CHAPTER 2: Mr. Cold & Mr. Hot :)

104 2 2
                                    

 MARCO'S POV

     Tahimik akong kumakain ng Chicharon ni Mang Juan sa aking hideout everytime I want some peace of mind..... ang Rooftop. Meron kasi akong bagay na iniisip.

       Biglang bumukas ang pinto.

       DAMN ! I want some peace nga eh !

    "Pareng Marco, tama ba yung sinabi ni pareng Adette sa'kin na chinapa mo raw ang gandang-pilipina ni Julianna?" nangingistorbo na naman si KJ."Ang sama mo Pare!" na sinabayan ng pagpalo sa puwet ko.

     "Ikaw talaga KJ, ang tsismoso mo!"

     "Sus! Iba ang tsismoso sa concern." sabay agaw sa kinakain ko.

     Prenteng sumandal ako sa may railings at tumingala sa langit.

     "Ang lalim ata ng iniisip mo parekoy." puna i KJ at tumingala rin sa langit.

     "Kayganda ng langit sa damdaming nagngingitngit." naisatinig ko.

     "Hala! Totoo pala yung sinasabi nila na nagiging makata ang isang tao pag-heartbroken raw. Tsk!"tumingin siya sa akin. "Papasa ka nang maging contributor sa School Paper natin."

     Haaaay .. Minsan lang talaga may sense ang isang toh !

     "Syanga pala, susunod dito si Adette. Baka darating na yun ! Nase-sense ko na ang presensiya niya."

     Binatukan ko siya. "Magpa-mental ka na kaya!"

     Imbes na pumunta ako rito para manahimik, iniistorbo naman ako ng mga asungot  !

    Bumukas na naman ang pinto at iniluwa si Adette. Sumugod siya sakin at pinaulanan ako ng suntok.

     "Aray! Aray Adette !"

     Hindi pa rin siya tumigil.

      "Aray! Ano ba?!!"sikmat ko.

     Tumigil siya tapos ngumiti.

     "Na-miss kita ! Na-miss ko kayo mga parekoy!" sabay yakap saming dalawa ni KJ.

     Bigla siyang lumayo at tinitigan ako ng masama.

     Ano bang hinithit nitong isang toh?

     "Bakit di mo pinansin si Julianna kanina? At bakit pinakulot mo ang buhok mo?!" singhal niya sakin.

     "Kasi nga---"

    "Magsabi ka ng totoo Marco !! Bakit mo pinakulot ang buhok mo?! Sagot !!" sabi niya at itinutok ang flashlight ng cellphone niya sa mukha ko at tinitigan ako na para bang isa siyang imbestigador.

     Ang lakas ng tama nitong isang toh !

    "Mas type ko toh ! Magaan sa pakiramdam at ayos tingnan." sagot ko.

     "Wee?? Ang sabihin mo parekoy, dahil heartbroken ka kaya buhok ang napagtripan mo." sabad ni KJ.

     "Tama siya. Katulad yan ng case ni Ma'am Jonna."-Adette

     "IKR !" -KJ

     Tumawa lang ako.

     "Mga baliw talaga tong mga taong toh !" sabi ko.

     "Baliw raw ! We're saying the truth but nothing the thruth!"-KJ

    Tumawa ulit ako.

     "Kayo talaga! Ba't ba kayo nandito? Iniistorbo niyo ang pananahimik ko."

Falling For Him AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon