Pagkatapos akong halikan ng matandang gorilla lumipat kami sa isa sa mga VIP room sa resto ni Kuya. Ayoko sana pero wala akong nagawa. Hindi ko alam na may ganito pa palang room dito sa resto. Kapag kasi kumakain ako dito doon lang ako sa labas, sa malapit sa may bintana kung saan kita ko ang magandang tanawin sa labas.
Sakto lang ang laki ng room, malinis at maganda ang interior tsaka maganda ang lightings. Di na ako magtataka kung bakit maganda, alam ko kasing architect si Kuya Zach, siguradong siya ang nagdesign nito.
Nagtataka lang ako kung paano nalaman ni Gors ang room na 'to. Pero sabagay friends naman sila ni Kuya Zach, siguro madalas siya dito, hindi ko lang alam.
"Stop looking at me." maldita kong saway sa kanya. Kanina pa ito nakatitig sa akin. Muntanga!
Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa matandang gorilla na to. Ang kapal pa ng mukha niya, sukat ba namang buhatin ako sa gitna ng karamihan. Hindi man lang nahiya! Paano na lang kung may mga kaklase akong nakakita sa amin kanina? Ano na lang ang sasabihin nila? Baka iisipin pa nilang nag-iinarte lang ako pero ang totoo pala gusto kong magpabuhat sa matandang unggoy na 'to. Nakakainis na talaga ang kakapalan ng pagmumukha niya!
Ayoko siyang kausapin dahil banas ako sa pagnakaw niya ng first kiss ko. Sa dami-daming dapat niyang iparusa sa akin, yun pa talaga ang ginawa niya? Nakakainis! Pwede niya naman akong isumbong nalang kay Daddy Art para mapagalitan ako pero yun pa talagang first kiss ko ang kinuha.
"I'm not sorry for kissing you. I should have done that before, I am just controlling myself. But now that you are testing my patient, huh! You deserved that, baby. You. Deserved. That." Dinilaan niya pa ang lower lip niya saka nakakalokong ngumisi sa akin. Akala niya siguro mapipikon ako, oo napipikon ako pero hindi kako magpapatalo sa kanya. No way!
"Kung tutuusin kulang pa nga yung ginawa ko sa 'yo, after hearing what you said against me. Ulitin mo nga ang mga sinabi mo kanina kay Villegas? Tawang-tawa kayong dalawa ah, pa kuya-kuya Zach ka pa. Hindi naman bagay. Akala mo lang mabait ang pangit na yun, makasalanan din yun. Tsaka ano yung pinagtatawanan niyong dalawa? Akala mo siguro hindi ko narinig lahat yun? Well I'm telling you, Addy. I did, I heard everything. Wala kang maitatago sa akin." ngumisi pa ito pero inirapan ko lang siya.
Ano ngayong kung narinig niya. Buti nga para aware siyang matandang gorilla ang tawag ko sa kanya. Hindi ako natatakot at wala akong pakialam. Tsaka atleast si Kuya Zach mabait, palagi pa akong nililibre dito sa resto niya.
"Akala mo hindi ko narinig noh?" ulit niya.
"O narinig mo naman pala bakit mo pa pinapaulit sa akin? Tsaka bakit ka ba nagagalit, totoo naman lahat ng sinabi ko. Pikon ka lang kamo kasi tinamaan ka. Alin ba ang mali doon? Yung sinabi kong matanda ka na? Bakit hindi ba?" I saw him clenched his jaw pero lalo lang akong ginanahan asarin siya. Siya yung nauna, hindi naman pwedeng tatahimik lang ako.
"Matanda ka naman na talaga ah. Para na nga kitang lolo oh, tingnan mo nga yang mukha mo." Inabot ko ang mukha niya saka mahinang tinampal. " Ang dami ng kulubot. Baka nga pati yang mga buhok may uban na rin." nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko lang. Para siyang unggoy na nagulat.
"Nagsasabi lang ako ng totoo wag kang magalit sa akin? Walang masama sa pagiging honest. At least ngayon alam mo ng matanda at makunat ka na." Mataray kong sabi sa kanya.
I never expected that I will reach this point. Dati sobrang close naming dalawa. Siya lang ang taong pinagkatiwalaan ko dahil akala ko hindi niya ako iiwan pero iniwan niya rin ako. I really treated him as my brother. Sa mga araw na nalulungkot ako siya lang yung nakakapagpasaya sa akin. Kaya akala ko talaga hindi siya magbabago, pero mali pala ang akala ko dahil isang araw bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa akin.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#7 : The Billionaire's Temptation ( Gaden Lucas Montenegro)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY After losing her family in a tragic accident, Adrianna Averleigh Mijares was left to put her life back together. She was left with a family whom he thought would give her love an...