Huling Kabanata

65 10 0
                                    

Shaizhey

Natawag ang pangalan ko, at hindi ako makapaniwalang nanditi na ako ngayon, kasama ng mga kaibigan ko, nag eensayo, dahil bukas haharap na kami sa totoong mundo, haharap na kami sa mga tao, at handa na kami, handa na akong ipakita sa buong mundo ang kaya kong gawin.

"Kinakabahan ka?"biglang tanong ni Isaac dito sa tabi ko na kararating lang.

"Sino bang hindi kakabahan? Dati na iimagine ko lang 'to, ngayon mangyayari na talaga."sagot ko sa kanya.

"You deserve what you have right now Shai, lahat lahat ng nangyayari sa buhay mo ngayon deserve mo."Aniya sabay ngiti ko sa kanya.

"Thank you Isaac, ikaw din Congratulations sayo."

"Pero kulang pa din."Saad niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Kulang? Bakit?"takang tanong ko sa kanya.

"Dahil wala ka pa."sagot niya na ikinagulat ko. Sabay ngisi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Wag mo ko biruin, maganda mood ko, wag mo sirain."Mataray na saad ko sa kanya sabay tingin niya ng seryoso sa akin.

"Sino naman nagsabi sayo na nagbibiro ako?"takang tanong niya na ikinatigil ko.

"Tss, Ewan ko sayo, mag practice ka na nga diyan."

"Mag eensayo naman talaga ako, pero eto ha, seriously masaya ako para sayo at may sasabihin sana ako sayo bukas after concert."Aniya na ikinatingin ko sa kanya.

"Bakit hindi pa ngayon?"

"Kasi gusto ko bukas."

"Ngayon na lang kasi, anong kaibahan no'n, bakit bukas pa, e, puwede naman ngayon?"

"Bukas na, dahil hindi pa ako handa marinig ang sagot mo, ayaw kong umiyak ngayon, kaya bukas na."sagot niya sabay walk out sa harap ko na ikinataas ng kilay ko.

"Napano yon?"biglang tanong ni Ghab sa likod ko na kararating lang.

"Aba malay ko."sagot ko sabay ngisi niya.

"Gusto ka no'n."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Wala akong panahon sa ganyan Ghab, alam mo yan, at isa pa, imposibleng magustuhan ako no'n."saad ko sa kanya sabay tawa niya.

"You know what Shai? Matalino ka e, manhid ka lang."Aniya sabay tawa ng malakas na mas lalong ikinataas ng kilay ko.

Mitch

"So meaning, last mo na bukas?"takang tanong ni Denver sa akin sabay palo ko sa kamay niya.

"Anong last?!"

"What I mean is that, last performance mo na bukas kasama kami?"tanong niya na ikinatahimik ko.

"I don't know, maybe, hindi ko alam."

"Pero last man o hindi, gusto ko malaman mo na masaya akong ipagpapatuloy mo ang totoo mong pangarap."Aniya sabay ngiti ko.

"Sana, sila mama din. Sana ang pamilya ko din."Saad ko sa kanya.

"Matatanggap nila yan, at susuportahan ka nila, at kung hindi naman, you have me, susuportahan kita, dahil alam kong kaya mo, at maabot mo 'to."Aniya na ikinatingin ko sa kanya habang nakangiti.

"Alam mo, hindi ko 'to expect, hindi ko expected na sasabihin mo yan."

"Anong hindi mo expect?"takang tanong niya.

"Lahat ng 'to itong closeness natin, kasi noon, wala kang Ibang ginawa kundi asarin ako ng asarin kaya hindi talaga ako makapaniwala na yong taong kinaiinisan ko noon, siya rin pa lang magpapa realize sa akin ng totoong gusto ko sa buhay. Salamat ha."sagot ko sa kanya sabay ngiti niya na ikinatigil ko.

Dahil sa pag ngiti niyang yon nararamdaman ko ang kaba, at tibok ng puso ko na noon pa man hindi ko naranasan, at alam kong delikado ako dito, hindi ako puwede mahulog dahil alam kong walang sasalo, hindi niya ako sasaluin.

"Napatigil ka? Inlove ka na sa akin no?"nakangiting tanong niya na ikinataas ng kilay ko sa kanya.

"Kapal mo. Ano ka sa tingin mo, guwapo ka?!"

"Bakit hindi ba?"

"Tss, baliw, bahala ka nga diyan."Saad ko sa kanya sabay walk out sana sa harap niya ng bigla niya akong pigilan gamit ang kamay ko.

"Ano ba?!"

"Ito naman galit agad, pero don't worry Miss, mahulog ka man, may sasalo sayo, nandito ako, konting konti na lang Mitch, konting konti na lang."

"Denver!!"

Ghabriella

"Para saan 'to?"tanong ko kay Jude dahil sa bigay niyang Isang bouquet ng tulips sa akin.

"To congratulate you, bakit? Para saan pa?"

"Aba malay ko sayo! Tss.."

"Ang maldita mo talaga e, no, hindi ko nga alam bakit ikaw nagustuhan ko." Aniya pero hindi ko narinig ang huling sinabi niya kaya taka akong tumingin sa kanya.

"Ano yon? Di ko narinig."tanong ko sa kanya.

"Bahala ka, hindi ko na uulitin nasabi ko na ang gusto kong sabihin."Aniya na mas lalong ikinainis ko.

"You know what Jude? Kung iinitisin mo lang ako, please stop, ayaw kong masira ang araw ko dahil sayo."Saad ko sa kanya sabay ngisi niya.

"Easy, love, wag na maldita okay."

"Love mo mukha mo, tse."saad ko sa kanya sabay ngisi niya.

"Wag kana kasi maldita."

"Ano naman paki mo kung maldita ako?"Mataray na tanong ko sa kanya.

"Wala akong paki, at maldita ka man o hindi tanggap kita okay, atleast alam kong sa akin ka lang tiklop."Aniya na ikinatigil ko.

"Kapal."

"Makapal na kung makapal atleast sayo lang, diba? Love!" Sagot niya habang nakangiti na mas lalong ikinataas ng kilay ko.

Tss. Baliw!!

Harri

Bukas na, at hanggang ngayon umaasa pa din ako na bumalik siya, na magpakita siya, hanggang ngayon umaasa pa din ako na makasama siya ulit.

"Iniisip mo siya?"tanong ni Shaizhey sa akin habang pinag break muna kami ni Sir Jay.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi, dahil umaasa ako Shai, umaasa ako na makakasama natin siya bukas kasi pangarap niya rin 'to, pangarap natin lahat 'to."

"Alam kong nahihirapan ka ngayon pero gusto ko lang malaman mo na alam kong masaya siya para sa atin lahat lalo na para sayo."Aniya na ikinangiti ko.

"Sana nga."

"Sigurado yan Har, kaya bilang kaibigan niya ang gawin na lang natin ay suportahan siya at isama natin siya bukas ang alaala at ang pagmamahal niya para sa atin, dalhin natin bukas, isasama natin siya sa laban natin bukas Har. Isama natin siya."saad niya sabay tango ko.

Sana proud ka talaga sa amin Rhean, sana proud ka talaga sa amin, sa akin.

Good afternoon, this is it! Ito na ang huling Kabanata ng kuwentong ito at kung kaya ko isusunod ko bukas o mamaya ang Wakas, for now ito na muna, sana magustuhan niyo, maraming salamat sa inyo sa pagsubaybay ng kuwentong 'to sana kahit katiting lang may natutunan kayo sa ating mga bida.

Happy reading and Enjoy.

Hart Moon

Journey to the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon