LABAN

24 4 0
                                    


"...laban"

Tuloy lang sa paghakbang kahit pagod 

na ang iyong mga paa,

Kapag kinakapos ng lakas, iyuko ang ulo 

at ipikit ang mga mata,

Lumapit ka sa Diyos kapag pakiramdam mo 

hindi mo kaya ang bigat,

Sa iyong pagkalugmok, 

ikaw ay Kanyang iaangat.

Sa muling paghakbang 

ng aking mga paa

Na dati ay pagod at 

namamanhid na,

Hihinga ng malalim at 

magbu buntong hininga;

Ngingiti at magsasabing 

"Kaya ko pa."

An ako MirasolWhere stories live. Discover now