CHAPTER 1: And We Met Again

122 1 3
                                    

June 6- First Day of School

       Whew ! 4th year HS na ako sa Jica Academy. Sayang nga lang at di ako napasama sa SPED Class. Napahiwalay tuloy ako sa aking circle of friends.

        Suot ang isang black jeggings, black high-heeled sandals, white printed t-shirt na pinatungan ng gray na cardigan at violet na shoulder bag ang get up ko.

     "Girl!" napalingon ako at nakita ko sa Anna.

     "O! Ikaw pala!"

     "Wow! Bagong rebond ah!" puna niya sa buhok ko.

     "Yeah! I----"

     "Bye!" nagmamadaling paalam niya sa'kin.

     Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.

     Flag ceremony na namin. Medyo magulo pa kasi hindi pa namin alam kung saan yung line ng section namin kaya tumabi nalang kami sa 1st section.

     "Ne ! Ikaw pala yan!" sabi ni Adette sabay kalabit sa buhok ko.

     "New rebond ah!" puna ni Xiele.

     "Thanks!" saad ko.

     Nagpalingalinga ang ever-shunga friend kong si Adette.

     "Hoy ne ! Nakita mo na ba si Marco?"-Adette

     Paki ko ba dun ? Duhh !

     "Ah ! Hindi eh !"

     "Alam mo bang ---- See it for yourself na nga lang," nambitin pa ang lola.

     Pumasok na kami sa aming klasrum.

    "Hi Ianna!"

     Lumingon ako.

     "Uy! Chone! Hi !" ganting-bati ko.

     "Ang ganda mo ngayon ah!"

     "Ngayon lang?"

     "Forever" sabay ngiti.

     "Bolero! Mas maganda pa rin ang nobya mo. Kumusta na kayo?" tanong ko.

     Ngumiti siya ng tipid at umupo sa likuran ko.

     "Wala na kami." bulong niya sakin.

      "Oh! I'm sorry" hinging paumanhin ko.

     Pumasok na si Ma'am Lyrad and the classes went on.

*RECESS*

      Pumunta na ako sa school canteen namin.

     "Babae!" tawag sakin ni Joyce.

      There they are, my ever reliable and ever ABNORMAL FRIENDS, the UNKNOWN LADIES. The members are: Charrie Bernadette "Adette" Haleco (the ultimate playgirl/happy-go-lucky), Angelica Mixielle "Xieley" Baretto (parang kabute/lunatic), Eunylle Joyce "Joyce" Crizaldo (SSC Pres. na ubod ng taray), Anna Kitten Nikolet "Anna" Maniwang (hopeless romantic), Caroline Hopejoy "Oline" Lopez (always making the bonding), Cheezy Katherine "Cheska" Murill (veeeeeeeeeery shy), Maria Gabriella "Gabi" Silang (ang Ewan), Kissmae Janine "Kiss" Melicor (nerd), and truly yours, Julianne Kris "Ianna" Asuncion (makulit).

     Lumapit ako sa kanila.

    "Libre niyo naman ako!"

    "Wala kang pera pang-recess pero may pera ka pang-rebond. Wow hah !" saad ni Joyce.

     "Eh ano ngayon? Tumbling ka!" sabi ko sabay tawa.

     Tumahimik lang sila which is weird (especially kay Adette).

     "Namulto kayo?" tanong ko.

      Exxage na pagkagulat ang expressions ng la fez nila. Na-curious tuloy ako kung ano ang nasa likod ko kaya lumingon ako.

     Paglingon ko .....

     OH MY GOLLY GOSH !

     Tumingin siya sakin.

     Kinabahan tuloy ako, lalo na ng makita ko ang pagbabago sa mukha niya.

     What?! It can't be !Ba't ako kakabahan?!

      Ang dating anime hair na straight niya, ngayon ay curly na. Tumangkad rin siya di gaya ng dati na mas mataas pa ako sa kanya at lalo siyang gumwapo sa looks niya ngayon.

     I never expected to see those pair of chinito eyes ,na pagtinitigan ka ay tagos sa buto, again. And those eyebrows na parang ... nagtatanong?

     Nagtatanong??? SHIT ! Wait !

     Sino bang di magtataka kung titig na titig ka tapos medyo tumulo pa laway mo? Argh !

     Pinakalma ko ang sarili ko.

     "Ahm ... He ---"

    ENGK !

    Bigla siyang umalis.

    Takte ! Ignore ang beauty ko dun ah !

     Bumuntong hininga ako at binalingan ang mga friends kong natahimik.

    I snapped their foreheads.

    "Sumusobra ka na Ianna ha !" maktol ni Adette.

     "Na-chapter nga lang yang la fez mo, kami na agad ang pagbabalingan mo ng galit? Agad-agad?! Shockz!" react ni Joyce.

     "Whatever!" at umalis na ako.

     "Hoy! Tampororot ka agad!" tawag ni Xiele.

     Hindi ko na sila pinansin.

     Kainis!

     Pumunta na ako sa klasrum namin.

    Na-BAD MOOD NA TULOY AKO.

    Umupo na ako sa upuan. (alangan namang umupo ka sa higaan eh nasa loob ng klasrum. Shunga lang ang writer? He-he-he)

     "Hi Ianna !" bati ni Chone at umupo sa armrest ng chair ko.

     "Hi Chone!"

     "Oh! Ba't lukot yang mukha mo?"

     Tama ba ang nakita ko sa mga mata niya? Tama bang nag-alala siya sa'kin?

     "W-Wala."

     Ngumiti siya. "Wla raw eh parang maiiyak ka nga eh." at pinisil ang magkabilang pisngi ko.

     "Aray! Masakit ha!"

     "Ang cute mo talaga!"

     "Tigilan mo nga ako Chone! Mapatay kita eh!" banta ko.

     "Hindi mo nga kayang pumatay ng ipis, ito pa kayang guwapong mukha toh?"

     "Huwaaaw ! Ang lakas ng hangin dito. May bagyo ata!" at tumawa ako.

     Tumawa rin siya.

     "Ayan! Hindi ka lang cute, ang ganda-ganda mo pag tumatawa ka." sabi niya at pinisil ang baba ko.

     Speechless ... Ngumiti nalang ako :)

=====_===== _ =====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_====

Abangan ang next chapter :)

Yan lang muna ngayon ha.

TWEET, SHARE, VOTE, COMMENT :)

Falling For Him AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon