CHAPTER 1

18 3 25
                                    

"Tori!"




Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Pia na naglalakad palapit sa akin. May dala dala siyang dalawang shake at yung isa ay bawas na, mukhang ininuman na niya. Ngumiti ako at lumapit na rin sakanya, first day namin ngayon pero maaga talaga kami pumasok para ma-ikot namin tong school. Sasamahan niya kasi ako at ililibot niya ako dito!




"Are you ready?" Tanong niya bago i-abot sakin ang isang shake. Kinuha ko yun bago tumango. Pinalupot ko ang kamay ko sa braso niya, habang dinadama yung shake.




Naglakad kami papasok sa School at nakita ko agad na malaki nga! Kapag hindi ko nakabisado ang mga lugar dito ay baka maligaw ako! Kaya kailangan ko tong libutin. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapag-aral dito sa pilipinas, simula bata ako ay nasa ibang bansa kami. Doon kami lumaki ng kapatid ko, doon din kami nag-aral hanggang matapos ang Elementary at Junior HighSchool. Senior HighSchool na kami ngayon ni Pia, eto ang unang beses kong mag-aral sa pilipinas.




"Diba, sabi ko sayo maganda dito sa Garden Area!" Hinawakan ni Pia ang mga bulaklak at gusto pang pitasin. Hinampas ko ang kamay niya at baka mahuli pa kami dito!




"Ouchie!" Maarteng sabi ni Pia at hinaplos pa ang kamay niyang pinalo ko. Tumawa ako at hinila na siya para pumunta sa Room, mag-1 PM na kaya baka ma-late pa kami!




Naglakad na kami pabalik sa Entrance ng papuntang Room. Nilagay lang namin yung Bag namin sa malaking elevator para mai-akyat yang mga bag namin. Nakahawak pa din ako sa braso ni Pia at umakyat na kami sa hagdan. Third Floor pa ang Room namin kaya nag-kwentuhan na lang kami habang pa-akyat ng Third Floor. May mga kasabay din kaming umaakyat kaya hindi kami natakot dahil akala namin ni Pia ay dalawa lang kami!




"Take your sit, class."




Buong klase ay puro introduce yourself lang. Medyo nailang pa nga ako dahil sa ibang bansa wala nang introduce yourself dahil magle-lesson na agad! Pero okay din kasi nakilala ko yung iba naming classmates. May masungit pa nga kaya badtrip na naman tong si Pia. First day na first day ay may kaaway agad siya!




"Go ahead," pinauna na ako nang lalaki naming classmate, tumango lang ako at sumunod na kay Pia na kanina pa nakalabas. Hindi man lang ako hinintay, 'no! Ang sarap sampalin!




Nang makababa na kami ni Pia, bumili muna kami sa may Cafeteria dito sa loob ng school ng shake, kung saan niya binili yung kaninang shake na iniinom namin. Maganda naman ang pagka-kagawa nila kasi malinis at hindi madumi. Nang makuha na namin ang shake ay lumabas na kami ng school at nag-hintay sa benches ng sundo. Susunduin ako ni Daddy at si Pia naman ay ang Ate niya, magka-layo na kasi ang bahay namin ni Pia. Pero noon ay magkapitbahay lang kami kaya kami nagka-kilala! Hindi pa nga siya noon maarte e! Pero ngayon? nevermind.




Tumayo nako at humalik sa pisngi niya bago sumakay sa kotse ni Daddy. Pag-sakay ko ay binuksan ko ang bintana at kumaway pa sakanya, pag-alis namin ay nakita ko pa siyang pa-sakay sa kotse ng Ate niya. Parang sabay lang din kami umuwi kung ganoon!




"This is your first time studying here at Philippines, how's it feel, anak?"




Matagal akong napatingin kay Daddy at sinusulyapan niya lang ako sa may maliit na salamin. Ngayon lang ako kinausap ni Daddy dahil sa tuwing kinakausap ko siya ay hindi niya ako pinapansin o hindi siya sumasagot! Naninibago lang ako at tinawag pa niya akong anak?




"It's fine, Dad." Sagot ko bago kuhanin sa loob ng Sling Bag ko ang phone ko. Nag-phone nalang ako para hindi na masundan ang tanong ni Daddy. Ime-message ko na lang din si Pia kung naka-uwi na ba siya dahil mas malapit ang bahay nila sa school kesa sakin.



You Choose MeWhere stories live. Discover now