"Sorry-"
Nagulat ako nang matapilok sa harapan ko ang isang babae. Sinalo ko siya gamit ang dalawa kong kamay para ma-itayo siya, hindi siya makatayo kaya inupo ko nalang siya. Mukhang masakit din kasi ang pagkaka-tapilok niya. Buti nalang at wala masyadong tao ang nakakita sakanya, kasi ako yung nahiya.
"Miss, are you okay?" Tanong ko pag-kaupo sakanya. Hawak niya lang ang paa niya. Halata sa mukha niyang masakit ang paa niya, hindi kayang tumayo.
Tumayo ako at kinuha ang Vics sa may bag ko. Kinalkal ko ang bag ko dahil hindi ko makita kung nasaan ang Vics.
"Shania? Shania, are you okay?!" Alalang tanong ng lalaki pagka-lapit sa babae. Asawa niya ata.
"Here, put it-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang humarap sa akin ang asawa ng babae.
Marcus.
Nabitawan ko ang hawak kong Vics at tumagal ang tingin sa lalaking nasa harap ko. My body freeze for a while before i recover. Kinuha ko ang kamay ng babae at nilagay doon ang Vics bago nag-lakad palayo sakanila. Anong ginagawa ni Marcus dito?!
Hanggang makarating ako sa Restaurant na pagme-meet-an namin ni Pia. Hindi padin ako makapaniwalang magki-kita kami sa tagal naming hindi nag-kikita. Buti nalang talaga at hindi niya ako kinausap o ano! Wala akong maisasagot sakanya sa gulat kung ganoon! Nakita ko na agad si Pia na nakaupo at hinihintay na nga ako.
"Tori!"
Umupo ako sa harap niya at nilapag ang bag ko sa may table. Hindi ko na mailalagay ang bag ko sa isang chair dahil nakalagay na doon ang mga dala ni Pia. May mga documents, dalawang bag na malaki. Para lang naglayas!
"Where you've been?!" Tanong niya agad pag-upo ko.
"May babaeng natapilok sa harap ko, at tinulungan ko lang!" Ayoko pang sabihin sakanyang nag-kita kami ni Marcus at baka ichika na naman niya kay Mommy! Ayoko nang naririnig ang pangalan niya. Kinalimutan ko na siya kaya bakit ko pa kailangang marinig ang ibang taong sinasabi ang pangalan niya? Para akong maiirita kung ganoon!
Nag-order na si Pia ng pagkain namin dahil kanina pa daw siyang gutom. Ang pina-order ko lang sakin ay Ramen at may boiled egg na dun kaya mabubusog nako. Ayoko rin mag-rice dahil yun ang goal ko na hindi ako tumaba! Maraming mawawala sakin! Joke.
"Let's go?" Aya ni Pia nang maubos na niya ang Orange Juice. Tumayo ako at kinuha ang bag ko, sinukbit ko yun sa balikat at nag-lakad na kami palabas ng Restaurant. Magsho-shopping pa raw tong si Pia at samahan ko raw siya kaya umakyat kami ng second floor.
Hinila niya ako papasok sa Chanel store. Papasok pa lang kami pero nalulula na ako agad sa presyo rito. Titingin daw siya ng bag at bigyan ko raw siya ng opinyon kung anong mas maganda at bagay sakanya. Umirap ako at sumunod na sakanya.
"Is this fit on me?" Tanong niya. "What do you think?"
Tumango ako at mukhang bagay naman talaga iyon sakanya. Ewan ko ba dito kay Pia, napaka-dami na niyang collection ng bag pero bili padin ng bili! Hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya i-spoil ang sarili niya with her own money. Ayun naman talaga ang lagi niya saking sinasabi, kaya siya nagta-trabaho to spoil herself with her own money. She want to buy all stuffs she wanted.
YOU ARE READING
You Choose Me
RandomLove? Hurt? Love again? Is that we need to be lesson learned to those Man/Women that we Loved to been Learned? Welcome to You Choose Me Story. Please, support this! ^.^ Thank you, readers! ♡