Kabanata 3

128 17 2
                                    

Nakakapagod pala 'to? Akala ko kapag na kapasa na kami sa Audition mas magiging madali na lahat, pero hindi pala, mali pala.

Bakit ko nasabi? Tulad na lang ngayon bilang Senior High School Student at Grade 11 pa ay kailangan pa namin mamili ng strand na kukunin namin, dahil maliban sa pangarap namin maging artists kailangan pa rin namin mag aral, at minsan kinukuhaan nila ng basihan yong grades namin sa mga subjects bago nila kami ipasok sa special program sa school kung saan mga students na may potential sumikat ang nandoon kaya tulad ng sabi nila sa amin kailangan namin galingan sa academic kung gusto namin malapit sa SPS.

"Ipaalala niyo nga sa akin bakit HUMMSS ang kinuha natin?"tanong ni Mitch bago inumin ang ice coffee na hawak niya.

"No comment ako diyan, ito sila Rhean tanungin niyo, sumunod lang naman tayo sa kanila dahil wala tayong kaalam alam sa mga tract na yan."sagot naman ni Ghab na kakatapos lang kumagat sa tinapay na hawak niya.

"Sorry naman, tsaka HUMMSS rin kasi yong malapit sa pangarap namin lahatz tsaka ito rin ang strand na kinuha ng mga sikat sa University."sagot ni Rhean habang busy sa pakikipaglaro ng ML kay Harri.

"Sikat? Sino?"tanong ni Mitch.

"Sino pa ba? Edi ang grupo ni Yanze Mil Ford."seryosong sagot ni Harri habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone niya na ikinatigil ko.

"Tama ba ang rinig ko? Yanze? Sila talaga?"tanong ko sa kanya.

"Yes."walang pagdadalawang isip niyang sagot na ikinatingin ko sa dalawa kong kaibigan halata naman na nagulat si Rhean sa inasta ko dahil napatingin siya sa akin.

"Okay ka lang? Bakit? Kilala mo si Yanze?"tanong niya sa akin.

"Nag.....

"H-hindi, h-hindi ko siya kilala, nagulat lang ako na may classmates tayo na sikat na."putol ko sa sasabihin ni Mitch.

"Noong Junior High pa naman kasi yon, kung noon academic lang kami focus, iba na ngayon sa Senior High, tsaka noon pa vocal na talaga sila Yanze at mga kaibigan niya na gusto nila sumukat, tatlo lang sila sa grupo pero sila ang may pinaka potensiyal sa lahat na sumikat agad agad."sagot ni Rhean na ikinatahimik ko na lang.

"Mamili na lang tayo ng gamit natin, hayaan na natin yong mga taong hindi natin kilala."saad ni Mitch sabay tango namin lahat.

Sabay sabay kaming pumunta sa SM kung saan kami bibili ng mga gamit namin sa school ng biglang nagsalita si Mitch.

"Isang pad lang ng one whole 70 na agad? Grabe na ata tong pagpapahirap nila sa atin tss."

"Tss, kala mo naman wala kang pera kung mag reklamo ka diyan."sagot naman sa kanya ni Ghabriella na ikinataas ng kilay niya dito.

"What ever, wag mo nga akong kausapin, puro ka bara e."sagot naman ni Mitch.

Imbis sumali kami sa usapan nila ay nagpatuloy na lang kaming bumili ng mga bagay na magagamit namin. We were told by the President of Diamond High to get everything that we might need in Senior High School dahil ika nga nila Ibang iba na ang Junior High sa Senior High which is true.

Nang natapos kami sa isang shope ay agad kaming dumeritso sa National Book Store inaaliw namin ang sarili namin sa pamimili ng books ballpen at notebook ng biglang nagsalita si Harri.

"So, dito rin pala sila namili."Aniya na ikinatingin namin sa kanya.

"Sino?"takang tanong ko sa kanya.

"Ayon o."sagot niya sabay turo sa kabilang shop kung saan nandoon si Yanze kasama ng dalawang kaibigan niya at isang babae na hula kong girlfriend niya.

"Tss, magkasama pa rin pala sila? Akala ko hiwalay na?"biglang sambit ni Rhean na ikinatingin ko sa kanya na ngayon ay seryosong nakatingin sa dalawang tao na sobrang sweet habang namimili ng bag.

"Nagkabalikan ata sila."sagot ni Harri sa kanya na ikinatahimik ko na lang.

"Hayaan niyo na baka destiny lang talaga silang dalawa."biglang singit ko na lang sa usapan nila.

"Tama, tama, tama hayaan natin sila tsaka bagay naman sila ni Kate kaya hayaan na natin sila tara na, gutom na rin ako."sagot na lang ni Rhean.

We have a week before the first day of school, kaya may panahon pa ako, kami para maghanda dahil tulad ng sabi ng President expect the unexpected pagpasok na pagpasok namin.

Diamond High University is the best choice, sabi nga ng Kuya ko kung gusto ko agad sumikat piliin ko ang paaralan na kayang gawain yon agad sa isang iglap kaya ito dito kami napadpad.

"Tapos na kayo?"tanong ni Ghab.

"Yup, why?"Sagot naman sa kanya ni Rhean.

"Tara kain, nakakagutom para mamili, kung alam ko lang na ganito 'to kapagod sana si Kuya Chester na lang ang inutusan ko nito."ani ni Ghab na ikinatingin namin sa kanya ng seryoso.

Habang papunta na kaming lahat sa Mang Inasal kung saan napagpasyahan namin kumain ay biglang sumigaw si Mitch na ikinagulat namin.

"Anong problema mo?"takang tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan natin bumili ng uniform yon pa naman sabi ni President, kalimutan na natin lahat wag lang ang uniform."sagot niya.

"Tss, kala namin kumagat ka na ng ahas diyan."sagot naman sa kanya ni Ghab na ikinataas na lang ng kilay niya.

"What ever, atleast naalala ko diba? Kesa nakalimutan ko rin edi nganga tayo sa first day of school, kaya mamaya na tayo kumain doon muna tayo sa uniform."Aniya kaya wala kaming nagawa kundi sumunod sa kanya.

Pero ang akala kong tahimik ko ng araw ay agad agad naglaho bigla, nakita ko na nga siya kanina sa National Book Store, pati ba naman dito? Talaga bang nandadaya ang panahon? Talaga bang kailangan parati kaming magkita?

"Girl okay ka lang?"tanong ni Ghab na bigla biglang tumabi sa akin.

"Oo, tara na pumili na lang tayo."sagot ko sa kanya sabay punta sa mga uniform area ng akmang kukunin ko na ang isang uniform na nakita ko ay bigla akong naunahan ng kung sinong tao kaya ng tiningnan ko kung sino ang kumuha ng uniform na nagustuhan ko ay bigla na lang akong napatigil sa aking nakita.

"Gusto mo 'to?"he asked.

"Yes, tsaka ako ang unang nakakita diyan."sagot ko sa kanya pero imbis sumagot siya ay ngumiti lang siya na tila nang aasar sa akin.

"Yes, but sad to say ako naman ang nakakuha, so ibig sabihin ako ang nauna sa kanya."sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

The nerve of this guy! Bwisit! Ngitingiti pa akala mo naman ikinagwapo niya, e mukha naman siyang unggoy. pwe.

"Fine, edi sayo na, bakla."sagot ko na lang sa kanya sabay walk out sa harap niya.

Anong akala niya? Magpapatalo ako sa kanya? Duh. Never. Unggoy na bakla nakakabadtrip.

Hart Moon

Journey to the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon