Chapter 12

12 0 1
                                    

Nemie Alexis POV

Nandito kami ngayon ng black stone sa tambayan, kumpleto kami ngayon.
Kanina pa ako dito sa school pero hindi ko pa nakikita yung kambal ko, San na naman ba nagsusuot yon. Mas nauna pa yon umalis kesa samin ni kuya Nathan. Tapos nung sabado hindi sya lumabas ng kwarto nya maghapon, nung linggo naman maaga syang umalis at mukang wala sa mood kaya naman hindi na namin kinausap. Kilala na kasi namin sya lalo na kapag wala sa mood.

"Nemie nakita mo ba si Mira?" Bulong na tanong sakin ni kuya Nathan, baka kasi marinig nina Axel.

"No, kanina ko pa nga sya hinahanap pero hindi ko makita. Baka nandyan lang sa tabi tabi" bulong ko din pabalik.

Hindi na lamang umimik si Kuya kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon saka tinawagan si Mira. Naka-ilang dial na ako at ring lang ng ring saka kusa ng namamatay. Nasan ba yon nag-aalala na ako.

"Kuya hindi sumasagot, naka-ilang tawag na ako ring lang ng ring tapos kusa ng namamatay." Bulong ko kay kuya Nathan kaya napatingin sya sakin saka sumensyas na sumunod ako sa kanya. Tumayo na sya kaya tumayo na rin ako, palabas palang sana kami nung mag tanong si Jake.

"Hoy mga pare! San na kayo pupunta?!" pasigaw nyang tanong. Kakalabas palang kasi nya sa kusina.

"Dito lang sa labas" ako na ang sumagot at hindi na namin hinintay pa kung ano ang sasabihin nila dahil lumabas na kami.

Una naming pinuntahan ni kuya ay ang garden na madalas nyang pagtambayan ngunit hindi namin sya nakita don. Sumunod naman ay sa Library ngunit gaya kanina hindi rin namin sya nakita. Pumunta naman kami sa classroom pero ang sabi ng mga kaklase namin hindi padaw dumadating, pati nga daw yung mga kaibigan nya hindi pa daw dumadating. Saan ba pumunta yon. Kanina pa kami hanap ng hanap hanggang sa mag bell na nga. Pumasok na lahat ng mga estudyante sa kani-kaninalang classroom.. hanggang sa nag bell na para sa breaktime hindi pa din sya dumadating. Pati na yung mga kaibigan nya. Absent silang lahat sa lahat ng subject sa umaga.

Papunta kami ngayon sa Cafeteria para kumain. Actually kanina pa talaga ako gutom, tinitiis ko lang dahil hinahanap nga namin yung kambal ko. Si Jake at si Lucas na ang umorder samantalang kami naman ay nandito sa dating pwesto namin. Maya maya lang ay dumating na ang pagkain kaya kumain na kami. Si ate Alexa naman ay hindi namin kasama dahil busy sya, may mahalaga pa daw syang tatapusin eh.

"Hindi ko nakita yung mga kaibigan ni Mira saka si Mira, nasan kaya yung mga yon? Absent tuloy sila sa lahat ng subject sa pang umaga" Sabi ni Jake habang kumakain.

"Kaya mo yan natatanong kasi hindi mo nakita yung isang kaibigan ni Mira, yung Kate ba yon?" Sabi naman ni Lucas kay Jake kaya napatingin kami sa kanya.

"Eh bakit ikaw? Hindi mo nga din nakita yung kaibigan ni Mira eh, yung Tine-Tine ata pangalan non" Sabi naman ni Jake habang may laman yung bibig pero hindi sya nabubulol.

"Tsk" Axel. Kaya napatingin kami sa kanya saka ng salita si Lucas.

"Ayiiieee!! Hindi mo lang kasi nakita si Mira ehh" panunukso ni Lucas kay Axel kaya nakatanggap sya ng masamang tingin galing dito..

Hmmm.... Try nating umeksena... Tingnan ko kung anong magiging reaksyon ni Axel.

"Akin sya" sersoyo kong sabi sa kanila habang nakatingin sa pagkain. Naramdaman ko naman na napatingin silang lahat sakin. Tang*Ina natatawa na ako HAHAHAH
Alam na alam ko na kung anong itsura ng mga toh lalong lalo na si Axel. Si Kuya Nathan kasi alam na nya ang ginagawa namin ng kambal ko kaya tahimik yan.

"Pareng Nemie kay pareng Axel na si Mira kaya wag mo ng agawin." Sabi naman ni Lucas kaya tiningnan ko sya ng sersoyo. Gago natatawa na ako. Mga itsura nila hindi maipinta.

Ordinary Girl But DangerousWhere stories live. Discover now