8

10 0 0
                                    

Tatlong oras nag hintay si Travis sa lobby ng hotel. Lahat ng sinabi niyang dahilan key Olivia kung bakit siya nag balik sa Pilipinas ay pulos kasinungalingan. Isa lamang ang dahilan ng kanyang pagbabalik. Iyon ay walang iba kundi si Ashley.

            Handa siyang maghintay kahit abutin pa siya ng magpakailanman sa lobby ng hotel. Gagawin nya ang kahit na ano para sa babaeng pinkamamahal.

            Siya si Travis Marcus Yu, isang Fil-Am na milyonaryo. Ngunit sa kabila ng pagiging mayaman, nananatiling simple ang binata. Iniiwasan niyang maging koneksyonang mga magulang sa kanyang mga tagumpay sa buhay. Nais niyang paghirapan ang lahat.

            Isa siyang executive chef sa isang sikat na hotel sa Las Vegas. Independent, masikap, matalino, masinop, confused minsan ang desisyon sa buhay, perfectionist din siya pagdating sa pagluluto.

            Napatayo siya sa kinuupuan ng makita ang pinaka magandang babaeng pumasok sa loob ng hotel—si Ashley.

            Napatigil sa paglalakad ang dalaga ng hindi nitoinaasahang makita si Travis. Kumabog ang puso nito. Hindi nitomaitindihan kung bakit ganoon na lamang ang effort na ginagawa ng lalaki para rito.

            “hi.” Siya ang na unang bumati dito.

            “what are you doing here? Paano mo nalamang ditto ako nagtratrabaho?” naguguluhang tanong nito.

            Isang taon magmula ng mag-break sila. Nagkakilala sila sa isang sikat na hotel sa Las Vegas kung saan sila dating nagtratrabaho.

            Nag hiwalay sila dahil may ibang lalaki raw na mahal si Ashley, subalit hindi naman ito mahal ng lalaking iniibig. Hindi rin nagtagal ang relasyon nilang dalawa at naghiwalay rin.

            Hindi nito tunay na mahal si Travis, subalit ayaw niyang paniwalaan iyon.

            Baliw na baliw siya magpahanggang ngayon sa kagandahan nito.

            At mula ng maghiwalay sila ay hindi siya nagkaroon ng ibang girlfriend dahil sa puso niya ay ang dating nobya pa rin ang kaisa-isang nagmamay-ari niyon.

            “hindi na mahalaga kung paano kita natagpuan, ang mahalaga ay natagpuan kita, I miss you, Babe.”

            At niyakap niya ang dalaga.

            Tila nalimutan na niyang isang taon na silang magkahiwalay.

            Kaagawad inilayo ng dalaga ang katawan nito mula sa binata.

            “ano ba, Travis, we’re over. Nakalimutan mo na ba?”

            Naguguluhan ito sa mga kinikilos niya.

            “let’s give each other a second chance. I still love you, Ashley.”

            Pagdating sa dalaga ay tila masisisraan ng ulo si Travis.

            Nagging corny rin siya kapag kaharap ito.

            Nahihiya na ito sa kanyang ikinikilos at pinagsasabi.

            Hinila siya nito hanggang makarating sila sa parking lot kung saan nakahimpil ang kotse nito.

            Pumasok sila roon upang mag-usap.

            “travis, ayoko sayo. Tapos na tayo. I don’t care if you traaveled a thousand miles para Makita ako.”

            Napapailing na pahayag nito.

            “I love you, Ashley. Pareho na tayong Malaya. Please, give me another chance.”

            Tinitigan niya ang magandang mukha ng dalaga.

            “travis, I can’t. I don’t love you. Hindi mob a iyon naiintindihan?”

            “I don’t care if you don’t love me. Bigyan mo lang ulit ako ng chance para mahalin ka.”

            Para sa kanya, si Ashley ang pinaka magandang babae sa buong mundo.

            Si Ashley rin ang pinakamatalino. Mabait, sexy, talented. Pinakamagaling magluto at pinkamabuting babae para maging asawa.

            “travis…”

            Naiiyak itong nakatitig sa mga mata ng lalaking nagmamakaawa.

            Kung pwede lang sana nitong mahalin siyang muli.

            Subalit kung mamahalin ba nito muli si travis sa pagkakataong iyon, may pagkakaiba ba ang magigigng damdamin nito sa kanya noong sila pang dalawa?

            “please get out of my car ang leave me alone.”

            Umiiyak na pakiusap nito.

            Hindi nito alam kung paano ipapamulat sa kanya na wala ng pag-asa pa na maging sila muli.

            Nag-tiim bagang ang binata.

            “Ashley please.”

            “I’m sorry…. I ont love you, I don’t need you, travis. Ano pa ba ang gusto mong marinig?”

            Pinahid nito ang mga luha.

            Napapailing na lumabas siya ng kotse.

            Masyado na siyang napahiya, kulang na lang ay bigyan siya ni asley ng mg-asawang sampal upang matauhan siya.

            Pinandar n nito ang kotse palayo.

            Naiwan siyang nakatayo at pinagmamasdan ang paglaho ng sasakyan sa kayang paningin.

            Nagsimula siyang maglakad.

            Ang bawat hakbang ay katumbas ng kabiguan sa lahat ng sakripisyo at pagod na pinuhunan niya pabalik sa Pinas.

            Dumilim ang mundo niya.

            Kahit pa tanghaling tapat, pakiramdam niya ay gabi na.

            Bigla siyang nagging matamlay at nakaramdam na bka magkasakit na naman siya.

            Isang sakit na si Ashley lamang ang pwedeng maging gamot.

            Nagtungo siya sa isang cheap na bar sa bayan.

            Umupo siya roon at uminom mag-isa.

            Pagkatapos ay naghanap siya ng rent a car service.

            Pinalad naman siyang makakuha ng sasakyang magagamit.

A Charming Accident(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon