RESIBO—
May mga pagkakataon na mahirap ibuka sa bibig ang mga letra
minsan pinili mo na lang isulat sa papel hanggang sa maubos ang tinta,
Yung pakiramdam na mas pinili mo nalang manahimik kaysa sabihin sa iba,
Yung tipong sobrang sakit na at pinili mo parin na mag isa.
Naging sandalan ko ang papel,
Habang isinusulat ko ang letrang minsang dahilan sa aking pagluha,
Hanggang umabot sa puntong masaya ko na itong ginagawa.
Mga kwento ko sa buhay ang isusulat ko,
hanggang sa lahat ng lungkot ay mawala,
Naging kaibigan ko ang bagay na akala ko'y wala.
Sa dami ng luhang lumipas na,
Kapag ubos na ang mga taong pakikinggan ka,
Kumuha ka ng papel at tinta,
Sumulat ka ng sarili mong akda.

YOU ARE READING
An ako Mirasol
PoesíaReal life isn't neatly divided into a sequence of stories where each one has definite end. So, the question of whether or not real life has happy endings is moot. It really just depends... which moment you want to call it "endings".