4

9 0 0
                                    

IV.

            Napabalikwas sya sa kama ng mag-ring ang alarm clock; alas seis na ng umaga nagmamadaling bumangon si Olivia at nagtungo sa shower habang nakapikit. Pagkatpos maligo ay inaantok prin sya.

            Muli syang bumalik sa kama at nahiga. Hindi nya napansin na unti-unti ay nakakatulog na nmn sya. Bigla syang napamulagat ng maalala ang mga batang naghihintay sa kanya. Mabilis syang bumangon at nag bihis.

            Hinsi na sya nag handa at nag almusal dahil pakiramdam nya ay mahuhuli sya sa  pagpasok sa eskwelahan. Kumuha na lmang sya ng isang mansanas at isang plastic bottle na mineral water.

            Naglagay sya ng translucent powder sa mukha at nag pahid ng lipstick. Ready na syang umalis ng bahay.

            Laking gulat nya ng sa kanyang paglabas ay may Makita syang isang lalaking natutulog sa silya ng proch ng tahanan niya.

            Nakabaluktot ito tila nilalamig.

            Bumuntong-hininga muli sya. Alam niyang si Travis iyon, ang kaibigan ng kuya nya.

            Umiiling na nilagpasan niya ito. Tga-America nga, eh, di nmn mka-sfford kumuha ng hotel sa bayan. At bakit kailangan talaga na sa gahay makituloy?

            Umungol ang binata.

            Napatigil siya sa paglalakad patungo sa kanyang kotse. Lumingon sya upang tingnan ito. Muling umungol ito na parang nahihirapan.

            Nilapitan na nya ang binata at hinawakan ang noo. Oh, my goodness! At may lagnat pa ngayon ang mokong na ito! Ano ba nmn! Kung hahayaan ko ang lalaking ito baka mag mangyari pang masama sa kanya. Ako pa sisihin. Nakakabuwisit ka tlaga, Kuya!

            No choice sya ngayon. Kailangan niyang tulungan ang kaibigan ng kapatid na hindi niya pinatuloy ng nakaraang gabi kaya ngkasakit.

            Minabuti nyang gisingin ito. Hindi nya kakayaning buhatin ang lalaking ito.

            “Travis, Travis, gising.”

            Tinapik niya ito ng medyo malakassa pisngi habang habang tinatawag ang pangalan nito.

            Umungol ito bilang sagot. Mistulang hhirap na hirap ito. Mainit ang nuo nitong katawan. Dahil sa taas ng lagnat.

            Tinignan ni Oli ang wristwatch; 7:30 a.m na. 8:30 a.m ang simula ng klase nya. Pero isang oras halos ang byahe papuntang bayan kung saan siya nagtuturo.

            “Travis, bumangon ka at alalayan kita.”

            Dahan-dahan niyang hinawakan ang braso nito upang mkatayo ito.

            Hinang-hina ang binata saubalit pinilit nitong bumangon. Halos mabuwal sila sa paglalakad, ngunit pinilit pa rin niyang maipasok ito sa loob ng bahay. Pinahiga nya ito sa couch. Inayos nya ang pagkakahiga nito dahil sa subrang tangkad-hindi ito magkasyasa hinihigaan. Kumuha sya ng blanket sa kuwarto at kinumutan ito.

            Sumunod niyang kinuha ay isang malaki at isang maliit nitong luggage na nakatabi sa front door.

            Kait naiinis pa rin sya sa responsibilidad na ibinigay ng kuya niya na hindi nmn niya tinanggap-kailangan niyang tulungang gumaling ang lalaking iyon.

            Kumiha sya ng isang face towel at binabad iyon sa maligamgam na tubig. Pinunasan muna nya ang mukha ni Travis bago nilagyan ng ice bag ang noo.

            Nagluto na rin sya ng instant noodles para higupin nito. Kumuha siya ng gamot para sa lagnat upang painumin ito.

            Muli nyaang tinignan ang wristwatch: alas otcho na. Malabo ng makapasok siya sa klase. Tumawag sya sa eskwelahan at sinabing mahuhuli siya ng dating. May substitute teacher nmn kaagad ang paaralan pra sa kanya.

            “Travis, gising,”

            Tawag nya rito habang niyuyugyog.

            Nagmulat ito ng mga mata. Isang maganda at mabangong dalaga ang bumungad sa paningin nito. Mainit ang singaw ng mata at ilong nito dahil sa taas ng lagnat.

            Tinulungan niya itong mkaupo. Hindi umiimik si Travis dahil sa sama ng pakiramdam. Hindi na nito naiisip kung sino ang magandang dalagang iyon.

            Ng nka puwesto ng maayos sa couch, dahan dahang sinubuan nya ng mainit ba noodles angf kawawang lalaki. Ng maubos iyon pinainom niya ito ng gamot. Bumslik muli ito sa pagkakahiga at natulog. Hindi na nito naalal na mg pasalamat ke Oli dahil sa sama ng pakiramdam.

            Napapailing na lamang siya habang nililigpit ang bowl at baso. Hindi niya alam kung anu ang gagawin sa mga susunod pang oras dahil naiinis pa rin siya.

            Iniwan na lamang niya si Travis sa bahay.

            Nagmamadali na siyang umalis upang magtungo sa eskuwelahan. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na na-late siya.

A Charming Accident(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon