Epilogue
Isn't this what I want? But why am I not happy?
Isn't this the one I've been waiting for the most? Why do I seem to be in a hurry to finish this?
This is it! I already have the man I have loved since childhood.
Convincing myself with these sentiments doesn't help either.
Nagpatuloy ang mga araw na tahimik lang ang bahay. Tanging ang ingay lang ng anak ko ang maririnig. Noong hindi pa siya nakaka alala, I knew I had done everything I could to get him to love me, so I have no regrets now if he can't reciprocate that.
May mga time na nagtatanong siya tungkol sa anak namin at sumasagot naman ako. May mga pagkakataon don na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Tatalikod at umaalis na lang ako tuwing ganoon.
"Hush, baby, it's okay." Pinatahan ko ang anak ko dahil nauntog niya ang ulo niya sa isa sa mga laruang sasakyan niya.
Medyo natawa pa ako sa itsura.
"Baby, it's jot that hard. Ow! Kawawa naman." I teased him kaya lalo pang umiyak at lalo naman akong natawa.
I will say that my son helped me a lot to alleviate the pain I was feeling. Biruin mo ay yayakapin ko lang siya ay mawawala na lahat nh problema ko. Natigil ang pag-aasaran namin dahil may nararamdaman akong nakatitig sa amin. It's Havier. Mapupungay ang mata niya habang pinagmamasdan kami.
"Can we talk?" He asked me. Nagtaka ako pero tumango rin.
"Sure, papatulugin ko lang ang anak ko." I said and went upstairs to the bedroom.
Thirty minutes ko rin yatang pinatulog ang makulit na ito. Isang halik sa noo at pisngi niya ang iniwan ko bago ako lumabas sa kwarto niya. Oo, may kwarto na siya. Minsan pa nga at d'yan na ako nakakatulog.
"What is it?" Tanong ko pagpasok ko sa opisina.
Tinitigan muna niya ako bago sumagot.
"Lianne and I met." He answered.
Sa unang pagkakataon ay hindi ako nasaktan. Dahil matagal ko nang tanggap na magkikita at magkikita sila. Tumango ako.
"Good for the both of you, after all pareho kayong pinaglaruan ng tadhana." I genuinely said.
Nagkatitigan kami at sa unang pagkakataon ay siya ang unang umiwas ng tingin.
"It's not what you're thinking." He said. Napakunot ang noo ko. Anong iniisip ko ba?
"Huh?" Lito kong tanong. Himinga siya nang malaling at nagsalita ulit.
"I said it's not what you were thinking. I met her at the mall. As former friends, we agreed to eat and talk about what happened then. I just want closure, nothing more. And after that his husband also came. So, kumain kaming tatlo." Kwento niya.
Pagkatapos ng kasal ni Lianne namin nasabi ang katotohanan sa kanya. She was a bit shocked by that. But after that she didn't bother with the truth. Of course, may bago na siyang minamahal kaya bakit pa mag ma-matter iyon sa kanya.
Tumango ako. Masaya ako para sa kanila dahil finally, nagkaroon na silang dalawa ng chance nang hindi patago.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Sari-sari na kasi ang nasa puso ko. Masaya ako, na malungkot. Basta ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang anak ko.
"Nga pala... I wanted to say sorry to you. For setting you up. Sana malaya ka pa ngayon at wala ka pang responsibilidad na anak kung hindi ko ginawa iyon." Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya ito.
Kumunot ang noo niya. Parang galit. Tumango ulit ako ng isa pang beses bago siya tinalikuran. Dumiretso agad ako sa aking anak. Alam ko kasing paiyak na ako. Kailangan ko siyang makita para hindi ito matuloy.
Pero kung hindi ko naman iyon ginawa, paano ko makikilala ang anak ko ngayon. Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga negatibong pag-iisip ko basta ang mahalaga ay nasa mabuting kalagayan ang anak ko.
Because we are going to see his grandmother today, kay Mama, I have prepared my son's clothes and breast milk.
I also found that my father treated me badly because I wasn't his biological child. My mother gave birth to me before she met Papa. Basically there was no cheating. Due to her illness, Mama can only give birth once. Her life will be in danger if she becomes pregnant again. My father was enraged because she was unable to provide him with a child.
"You ready?" Si Havier na nasa pintuan.
Tumango ako sa kanya at binuhat na ang anak ko. Inalalayan niya kami na bumaba sa hagdan at pinagbuksan ng sasakyan.
Hindi naman katagalan ang biyahe dahil wala namang traffic kaya nakarating agad kami. Kita ko agad ang ngiti ni Mama sa malayo nang nakita kami.
Agad niyang kinuha ang anak ko at inulanan ng halik sa pisngi.
"Napaka gwapo talaga ng asawa mo anak." Pang-aasar ni Mama. Napailing na lang ako.
Si Havier naman ay nakangiting nakatingin sa akin. Nagyayabang dahil na puri. As if naman first time niyang mapuri ngayon.
Walang ginawa si Mama kung hindi ang mag kwento nang mag kwento. Si Havier naman ay tatango tango at minsan ay nagsasalita rin. Hindi ko alam kung bakit siya tingin nang tingin sa akin. Humikab ako, medyo pagod na. Nakita iyon ni Havier kaya tumayo siya.
Tumayo siya para makapag paalam na kay Mama. Si papa naman ay mag hapon na wala dahil nasa sabungan. Isang halik sa pisngi ang iniwan namin kay Mama bago kami tuyang umalis para maka-uwi na.
"Dumaan muna tayo ng simbahan saglit." I said. Tumango naman siya.
Gusto kong lagi akong dumadaan ng simbahan tuwing pagkagaling kay Mama.
Lord, thank you for all the blessings you have bestowed on me, especially my son. Thank you and you did not leave me when I was in the dark. Now I will ask for more strength from you so that I can also raise my child strong. Thank you.
I got up to leave. I no longer let them into the church because my son was crying. I told them to just wait outside. Asaan na sila? Luminga-linga ako saglit at nakita ko agad ang mag-ama ko na papalapit sa akin. Havier is holding a.. what is that? Sampaguita? Never naman kaming bumili ng bulaklak tuwing nagsisimba kami dahil maraming bulaklak sa farm.
"Miss, sa iyo ba ito?" Si Havier na inaalay ang sampaguita.
Isang pamilyar na senaryo ang nagdaan sa isip ko.
"Oo." I said. Tinatapangan ko ang boss ko dahil kung hindi ay maririnig niya ang nginig nito.
"Ang sungit mo naman." Natatawa niyang sabi.
Hindi ko na napigilan, napaiyak na ako.
"It's you right? Ikaw yung batang iyon. That is why your face was so familiar when we met at Hilton." He said while wiping my tears.
"I forgot to ask your name dahil tinalikuran mo ako agad sa playground. That's why I made a nickname for you and that was, miss sampaguita." He proudly said. Natawa ako nang bahagya.
Miss sampaguita, really? Lame!.
Ang anak namin ay pabalik-balik ang tingin sa amin dalawa.
He held my hand and put it on his cheeks. Tumitig siya sa akin.
"Let's start over again." He whispered.
Tumango ako habang umiiyak.
This is it. Hindi na ako gagawa ng mga maling desisyon.
He pulled me with one of his hands towards him and hugged me tightly while kissing my forehead.
I hugged him back.