Chapter 10

5 0 0
                                    

Jessylyn POV ( continuation )

Pagpasok namin ay namangha kami sa aming nakita. Pagbukas mo ng pinto, sala agad ang bungad sayo pero medyo malawak sya tapos meron ring mga paintings. Pumunta naman kami sa pangalawang pinto. Pagbukas namin ay bumungad agad ang isang minie kitchen. Wow! as in wow! Grabe ang ganda naman dito... Pagbukas naman namin sa isa pang pinto ay merong pinto pa sa gilid pagbukas  namin ay isang maliit na Cr. Pagbukas naman namin sa isa pang pinto sa pinaka dulo, kwarto na ang bumungad samin.. isang bed na pang-isahang tao lang tapos meron ring kabinet at meron ring lampshade. Grabe parang ginagamit pa itong bahay na ito... Meron rin syang study table.

Dito sa loob ng kwarto merong mga paintings. Naagaw ng isang painting ang atensyon ko na muka ng tao. Wait.. parang may kamuka sya. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko na tinitingnan din ang painting. Mahahalata mo sa mga muka nila na may pagtataka.

"Teka Mira diba ikaw toh?" Tanong ni Kate. Pagtingin Namin Kay Mira ay nakaupo lang sya sa bed habang naka pandekwatrong upo..

"Welcome to my tambayan, and yes ako nga yan..." Sabi ni Mira kaya mangha kaming napatingin sa kanya ngunit biglang napataka.

"Panong sayo eh samantalang kakatransfer palang natin dito?" Nagtatakang tanong ni Kira. Oo nga, kahit naman ako na 2 years ng nag aaral dito, hindi ko pa alam toh.

"Hays.." naiirita nyang sabi sabay padyak ng isang paa.. bago nag patuloy sa pag papaliwanag...

"matagal ko na kasi tong pinagawa. Alam ko kasi na itatransfer ako nina daddy at mommy dito kaya naman nagpagawa ako ng tambayan dito sa labas ng school pero nasa likod at nasa pinaka gitna ng gubat para... you know Incase" Sabi nya sabay higa sa kama.

Kaya naman pala pang isang tao lang ang kama dito. Grabe nakaka amaze si Mira.

"Wow grabe ang ganda naman, kaya naman pala kanina parang hindi nagtataka ang muka mo." Sabi ni Ash or Tine-Tine.

"Pano mo nasabing incase?" Tanong ko..

"Hmmm nothing." Simpleng sagot nya.

"Let's go" Yaya nya saming bumalik sa school. Napatingin naman ako sa wristwatch ko at napagtantong alas tres na pala ng hapon.

"Tama tara na talaga alas tres na oh may trabaho pa ako" Sabi ko sa kanila.

Nakita ko namang tumaas ang kilay ni Mira kaya nag peace sign nalang ako.

"Nagtatrabaho ka parin kahit sinabi ko nang ako nang bahala sa mga needs and wants mo?" Taas kilay na sabi nya.

"Ohh come on Mira, ayaw ko namang umasa sayo, besides malaking tulong na yung pag papatira mo sakin sa condo nyo ng walang bayad." Pag papaliwanag ko sa kanya.

Nakakahiya kaya yung sa kanya nalang lahat. Saka Isa pa marami akong utang na babayaran na hindi alam nina Mira, like yung utang ko don sa dating lugar namin. Basta marami akong utang.

"Ehhh? Sainyo nakatira si Ylyn?" Takang tanong ni Kate na tinanguan lang namin.

"Yup" sabay sabay na sagot nina Ash, Kira, at Mira

"Oww" tanging nasambit nya nalamang.

FAST FORWARD

Someone's POV

So, Angels of Death pala ang pangalan ng grupo nyo? HAHAHAH Hindi na nakapagtataka pa. At nang dahil dyan sa ginawa nyo ay unti-unti ko ng malalaman kung sino sino ba ang nasa likod ng mga maskarang nakatakip sa mga mukha nyo. HAHHAHAHAHAHHAHA.

"Hey Dad good evening" Sabi ng kaisa-isa kong anak na babae sabay halik sa pisngi ko.

"Good evening din anak" naka ngiti kong sabi sa kanya.

Ordinary Girl But DangerousWhere stories live. Discover now