CHAPTER 6

15 2 129
                                    

"Ms. Alezima, you are late for 4 Minutes."










Pumasok ako ng room at umupo agad sa tabi ni Pia. Nag-ngitian lang kami dahil bawal kami mag-daldalan agad dahil nagdi-discuss si sir. Mamaya kasi ay mapagalitan kami at matanong pa kami sa discussion niya. Hindi rin naman si Pia agad nakipag-usap kaya medyo nanibago ako. Tsaka ngayon ko lang siya nakita na nakatali ang buhok at mas lalo siyang naging fresh.











"Ano? May picture ka ba ni Marcus?!"











Nanlaki ang mga mata ko nang mag-salita si Pia. Bakit niya kilala si Marcus? O baka naman ibang Marcus yung tinutukoy niya?











"H-huh?" Tanong ko at nag-kunwaring hindi maintindihan ang tanong niya.











Inirapan niya ako. "Why didn't you tell me that you met someone called Marcus in Ilocos?!"











"Marcus?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Damien na nakatingin lang samin.











"Sinong Marcus?" Tanong ulit ni Damien.










"Uh, Damien-"











"My childhood friend." I smiled at him. Ayoko namang isipin niyang bf ko yun dahil mamaya ay may mangyaring hindi maganda. Naiiba na naman ang mga iniisip ko.











Bumalik na siya sa kinatatayuan niya. Lumabas sila Pia at Giselle para bumili sa may Cafeteria ng pagkain dahil gutom na raw tong si Pia! Hindi ata to kumain bago pumasok dahil kakagising lang daw niya. Kakagising lang niya sa lagay na yun? E' ako nga ay hindi lasing pero nalate.











"Marcus? Childhood friend?" Tanong ni Damien.











Tumingin ako sakanya dahil umupo siya sa bakanteng upuan sa may tabi ko. Nakatingin lang siya sa harap at mukhang hinihintay na sumagot ako sa tanong niya. Umubo ako ng mahina dahil hindi ko alam ang isasagot ko sakanya.











"Uh, ang totoo ay nameet ko siya sa party roon sa may Ilocos," sagot ko. Tumaas ang kilay niya sakin.











"Anak siya ng katarbaho ni Daddy, kaya nag-kausap kami roon sa may party," dugtong ko pa. Tumingin siya sa harap at mukhang nag-iisip pa.











"And me and him doesn't have something," lumingon siya sakin at ngumiti lang ako. Dumating na rin sila Pia na may dalang pagkain at humingi nalang ako dahil ang boring wala pang teacher.












After class ay pinauwi na rin kami agad. May project lang na kailangang gawin, by partner nga at ang swerte nila Pia at Giselle dahil mag-partner sila! Pero okay lang naman kasi matino naman ang partner ko at matalino pa. Kaso hindi ko lang alam kung saan kami gagawa dahil sure akong bawal sa bahay dahil nga baka isipin nila Mommy na may boyfriend akong dala dala at ipapakilala ko sakanila! Lalo't napaka-rumi ng isip ni Alex. Kung ano ano ang iniisip at binibigyan pa ng malisya yung mga bagay bagay.












"Sa school naman daw gagawa, ah?" Sabi ni Giselle na nasa tabi ni Pia.












"Sa school ba? Nakakainis naman!" Umirap si Pia. Tumawa lang kami ni Giselle.












You Choose MeWhere stories live. Discover now