Chapter 6.1: Oh La La !
"YANNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA !!!! "
May sunog ba ??
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"JULIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANNE !!! "
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagkagulat.
"GUMISING KA NA DIYAN ! ANONG ORAS NA ! MALE-LATE KA NA NAMAN ! MALILIGO KA PA ! MAGBIBIHIS ! KAKAIN ! MAGSISIPILYO ! KAYA GUMISING KA NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA !! "
Kusang nagsilayasan ang mga tutuli sa tenga ko. Grabe kasi talagang makasigaw tong si Mama eh. Aakalain mong ano na ang nangyari.
By the way, yan ang Nammy Kristine ko (Nanay/Mommy).
"Nammy, maaga pa naman po eh !"
"Anong maaga? Tingnan mo ang oras Yanna! It's 7:17 in the morning !"
"Asus ! 7:17 pa naman pala Na------ 7:17 ??!!!!!!!!"
Napatalon ako sa kama. At patakbong pumunta ng banyo para mag-half bath. Wala na naman kasi akong oras para maligo eh. Late na late na ako. Kelangan kong pumasok sa school kasi Prelimenary exam namin sa Physics ngayon. Medyo terror pa naman yung si Ma'am Lyrad, hindi nambibigay ng special exams.
Rinig na rinig ko pa rin ang Misa de Gallo ni Nammy.
Dali-dali akong nag-half bath at nagbihis tapos tumakbo na paakyat ng Dine. Paakyat kasi underground po yung kwarto ko.
Pagdating ko dun, nakita ko si Taddy na nagbabasa ng newspaper.
"Morning Taddy!" bati ko sabay halik sa pisngi.
"Good Morning baby !"
"Hoy! Julio! Kaya lumalaking ganyan yang anak mo dahil sayo!"
"Talaga? Dahil lumaking maganda ang anak natin ay dahil sa akin?" bilib na bilib na sabi ni Taddy.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin------ Hoy! Yanna ! Asan ka??"
Umalis na ako kasi kung hihintayin ko pang matapos si Nammy, mas lalong male-late ako.
"Sa school nalang po ako kakain!" sigaw ko sa kanila.
Takbo much na ako papuntang labasan sa village para mag-abang ng kahit na anong transpo papuntang school.
Hapong-hapo na ako pagkarating sa waiting shed.
"Lord, sana naman may dumaan ng sasakyan." bulong ko. Malayo-layo pa kais yung school eh tapos kung lalakarin-takbo ko, for sure, pagod much na ako . Mas magiging mabaho pa dahil sa pawis. Psh >.<
Oh c'mon ! Mamon !
Wala talagang sasakyang dumaan. Huhuhuhu T^T Ito na ang katapusan ng aking buhay. Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ToT
Para akong hilong-talilong na palakad-lakad back n forth ! 17 mins. nalang klase na namin. Kung maglalakad ako papuntang school, aabutin ako ng 20 mins. Kung tatakbo naman, mga 13 mins. Oh c'mon ! At kung makakasakay ako now na, makakaabot ako dun ng wala pang 15 mins.
Bahala na ! Tatakbo nalang ako kesa naman di talaga ako makapag-exam.
Magsisimula na sana akong tumakbo ng makita ng mga mata ko ang paparating na Red Porsche. And THIS IS MY CHANCE ! Bahala na si Captain America !
Nang medyo malapit na yung kotse, pumunta ako sa gitna at hinarang yung katawan ko upang huminto yung kotse.
~ SCREEEEEEEEECH ! ~\
BINABASA MO ANG
Falling For Him Again
Genç Kurgu"MINAHAL KITA NOON, YOU THINK MAMAHALIN PA RIN KITA NGAYON?" he said. I know it's my fault and God knows how much I regret the day that I let him go. He's good to me and he even loved me so much but what did I do? I hurt him. I hurt him so much that...