Chapter 6

3 0 0
                                    

MAX AXEL'S POV

Naghahanda na kami para sa laban na magaganap mamaya.. Ang laban na yon ay hindi basta basta patayan lang. Ngayong araw rin nato magaganap ang pataasan ng rangko...

Ang gaganapan ng labanan ay sa gitna Ng kagubatan... Malayo sa mga tao at bahay bahay... Sound proof din yon. Kailangan Kung aatend ka sa mga laban sa labas palang naka facemask kana dahil Kung ang mga bantay don sa labas ay Nakita Kang walang suot na facemask Kung saang grupo ka nabibilang, mapapagkamalan Kang outsider... Sa labas palang kakalabanin ka na nila para wag lang makapasok sa loob...

Pag nakapasok ka Naman nasa sayo Ang disisyon kung tatanggalin mo ba o hindi Ang facemask mo.. pero kami? Tinatanggal Namin minsan kaya nga sa paaralan na pagmamay Ari Namin ay may nakakapasok Ng mga gangster dahil alam nilang doon kami nag aaral.. Sina Isabella? Gangster din sila at Ang pangalan Ng grupo nila ay Princesses... Kami Naman ay Black Stone.. nangangahulugang walang awa Kung pumatay.. kami kasi kapag NASA labanan kami at sinabi Ng kalaban Namin na suko na Hindi Namin sila pinapakinggan at kinikitilan na Ng buhay, kumabaga kasing tigas Ng bato ang puso namin kapag nasa labanan Ang iba Naman ay hinahayaan naming mabuhay ngunit Ang rangko nila sa gangster world ay mapupunta sa hulihan... Sila na Ang pinaka mahina sa gangster world pagnagkataon kahit sabihin pa nilang malalakas sila Kung nasa pinaka huli Ng listahan Ang pangalan Ng grupo nila,, Wala rin silang mapapala sa kaka Sabi na malalakas sila.

Hindi ko sigurado Kung totoo ba toh o fake news lang pero,, ngayon na daw babanggitin Ng mga nagunguna sa gangster world Kung ano ba Ang nickname nila at pangalan Ng grupo....

Nung isang araw kasi nakatanggap kami Ng balita galing gangster world na binigyan daw sila Ng sulat Ng nagunguna sa listahan sa gangster world na kapag gaganapin  na Ang pataasan ng rangko sa gangster world ay Saka lamang nila sasabihin Kung ano bang pangalan Ng grupo at Kung anong nickname nila...

So it means na totoo nga dahil galing mismo sa kanila ang sulat na iyon.

Ang nickname Namin sa gangster world ay...

Ako-  apache
Nathan- Fletcher
Nemie- columbo
Jake- Bugsy
Lucas- Gambol

Hindi ko alam Kung bakit Yan Ang mga naisipan naming pangalan basta kung ano nalang ang lumabas sa bibig Namin non....

"Hey pareng Axel tulala ka dyan mag asikaso ka na aalis na Tayo maya maya" Sabi ni Nemie sabay tapik sa balikat ko. Tiningnan ko lamang sya Ng malamig Saka sabing.

"Tss"

"Wala kang aasahan dyan sa king natin kundi 'tss, tsk' at Kung ano pa man... Parehas talaga sila ni Nathan.." Sabi ni Lucas sabay iling iling. Tiningnan ko lamang sya at inayos Ang katana na gagamitin ko at inilagay Ito sa may bandang likod ko..

"Let's go" Sabi ko sa kanila. As always palaging malamig na boses ginagamit ko. Pagkasabi ko non ay nauna na akong lumabas at sumakay sa kotse ko bago Ito paandarin palabas..

Hindi ako kagaya Ng ibang king na natatakot sa kanya ang mga ka member nya.. ako simple lang Hindi ako Yung tipo Ng leader na parang kakainin na Ng buhay Ang mga kasama ko. Ang turingan Namin sa isa't isa ay pamilya na...kaya GANYAN sila sakin. Pero Hindi nila kailan man na naisipang magtaksil sakin dahil alam nila kung paano ako magalit.

Mga ilang minuto pa Ang lumipas bago kami naka dating sa gitna Ng kagubatan Kung saan gaganapin Ang labanan. Ang gangster world na Ito ay malawak. Bawat grupo ay may mga room na pwedeng pagpahingahan. May pangalan naman bawat pinto kaya madali mo lang makikita. Katabi Namin Ng room ang pang-una sa gangster world....

Pag pasok namin sa loob ay sya namang bungad Ng mga taong nag sisigawan.. may naglalaban pa sa loob Ng ring kaya Naman umupo na kami sa mga upuan kung saan dapat kami  at nanood nalang habang hinihintay na tawagin Ang pangalan Ng rupo namin.

Ordinary Girl But DangerousWhere stories live. Discover now