CHAPTER 8

8 3 215
                                    

"Go! Go Damien!"












Nandito kami ngayon sa court dahil inaya nga ako ni Damien na manood ng Final Game nila. Sinama ko nalang din sila Pia at Giselle dahil ang boring dahil wala ako ditong kausap! First Game ay hindi kami nakanood dahil ngayon lang ako inaya netong si Damien na manood, gagalingan niya nga raw dahil alam niya na manonood talaga kami. Hindi na nga ako makakasunod kila Mommy sa Tagaytay dahil after ng Game kakain kami sa labas nila Damien. Tsaka, kakain lang din naman kami doon sa Tagaytay kaya hindi nako sasama dahil kakain nalang rin kami dito.












"Wooahhhh!" Sigaw ni Giselle nang maka-shoot si Damien. 3 points yun dahil malayo siya at sakto pang na-shoot kaya lamang na sila sa kalaban.












"Napaos ako," sambit ni Giselle bago uminom ng tubig. Tumawa lang kami ni Pia at hinila na si Giselle pagtapos niya uminom dahil baba na kami para salubungin si Damien.












"Okay lang yan, bro," tinapik siya ni Giselle. Hindi kasi sila nanalo, makikita mo talaga sa mukha ni Damien ang lungkot dahil sa pagka-talo nila. Pwede pa naman sila bumawi sa susunod na Game kung meron, siguro hindi lang nila araw ngayon.












"It's okay," ngumiti ako bago guluhin yung buhok niya at basang basa yun ng pawis.












"What the?!" Inis na reklamo ni Pia nang matalsikan siya nang pawis. Tumawa kami at si Giselle ay inaasar pa si Pia kaya mas lalong na-badtrip!












"Really? Fuck you, Giselle Anne!" Umirap si Pia at pinunasan yung pawis sa braso niya, tumatawa pa din si Giselle kaya natawa nadin tong si Damien.












"Avis!"












Napalingon kami sa likod ni Damien at sumipol pa yung coach niya, tinatawag ata siya. Ngumiti siya sakin bago ituro yung labas. Tumango ako at naintindihan yung ginawa niya, doon nalang namin sa labas hihintayin si Damien, nag-lilinis na rin kasi yung mga janitor dito. Tumakbo na si Damien doon palapit sa coach niya, nag-simula na rin kaming mag-lakad nila Giselle palabas, busy si Piahnna kaka-type sa phone kaya hindi kami masyadong maingay dito. Kahit kanina sa gitna ng Game, busy talaga siya. May time pa nga na nilayo niya yung phone niya samin dahil raw chismosa kami at nakatingin pa kami roon sa may phone niya!












"Nakita niyo ba kanina si Chelsea?" Tanong ni Giselle pag-labas namin ng court. Kumunot ang noo ko, nandito din si Chelsea?












"Huh? Nandito din siya?" Tanong ko pabalik bago umupo dito sa waiting shed.











"Hindi ko sigurado pero parang nakita ko kasi siya doon sa kabila," umiling si Giselle. Oo nga naman, siyempre nandito siya dahil diba nga crush niya si Damien at manonood talaga siya ng Game.











"Don't mind her." Umirap si Pia. Wow! Ngayon lang siya nakisali sa usap namin ni Giselle, ah!












"Nakaka-uhaw naman!" Reklamo ko.












"Bibili ako drinks, ano gusto niyo?" Tanong ni Giselle at tumayo na.












"Sama ako," tumayo na rin tong si Pia.












"Alam na ni Pia yung gusto ko," ngumiti ako. Tumawid na sila at nandoon na sila agad sa bilihan ng mga softdrinks. Hindi sila agad naka-bili dahil madami ang tao doon.












You Choose MeWhere stories live. Discover now