"She was completely whole and yet never fully complete."
― Maquita Donyel Irvin, Stories of a Polished Pistil: Lace and Ruffles
"Okay, Natasha. Deep breaths, count to three. One, two, three..." I struggled to keep myself calm kahit nanginginig na ang kalooban ko. The limelight scares the living hell out of me, for a reason.
Me:
Hi, good evening. Ask ko lang what's with the IG post?
Minutes passed and there wasn't a sign of his reply. Bumuntong-hininga ako at sinubukang ibaling ang atensyon ko sa mga pwede ko gawin na academically-related. But forcing myself to read another chapter related to marketing drained the remaining energy I had left. Sumandal ako sa upuan at ihinilamos ang kamay sa mukha."Hay, itutulog ko na nga lang ito." Sambit ko sa sarili at niligpit na lang ang gamit. Lumabas ako sa kwarto at tinignan kung tulog na si inang. Fortunately, she was sound asleep so I turned the lights off and went back to my room. Bumalik ako sa kwarto at binuksan ang bintana; agad din pumasok ang hangin ng ber months. Kumalumbaba ako sa pasimano at hinayaan ang sariling tumunganga sa kawalan. Tila hinele din ako ng gabi, dahil agad na rin akong inantok.
************
It was a cloudy Sunday morning as I felt the calm rush of wind blow on my face. Dumilat ako at nag inat-inat, nakatulog na pala ako sa pasimano. Naglakad na ako palabas ng kwarto at bumaba para makita si inang na naghahain na ng almusal.
"Bat di mo ako ginising inang? Nag-abala ka pa." Tamad kong turan at tumingin lang siya sa akin bago nilagyan ng kanin ang plato ko.
"Linggo naman, saka pagod ka kahapon kaya hinayaan na kitang matulog." She nonchalantly said as she took a spoonful of rice. Napailing na lang ako at kumain na rin.
"Mukhang uulan ngayon, i-dryer mo na lang yung damit kung maglalaba ka." Paalala sa akin ni inang na siya namang tinanguan ko. Ihiniwalay ko na ang puti sa de-kolor sabay ng pagpapaalam niya na pupunta siya sa kumare niya na si Aling Nelia, para na naman siguro makipagchismisan.
"Uwi ka na lang agad inang, o kaya magdala ka na lang ng payong just in case." She aggressively dismissed that, sandali lang naman daw siya doon. Umiling na lang ako sa kakulitan ni inang at pinilit na lang siya na dalhin ang cellphone niya para masundo ko siya pag nagkataon. At sa pangalawang pagkakataon ay ayaw na naman niya pero di na ako nagpatinag. Wala rin siyang choice kalaunan at kinuha na lang ang cellphone.
"Para naman akong bata sayo jusmiyo ka." Eksaheradang turan niya sa akin at napatawa na lang ako.
"Oo nga e inang. Di ko sure kung ako ba talaga yung bata o ikaw hahahaha." Sabi ko naman kaya hinampas niya ako sa balikat at naglakad na palabas. Dumiretso naman na ako at binuksan na ang gripo at ikinonekta ang hose sa washing machine. Within minutes, I was preoccupied in washing all the clothes. Naging madali lang rin ang paglalaba, mahirap nga lang magbanlaw na siyang nagpasakit sa balakang ko.
***************
"Ay salamat, natapos din." Turan ko at nag inat-inat matapos kong isampayang huling piraso ng damit. Naka-dryer naman na ang mga iyon kaya di ko na aalalahanin masyado. Matutuyo na iyon sa hangin. Alas-dos na rin kaya kumain na ako ng kanin. And true enough, umulan nga. Kagaya ng sinasabi ko.
Kinuha ko na ang cellphone at tinawagan si inang. Agad naman siyang sumagot matapos ang ikatlong ring.
"Sunduin na ba kita inang?" Tanong ko at naghahanda na sana ng payong para makalabas.
YOU ARE READING
Between Never and Maybe
Ficción General"Sa mundong 'to, daig ng mga may pribilehiyo ang mahihirap. Kaya malakas ang loob nilang mang-abuso." Natasha Vivienne Larrosa seems to have it all in place. Not until he meets Tyler Van Howell, the broodingly hot senior of the school. When somethin...