"River, baby, mommy's here..."
As soon as my pet dog heard my voice, he ran to welcome me and move around my feet. I named my dog River since I found him near the river, abandoned and almost drown. He's my white pomeranian dog, my sweet and clingy baby dog.
"How's my handsome baby? Mommy missed you so much." he barked cutely kaya napangiti ako. "Come here, I have a pasalubong for you, bigay ni daddy pangit mo." Pinakita ko sa kanya ang bagong damit na binigay ni Gors para sa aso ko, na naging aso na namin. " Kumawag ang buntot ni River at tumalon talon pa ito, excited ang aso sa pasalubong ng daddy pangit niya.
Binuhat ko si River at hinaplos ang ulo saka hinalikan. "I miss you, baby, miss mo ba si Mommy?"malambing kong tanong sa kanya, tumahol ito kaya napangiti ako at muling humalik sa ulo niya.
"Good boy, kaya love ni mommy ang River na yan eh. Tara doon tayo sa room natin baby."
"Weirdo! Pati aso kinakausap."
I stopped on my track when I heard someone talking behind me. Hindi na ako lumingon dahil isa lang naman ang alam kong nagmamay-ari ng boses na yun, walang iba kundi ang bitter na si Ariella. Himala at nandito ito sa bahay ngayon. Wala sigurong gala ang babaeng to ang mga kaibigan kaya kami na naman ng aso ko ang pinagdidiskitahan.
"I really don't understand why Dad allowed you to bring that ugly pet here. Ano ba ang tingin mo dito sa mansion, dog shelter na basta ka na lang nagdadala ng aso kung kelan mo gusto?"
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya na nakataas ang kilay. Nakapameywang ang bruha at halos mag-isang linya na ang kilay niya. Ang sarap bunutin isa-isa hanggang sa makalbo. Siguro mas bagay kay Ariella kung kalbo yung kilay niya.
"Wala ka talagang balak na itapon ang asong yan ha, Averleigh? Nag-aamoy aso na itong mansion namin."
Mansion namin. Mansion namin. Ulit ng utak ko.
Here we we go again, with that line. Sino ba ang nag-aangkin nitong bahay nila? Ako ba? Kung may choice lang talaga ako noon, hinding hindi ako pupunta dito sa bahay nila. Mas gugustuhin ko pang manatili doon sa bahay namin kasama ang mga yaya ko.
"I really hate that ugly dog." himutok niya. " Throw that or else I will."
Ilang years ko nang dinala si River dito sa bahay nila pero hanggang ngayon hindi pa rin nakaka-move on si Ariella. Wala namang ginagawa si River sa kanya, ni ayaw ngang lumapit ng baby ko sa kanya dahhil sinisipa niya.
"And why would I do that Ariella? Baka nakalimutan mo, Martinez din ako." tinuro ko ang aking sarili saka nang-iinis na tinaas ang kilay sa kanya. "Don't you dare touch my dog, Ariella kung ayaw mong magkasabukan tayo. Hindi mo gugustuhin kong ako yung magalit sayo, Ate?"
"Are you trying to scare me? Ha?!"
"No I'm not! Hindi ako marunong manakot Ariella, ginagawa ko. Remember I'm a Martinez. Pinalitan niyo ang apelyedo ko nung 'in-adopt' ako ng parents mo, remember Ate?" I said mocking her, pissing her more.
"... that means may karapatan ako sa bahay na to. Lahat ng kung anong andito may karapatan ako, itong sofa, itong hagdanan, itong tiles." tinuro ko isa-isa bago ako tumingala "...itong kisame, itong pintura, itong bubong,yang mga frames na yan, lahat dito Ariella may karapatan ako. Nakalimutan mo na ba o baka gusto mo pang ipaalala ko sayo na 'in-adopt' ako ng mga parents mo, and the moment they did that, they said whatever you have is mine and whatever I have is yours. That's how family should work, right?"
Kung tutuusin mas lamang pa nga ang nakuha nila sa lahat ng pinaghirapan ng magulang ko kumpara sa binigay nila sa akin. Pero sige lang darating din tayo dyan, wag lang muna ngayon.
BINABASA MO ANG
Tainted Series#7 : The Billionaire's Temptation ( Gaden Lucas Montenegro)
Любовные романыWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY After losing her family in a tragic accident, Adrianna Averleigh Mijares was left to put her life back together. She was left with a family whom he thought would give her love an...