"I thought you're married?" Adrian asked that made me glared at him. Tinaas ko ang kamay sa mismong mukha nya para makita nyang walang singsing don.
"Bobo ka ba talaga o bulag?"
Natawa naman sya sa sinabi ko.
"You were engaged for 3 years. Everyone thought that you're already married." Dagdag nya pa.
"Hindi ako magpapakasal." I replied with finality and drink on my cup.
Sinong may gusto pang magpakasal kung sa mismong kasal mo ay iniwan ka ng magiging asawa mo para sa ibang babae?
"Change topic na, naba badtrip ako sayo." Sabi ko sa kanya at binato sya ng crumpled paper.
Nagsimula na kaming mag trabaho dahil sabay din kaming pupunta sa City Hall mamaya.
My schedule is too full for today. Nangako pa naman ako kay Felix na manonood ako ng laro nya.
Nagpaalam muna ako kay Adrian na bibili lang ng kape sa baba. Hindi nya naman ako pinansin at busy sa pagta type sa laptop nya.
Kinuha ko nalang ang wallet ko at yung phone ko bago bumaba.
I went to the nearest coffee shop kung saan kami palaging bumibili ni Adrian. Pero pagpasok ko palang don ay parang gusto ko ng lumabas. Bakit ba nandito yang babae na yan?
Hindi ko na lamang pinansin dahil tinatamad ako makipag sabunutan. Dire diretso lang ako sa counter at nag order ng kape ko. Bumili nako ng dalawa para sigurado.
I was just standing there and waiting for my order when I accidentally heard something.
"I don't know, Bryan's Mom is asking me to come-."
"Alam mo naman na hindi kayo goods nung Mother nya diba? Baka apihin ka pa don." Sabi nung kasama nya.
"Hindi naman siguro. Andon naman si Bryan, hindi nya hahayaan na mangyari yon." Sagot naman nung babae na yon.
"Girl, wag tanga. It's just a birthday party. Hindi mo kailangang pumunta." The other girl said.
Pero pinagpilitan pa din talaga nung babae.
"I want his Mom to like me. I can handle this." Sabi nya.
Gusto kong umirap ngunit tinawag na ang pangalan ko para sa order. Nakita ko silang lumingon. Of course, they knew me.
Ako lang naman yung babaeng iniwan ng groom nya sa gitna ng kasal nila.
I confidently walked past them. My pride was already ruined, why would I let it happen for the second time?
Badtrip akong bumalik sa office ko, nandon pa din si Adrian. He's still typing on his laptop but looked up to see me.
"Hindi na tayo pupunta sa party mamaya." I immediately said. Inis kong binaba ang kape sa lamesa ko at pabagsak na umupo.
"Huh? Ready na yung susuotin-."
"Damit lang yan. Hindi tayo pupunta." I said with finality but he insisted.
"Sinabi mo na kay Felix na pupunta tayo." He said that made me stopped.
Right. We planned that after his game, pupunta kaming party. Ayoko pa namang nagpa plano tapos hindi tutuparin. What's the point of promising?
Natahimik ako dahil don. Pero imbes na matulala ay nag trabaho nalang ako. Ang daming pending cases sa lamesa ko. Mas nagfo focus kasi ako sa malalaking cases, mas matagal kasi ang pag process ng ganon.
We are silent for the next hours because of the cases. Sobrang focus ko sa work nang biglang tumawag si Felix. Bigla tuloy akong napatingin sa orasan at nakitang maga alas tres na. Three yung game nila!
YOU ARE READING
Falling expeditiously
RomanceChanging things is hard. But once you have the will to do so, it would be easier. Ever since Jasminah Coral Agravante throw her wedding and engagement ring on the ocean, at 5pm, exactly sunset. She also closed every doors and changed every details...