9

7 0 0
                                    

Alas nueve nan g gabi ng makarating ang binate sa bahay ni Olivia.

            Napasilip sa bintana ang dalaga ng marinig ang ugong ng isang sasakyan.

            Napangiti siya ng Makita ang kotseng nirentahan ni Travis sa bayan.

            “hey”

            Bungad niya pag pasok nito sa loob.

            Nanonood siya ng t.v sa living room.

            “hey”

            Tugon nito at umupo sa couch.

            Napansin niyang tila masama ang hilatsa ng mukha nito.

            Napakagat labi siya.

            “Olivia …”

            “bakit?”

            “pwede bang uminom ng beer dito sa bahay mo? Wala akoang naaalala na sinabi mong bawl uminom ng beer o sine.”

            “hmmm”

            Nag-isip siya.

            Wala siyang naaalala na may sinabi siya tungkol sa pag-inom.

            Hindi alam ni travis na isa siyang tomador lalo na nung college days niya.

            Tatlong taon na rin siyang hindi nakakatikim ng alak.

            Sa wakas ay may makakasama na siya sa pag-inom.

            “sure pero wala akong beer ditto.”

            Tugon niya sa binata.

            “ayos lang yun, bibili ako sa bayan.”

            “ang layo kaya.”

            “ayos lang. sige, babalik ako.”

“ingat sa pag drive.”

            Bilib siya sa sense dof direction ng binata.

            Mukhang naisaulo na nito ang buong baying ng San Dionisio.

            Mukhang hindi na rin ito takot maligaw.

            At pagkatapos ng isang oras….

            Isang case ng San Mig Light at isang bote ng wine ang dala ni travis pag balik nito.

            Laking gulat ni Oli sa nakitang iinumin.

                “holy molly!!! Are you kidding me? Iinumin natin to? Ok ka lang?”

            Natatawang tanong nito.

            Feeling niya bigla ay close na sila ng binate kahit noong isang nakaraang gabi lang ay ipinagtatabuyan niya ito.

            “hindi natin iinumin lahat ito. Stock yung iba para di na ako pabalik-balik sa bayan.”

            Paliwanag nito.

A Charming Accident(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon