglakad na papalayo sa kanya. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko at wala na akong pakialam sa mga nakakasalubong ko habang nagpupunas ng luha at uhog ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagod sa katawan ko, yung sakit na tinago ko ng matagal dahil sa ex ko. Awang awa ako sa sarili ko. Yung tipong pinilit kong maging masaya noong mga nakalipas na buwan. Pero, sumabog na.

Nagulat na lang ako at may humila ng braso ko. Pagkalingon ko ay si G. Iniwasan ko siya ng tingin at akmang aalis ng hinawakan niya ako ng mahigpit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendzone Chronicles - He's not that into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon