Kabanata 18

54 7 3
                                    

Shaizhey

Maaga akong bumalik sa school pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay kahapon nagalit pa nga si Kuya, dahil simula ng nakapasok ako sa University na 'to nawalan na ako ng oras sa kanila ni Mama, pero kahit ganoon alam kong suportado nila ako sa mga ginagawa ko, lalo na sa pag abot ng pangarap ko.

Nandito ako ngayon sa Soccer field habang hinihintay sila Mitch ng biglang may humawak sa likod ko na kung sino, ng tingnan ko kung sino ito ay laking gulat ko at mukha ni Yanze ang sumalubong sa akin.

"Bakit?"takang tanong ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Hinihintay mo si Isaac?"tanong niya na ikinagulat ko.

Bakit napasok sa usapan si Isaac?

"Problema mo? Tsaka bakit napasok si Isaac dito?"

"Kasi siya ang hinihintay mo."sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

"Ano naman kung siya ang hinihintay ko?! Ano naman yon sayo?"medyo inis kong tanong sa kanya na ikinatahimik niya.

"Wa-wala naisip ko lang."sagot niya na mas lalong ikinainis ko.

"You know what Yanz? Pinipilit kong maging civil sayo, sana ganoon ka rin puwede ba?!"tanong ko sa kanya. Akmang sasagot na sana siya ng biglang isang boses ang sumingit sa pag uusap namin.

"Ano ba naman kasing pakialam mo ha? Kung ako nga ang hinihintay niya dito?"takang tanong ni Isaac kay Yanze na ikinatingin ni Yanze sa kanya ng seryoso.

"Tss."sagot na lang sa kanya ni Yanze sabay walk out nito sa harap namin.

"Anong mukha yan? Bakit ka nakatitig sa akin ng ganyan? Wala naman siguro akong dumi sa mukha ko diba?"sunod sunod kong tanong kay Isaac ng nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

"Ano naman ang masama kung nakatingin ako sayo?"

"Tss, wag mo ako tingnan puwede ba?"

"Edi, itigil mo rin ang pagiging maganda mo para hindi kita tingnan."sagot niya na ikinatigil ko.

"Hi-hindi ako nagbibiro Isaac, tigilan mo ako! Wala akong panahon sa mga bola mo."nauutal kong sagot sa kanya na ikinainis ko sa sarili ko.

Seryoso Shaizhey? Ngayon ka pa talaga mauutal?

"At sinong nagsabi sayo na nagbibiro ako?"nakangiting tanong niya na mas ikinagulat ko kaya imbis sagutin ko ang sinabi niya nag walk out na lang ako sa harap niya nagmamadali akong naglakad palayo sa kanya dahil feeling ko anytime aatakihin na ako sa puso dahil sa mga salitang sinasabi niya.

"Napano ka?"salubong ni Ghabriella sa akin pagdating na pagdating ko sa room.

"Ah- Wala."

"Wala? Pero nauutal ka? Tapos hinihingal ka pa? Seryoso Shai? Napano ka? May umaway ba sayo?"sunod sunod na  tanong niya sabay iling ko sa kanya.

"Okay lang ako, wag mo na akong isipin."sagot ko na lang sa kanya sabay upo sa upuan ko dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kaba sa puso ko.

Mitch

Pagkatapos na Pagkatapos ng schedule namin sa araw na ito nagmamadali na akong umuwi para sana pumunta sa library nauna na ang mga kaibigan ko do'n dahil pinaiwan pa ako ng instructor namin na siyang nagsabi sa amin kanina na  magsisimula na kami next week sa Practical Research namin at bilang Star Section kami napapabilang tungkol sa mga sayaw at kanta dapat ang Research namin kaya ito ako ngayon naglalakad papunta sa library ng biglang may bumangga sa akin na kapre ng tingnan ko kung sino ito napataas na lang ang kilay ko sa pangit.

"Mainit na nga panahon, namamangga ka pa, tss."

"Wow! Nahiya naman ako sayo! Bakit ? Ako ba ang hindi tumutumingin sa dinadaanan? Ako ba?"

"What ever pangit! Tsaka isa pa, may utang ka sa akin remember?  Alipin?"Mataray na tanong ko sa kanya na ikinangisi niya.

"Okay! Yon lang naman pala, nakakahiya naman sayo! So, kailan?"

"Bukas, 8am wag kang late."seryosong sagot ko sa kanya sabay tango niya akmang aalis na siya ng pigilan ko siya gamit ng kamay niya na ikinatingin niya sa akin.

"Ano na naman?!"

"Number mo?"

"Bakit? Gusto mo textmate tayo? Sorry Miss, hindi kita type."Aniya na ikinatigil ko.

Aba! Anong akala ng mokong na 'to? Type ko siya? Baliw!

"Baliw! Malamang tatawagan kita bukas, para alam ko kung saan tayo magkikita, alipin, kaya wag kang feeling puwede? Kasi kung hindi mo ako type, mas lalo na ako 'no eww."sagot ko sa kanya na ikinangisi niya sabay abot niya ng cellphone niya sa akin agad  ko naman itong tinanggap para isave ang number niya sa phone ko.

"Yan na feeling, okay?"saad ko na lang sa kanya sabay walk out sa harap niya para tuluyan pumunta sa library.

Pagdating na pagdating ko sa library nagtatakang mukha nila Ghabriella, Rhean at Shaizhey ang sumalubong sa akin.

"Wow! 40 minutes ka talaga pinaiwan ni Sir? Mitch? Siguro may kasalanan ka 'no? At saka bakit ganyan ang mukha mo? Sinong nag away sayo?"sunod sunod na tanong ni Ghabriella sa akin.

"Gaga! Wala akong kasalanan, may nakita lang akong pangit na may utang sa akin, kaya ako natagalan."sagot ko sa kanila sabay tango nila.

Rhean

Ilang oras rin ang tinagal namin sa library bago namin napagpasyahan umuwi at katulad ng nakasanayan si Harri pa rin ang parati kong kasabay sa pag uwi. Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng bigla siyang nagsalita na ikinatingin ko sa kanya dahil sa gulat.

"Paano kung nagkakagusto na ako? Paano kung nahuhulog na ako?"biglang tanong niya na ikinagulat ko.

"Okay ka lang?"takang tanong ko sa kanya.

"Wala, naisip ko lang paano kung may nagugustuhan na pala ako?"balik niyang tanong.

"Ipagpatuloy mo, kung nagugustuhan mo na talaga, pursue mo."sagot ko sa kanya na ikinailing iling niya.

"Tss, maganda sana, pero hindi puwede."Aniya na pinagtaka ko.

"Anong hindi puwede? Bakit?"takang tanong ko sa kanya na ikinatingin niya ng seryoso sa akin.

"Mawawala ang pagkakaibigan namin."sagot niya na ikinatigil ko. "Mas mabuting itago ko na lang 'to lalo na sa kanya dahil ayaw ko naman na tuluyan siyang mawala sa akin, dahil lang sa pag amin ko ng nararamdaman ko sa kanya."

"What? Paano mo naman malalaman, kung hindi mo susubukan?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ko na kailangan subukan, dahil sa una pa lang alam ko na ang sagot diyan."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Anong sagot?"

"Kaibigan, kaibigan niya lang ako para sa kanya."

So, sinong friend zone dito? Feel niyo si Harri? kasi ako feel ko HAHAHA...

Hart Moon

Journey to the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon