Gumising ako ng maaga dahil pupunta kaming Ilocos which is kung saan gaganapin yung Anniversary ng Company nila Daddy. Hindi sana ako sasama kaso kailangan dahil lahat ng katarbaho ni Daddy ay kasama ang Family Member nila. Hindi ko nga lang sure kung sasama si Alex dahil hindi siya mahilig sa mga Party, pero sure ako na papa-samahin pa din siya ni Daddy para kumpleto kami. Minsan lang kami makumpleto sa Party at kahit sa Celebration ng Business ni Mommy.
Pagsakay ko ng sasakyan ay nag-suot lang ako ng Airpods at nakinig ng music. Medyo inaantok pa ako dahil napuyat ako kakapili ng susuotin kong damit! Hindi naman kasi pwedeng pangit ang damit na susuotin ko or hindi casual. Party yun at madaming bisita ang nandoon kaya dapat maganda ako pati yung damit ko.
"Tori! Wake up!" Nagising nalang ako at inaalog pa din ni Alex ang braso ko. Tumayo ako at inalis ang Airpods sa tenga ko at tinago na yun sa bulsa ko. Bumaba ako ng sasakyan at nandito na kami sa Ilocos, naka-park na si Daddy at dala dala na ang maleta ni Mommy para dalhin doon sa suite namin. Sa isang suite ay si Mommy at Daddy at sa isa naman ay kami ni Alex. Mag-kasama kami sa isang suite kaya nairita ako! Bakit kasi kailangan mag-kasama pa kami neto? Magba-bayad ako! Basta wag ko lang siyang kasama.
"Wag ka papasok dito, ha!" Babala ko sakanya at pilit na nginitian siya.
Ngumiti siya. "Okay, boss."
Umirap ako at humiga na sa kama ko. Inayos ko ang mga damit ko dahil hindi maayos ang pagkaka-tupi non sa maleta ko. Nagma-madali kasi ako noon dahil inaantok na rin ako kaya hindi ko na naayos ng tupi. Pagtapos ko ay humiga nako at nag-phone para i-message si Pia na nandito ako sa Ilocos. Hindi na kasi kami ulit nagka-usap pa simula kagabi dahil busy ata siya at uuwi sila ng States ni Ate. Hindi ko rin sure kung doon na siya mag-aaral pero ayaw niya raw roon dahil ayaw niyang makasama ang Step Father niya. Lumabas ako ng balcony at pinicturan yung dagat at sinend ko kay Pia.
alezimatori: here at Ilocos :P
Humiga na ulit ako dahil inaantok pa ako. Bitin ang tulog ko kanina sa byahe, ang haba ng byahe pero hindi kasi agad ako naka-iglip kaya bitin talaga! Nagising ako at hapon na, kumain lang kami ni Alex ng dala ni Daddy na food galing sa baba. Bumili raw sila ni Mommy at nagkita pa raw tong si Mommy pati yung kaibigan niya roon sa dati niyang trabaho sa Mall.
Pagtapos namin kumain ay bumaba ako at pumunta sa dagat para panoorin yung araw na lumubog. Ang ganda kasi tsaka iba yung feeling kapag nanonood ka ng Sunset. Tsaka mag-stargazing kaya mamaya ay bababa ulit ako para panoorin ang alon na nanghahampas at yung buwan. Bumalik nako sa kwarto nang madilim na, kakain na ulit kami pero sa baba kami kakain. Sa mga Seafood dahil nag-crave kami ni Mommy kanina noong nadaanan namin ang Restaurant na puro Seafood.
Nag-picture lang kami nila Mommy bago nag-simulang kumain. Minyday ko lang yun sa IG para naman hindi amagin ang account ko!
' let me introduce, my home '
Pagtapos namin kumain ay bumalik na kami sa suite para magpahinga. Sa balcony nalang ako manonood ng buwan dahil nakakatamad na ding bumaba at baka makatulog ako sa sarap ng hangin roon sa dagat. Busy lang si Alex at nandoon siya sa higaan niya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Naiirita kasi ako!
Ilang oras din akong nanood ng buwan bago inantok. Humiga ako sa kama ko at hindi ako agad nakatulog kaya naisipan kong mag-scroll sa IG. Na-bored lang ako agad kaya nag-scroll nalang ako sa ingay nila Pia sa GC noong nakaraan.
YOU ARE READING
You Choose Me
RandomLove? Hurt? Love again? Is that we need to be lesson learned to those Man/Women that we Loved to been Learned? Welcome to You Choose Me Story. Please, support this! ^.^ Thank you, readers! ♡