"Never frown because you never know who is falling in love with your smile."
- Anonymous
===============================================================================
CHONE'S POV
"Chone, ano ba ..." tawa ng tawa si Ianna.
Nakakatuwa talagang tingnan pagtumatawa siya. Hindi kasi tulad ng ibang babae na pati pagtawa may arte. Poise na poise. Siya, buhakhak kung buhakhak.
"CHONE ! STOP IT !"
Natigilan ako.
Nasobrahan kaya ang pagkiliti ko sa kanya? Ang babaw naman ! Tawa pa nga siya ng tawa kanina eh.
"I'm sorry" hinging-paumanhin ko.
Tinitigan ko siya.
Is there something bothering her??
"I'm sorry Chone!" at tumakbo siya paalis.
Nagtaka ako.
Kahit nakakahiyang magtanong, tinanong ko pa rin ang pinaka-nakakahiyang tanong ng isang lalaki.
Aigoo !
Tinawag ko si Adette.
"Ano??" - Adette
"Uhmm.." Bahala na nga! "Uhmm... May dalaw ba si Ianna ngayon?"
Natigilan siya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA....."
Ang inakala kong sampal ay ubod na lakas na tawa pala ang gagawin niya.
Nahiya tuloy ako.
Pinilit niyang mag-seryuso pero natatawa pa rin siya.
"Ahm ... (tawa)... Wa ... (tawa) ..... Wala ...."
Pagkarinig ko nun, tinakbo ko agad si Ianna.
Tama ako. Meron siyang problema.
"Ianna ..." hinawakan ko ang kamay niya.
(Please play the song "If We Fall In Love" by Yeng Constantino)
Pinihit ko siya paharap sa akin. Nakayuko lang siya.
Aish! Nakaka-guilty tingnan ang mga babaeng malungkot.
Ihatid ko nalang kaya siya sa kanila? Baka kung mapano pa siya sa daan, wala pa naman siya sa tamang katinuan.
Bumuntong-hininga ako.
"Can I take you home?"
Tumingala siya sa'kin.
"Halika na nga!" Inakbayan ko siya at lumabas na kami ng gymnasium.
"Maglakad lang tayo para may moment."
Ngumiti siya."Moment ka diyan!"
MOMENTS OF LOVE ...
Natawa ako sa iniisip ko.
Nahihibang na ata ako.
Gusto kong magtanong pero nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Falling For Him Again
Teen Fiction"MINAHAL KITA NOON, YOU THINK MAMAHALIN PA RIN KITA NGAYON?" he said. I know it's my fault and God knows how much I regret the day that I let him go. He's good to me and he even loved me so much but what did I do? I hurt him. I hurt him so much that...