Kabanata 32

51 10 0
                                    

Mitch

"Bakit hindi ka pa nagbibihis, ngayong araw ang contest mo tama?"takang tanong sa akin ni Denver habang ka video call ko siya.

"Hindi na ako tutuloy."deritso kong sagot sa kanya na halatang ikinagulat niya.

"Ha? Seriously Mitch?"

"Yes, hindi ko kaya tumuloy knowing na nasasaktan at nahihirapan ang mga kaibigan ko ngayon si Ghabriella,  malungkot, si Shaizhey tulala, mas lalo na si Harri. Hindi ko kayang talikuran sila knowing na kailangan nila ako ngayon, umalis na si Rhean at Yanze, ayaw ko naman na iwan at talikuran sila sa ganitong kalagayan."sagot ko sa kanya sabay tingin niya sa akin ng seryoso.

"Pero, paano ang pangarap mo? Ang totoong pangarap mo?"

"Set aside, baka hindi talaga ito ang oras para habulin ko ang gusto ko, baka hindi talaga para sa akin ang pangarap ko. Sa ngayon uunahin ko muna ang mga kaibigan ko, kailangan nila ako, at hindi ko sila iiwan sa ganitong sitwasyon.

Harri

Hindi ko siya nahabol, nahuli ako, nabigo ko ang kaibigan ko. Isip isip ko habang hawak hawak ang sulat na iniwan ni Rhean para sa akin.

Dear my dearest Harri,

Patawarin mo ako kung iniisip mo na kakalimutan ko na lahat ng pinagsamahan natin sa mayabang panahon, patawarin mo ako kung iiwan ko ang pangarap natin ngayon. Har gusto ko lang malaman mo na kahit wala ako sa tabi mo, hangad ko ang tagumpay at kaligayahan mo, find your own star Har, salamat sa friendship, at hinding hindi kita makakalimutan, mananatili ka sa puso ko magpakailanman.

Nagmamahal,
Rhean.

Patawarin mo ako Rhea, patawarin mo ako kung nagduda ako, patawarin mo ako kung nasaktan kita, pero pinapangako ko oras na bumalik ka dito, gagawin ko lahat wag mo lang maisipan ulit umalis, hihintayin kita kaibigan, hihintayin kita.

Ghabriella

"Coffee?"saad ni Jude sa akin na ngayon ay kararating lang.

"Para saan?"takang tanong ko sa kanya dahil inabot niya sa akin ang dala niyang Isang kape.

"Alam kong nahihirapan ka ngayon sa mga nangyayari, pero gusto kong malaman mo na kaya mo yan, kaya binilhan kita ng kape, para kahit papaano maisip mo na may karamay ka."sagot niya sabay kuha ko ng kape na hawak niya.

"Tinanong ko lang naman kung para saan, nag drama ka bigla tss. Anyways nakita mo ba si Mitch?"

"Magkasama sila ni Denver sa garden kanina, bakit?"

"Gusto ko siyang kausapin."sagot ko sa kanya sabay tango niya.

"Okay, gusto mo bang samahan na kita?"tanong niya.

"Wag na. Kaya ko na."sagot ko sa kanya.

"You sure?"

"Yes, sobra, sobra na ang natulong mo sa akin, hindi ko na alam kung paano pa kita mababayaran."

"Don't worry, gusto ko lang naman matamis mong Oo, yon lang sapat na, bayad ka na, may sukli ka pa."Aniya sabay ngisi na ikinataas ko ng kilay.

"Sukli? Anong sinasabi mo?"takang tanong ko sa kanya.

"Oo, sukli, oras na binigay mo na sa akin ang Oo mo, araw araw na kitang pagsisilbihan inshort mamahalin kita araw-araw."saad niya na ikinatigil ko.

"Mais mo, tsaka puwede ba? Wala akong panahon sa mga biro mo, tss."sagot ko na lang sa kanya sabay walk out sa harap niya.

Shaizhey

Tinawagan ako ni Ghabriella kanina, at pinapapunta niya ako dito sa garden dahil kakausapin daw namin si Mitch at limang minuto lang pagdating ko dito ay ang pagdating niya din.

"Nasaan siya?"takang tanong niya sabay turo ko kay Mitch doon sa bahay- bahayan na kausap ni Denver. Agad naman napatingin sa amin si Denver na sinundan ni Mitch.

"Ghab, Shai."

"Can we talk?"tanong agad ni Ghab sa kanya.

"Iiwan ko muna kayo."paalam ni Denver sa amin sabay tango ko.

"Thank you."sagot ko sa kanya.

"No problem Shai, kaibigan ko din kayo."Aniya sabay alis niya sa harap namin.

Pag alis na pag alis ni Denver ay agad naman namin tiningnan si Mitch na ngayon ay nakayukong nakaharap sa amin.

"Mitch?"tawag ko sa kanya.

"Sorry, sorry if I failed you both, patawarin niyo ko."Aniya habang nakayuko pa din, kaya agad namin hinawakan ni Ghab ang kamay niya na pinagtaka niya.

"Sorry, s-sorry."nauutal na ani niya.

"Shh, ako dapat ang mag sorry, I didn't listen to you, nag bulagbulagan ako, hindi ko naisip na may sarili kang isip, na may sarili kang buhay at higit sa lahat may sarili kang pangarap. Hindi ko naisip na baka nga, baka nga hindi mo talaga gusto maging idol, baka nga napipilitan ka lang. I'm sorry Mitch."sagot sa kanya ni Ghab na ikinangiti ni Mitch sa kanya.

"I know it's hard for you to choose, alam namin kung gaano mo maging designer best, kaya nandito kami ni Ghab para sabihin na, hindi ka namin pipigilan pursue your dream career and as a friend nandito lang kami para sayo."Saad ko naman sa kanya na ikinatingin niya sa akin. "At gusto ko lang sabihin na ang ganda ng gown na design mo sa amin dalawa ha."dagdag ko pa na pinagtaka niya.

"Nakita niyo?"takang tanong niya sa amin sabay pakita namin sa kanya ng bond paper na ginuhitan niya ng gown.

"Paano?"

"Ask your man."sagot ko sa kanya ni Ghab na ikinataas ng kilay niya.

"Man? Sino?"takang tanong niya.

"Ses, sino pa ba? May iba pa, malamang si Denver."sagot ko sa kanya.

"Bruha kayo, kailan ko pa naging man ang pangit na yon?"masungit na tanong niya.

"Simula noong binuksan mo ang puso mo para sabihin sa kanya ang tunay na gusto mo."ani sa kanya ni Ghab na ikinangisi niya.

"Shut up girls, magkaibigan lang kami, nothing more, nothing less."

"E, diba diyan naman talaga nagsisimula lahat? Sa pagkakaibigan, bago mauwi sa pag-iibigan?"asar ko sa kanya sabay tingin niya sa akin ng seryoso na ikinangisi ko na lang. .

Sana parating ganito na lang ang buhay, walang iniisip na problema, walang dinadala na sakit sa puso, sana parati na lang masaya, sana magawa namin ng maayos lahat ng bagay na dapat  gagawin namin para sabay sabay namin maabot ang tagumpay.

Sila, silang mga kaibigan ko, sila ang totoo kong kayamanan, sila at wala ng iba.

Good morning last 5 chapters na lang at magpapaalam na tayo sa kanila ready na ba lahat? Anyways ito na muna ngayon happy reading.

Hart Moon

Journey to the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon