7

16 0 0
                                    

Paalis na si Oli upang pumasok sa trabaho nang tawagin siya ni Travis.

            “p’wede bang sumabay sa’yo papuntang banyanb?”

            Iistorbohin siya? Bakka gawin pa siyang tour guide nito?

            “sure. Saan ba sa bayan?”

            Pumasok na ito sa loob ng kotse.

            “sa Peace Way Hotel.

            Isa sa pinakasikat at bagong hotel iyon sa bayan ng San Dionisio.

            Pinaandar na nya ang kotse.

            “ano’ng gagawin mo d’on?” usisa niya.

            “wala lang, papasyal,” maiksing sagot nito.

            Nakalimutan niyang mayaman ang lalaki. Isa itong milyonaryo.

            “okay, balita ko maganda dsaw sa loob ng hotel na iyon. Pero maraming magagandang hotel sa Las Vegas, di ba?”

            Napatango ito.

            “oo naman.”

            “ano ang pinakamagandang hotel para sa’yo sa Las Vegas?”

            Naisip lamang nyang itanong iyon para may mapag-usapan sila at hind imaging boring ang pagda-drive nita.

            Nag-isip nmn ang binata.

            “para sa akin, Bellagio Hotel.

            “I’ve seen some pictures of that hotel and it’s really beautiful! Di ba may fountain show doon?”

“yup! Gusto mo bang makapunta sa Las Vegas baling araw?”

            “sure, why not? Sabi ni Kuya invite niya raw ako next year para pumunta doon, ewan ko lang kung totohanin niya. Sana nga.”

            Alam ni Olin a pulos pangako lang si Gary tulad na lang ng pangako nito na babayaran ang utang.

            “good, para ako naman ang mag-to-tour sa’yo doon. Kung di ka matuloy i-invite ni Gary then ako na lang ang mag-i-invite sa’yo as tourist. Iyon ay kung type mo ang city life, Vegas is the place to go.” Pahayag nito.

            “ayoko ng city life kaya nga lumipat ako ditto. Pero siguro just for the sake of visiting, gusto kong makapunta doon.”

            “marami kang mapupuntahan sa Las Vegas at di lang naman puro casino at hotel.”

            “excited na tuloy ako. Hay, sige, at mag-iipon na ako ng pera para makapagbakasyon doon next year.”

            May naisip bigla na itanong si Travis.

            “it’s not typical sa isang dalagang Filipina na magkaroon agad ng sariling bahay, right? I was just wondering kung gaano ka kasipag at napundar mo na ang lahat ng ito?”

            Hindi kasi ito makapaniwala na may maganda nang bahay ang dalaga gayung ang alam nito ay mahirap ang buhay sa Pilipinas.

            “ganito yon……”

            Inilahad niya ang tungkol sa pagsali sa isang game contest sa TV at ang pagkapanalo niya maging kung ano ang kanyang ginawwa sa Prize money.

            “bibihira lang dumating ang suwerte kaya naman nagging wise na ako.”

            “good.”

            “so ikaw naman. Masa isang maganda at mayamang city ka na, bakit ka pa pumunta sa isang lugar na kabaligtaran ng lahat na nandoon sa Vegas?”

            “well, meron akong gusting gawin sa buhay ko at gagawin ko ‘yon. Gusto ko kasing lumayo sa city life dahil nakakasawa din. Nakaka-miss din ang Pilipinas. Sa Manila ako ipinanganak. Nag-migrate kami sa Las Vegas when I was 15. Fifteen years ang lumipas bago ako nakabalik ulit ng Pilipinas.”

            “ang tagal ding hindi ka umuwi ditto. Well, sorry pala sa naging trato ko sa’yo the other night.”

            Na-realize ni Olivia (Oli) na ang sama ng pagtanggap niya sa isang balikbayan na fifteen years ang inilagi sa America bago nakabalik sa bansang sinilangan.

            Malapit na sila sa Peace Way Hotel. Ilang sandal pa’y bumaba na si Travis ng kotse at sumilip sa bintana.

            “thanks, Olivia.” Nakangiti ito.

            “you’re welcome, Travis.” At umalis na siya.

A Charming Accident(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon