Chapter 7

2 0 0
                                    

NATHAN POV

Napasinghap kami lalong lalo na Ang mga nanonood.

The Angels of Death? Nakakatakot ang pangalan ng grupo nila.. parang sila...

"Just like what I expected ganyan ang magiging reaksyon nyo. Now we are ready to introduce our nickname.." Sabi Nung naka maroon na damit.

Unang nag salita Yung babaeng naka green..

"MORS NAVIS" seryosong Sabi nya.. marami nang nagbubulungan..sumunod Naman na nag salita ay ang babaeng naka brown na damit...

"XENON" seryoso nyang pagpapakilala. Sumunod Naman na nag salita ay yung babaeng naka maroon.

"DARKO" Sabi nya pero seryoso rin. Sumunod naman na nag salita ay ang babaeng naka grey.

"SHIELD MAIDEN" Sabi nya.. bakit kaya shield maiden ang pangalan nya..

A/N: ( maiden ) ganyan po  talaga Ang spelling Nyan..

Sumunod naman ang leader nilang merong nakakatakot na boses..

"VALKYRIE" Sabi nya with her cold and serious voice... Sobrang natahimik ang loob ng arena, Maya maya pa ay nag sigawan na ang mga tao. May nag sasabing ang astig daw ng mga nicknames nila.. meron namang astig na nga daw ang gang name pati ba naman daw Ang nickname nila astig rin...

Napatingin Naman ako sa mga The Angels of Death. Nagulat naman ako na nakatingin sakin yung Valkyrie.. yung leader nila. Nakaramdam naman ako Ng kaba hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan na talaga ako. Iniwas ko na lamang ang  tingin ko at nag iba ng dereksyon. nanlalamig na din ang mga kamay ko. Parang kahit anong oras lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.

Pagtingin ko ulit sa kanya ay nakahinga ako ng maluwag Ng hindi na ito nakatingin sakin...

Maya maya pa pagkatapos ng sobrang daming bulungan, Kung bulungan pa nga bang masasabi yon dahil rinig na rinig naman, nag salita na ang MC.

"Wow as in wow!!!" Namamanghang sabi nya..

"Kung ganon dahil nga nakapag pakilala na kayo. Uumpisahan na natin ang laban na pinangungunahan ng mga princesses na syang naghamon sa mga The Angels of Death.." sabi nya..

"Pumwesto na kayo" pagkasabing yon Ng MC ay sya namang pag sunod ng dalawang grupo at nag sukatan ng tingin...

"READY...... SET.....GOO!!!!" Malakas na sigaw nya kasabay ng pagputok Ng baril na hudyat upang  mag simula na ang laban.

Unang naglaban ay Sina Mors Navis at si Shiena.

Unang sumugod si Shiena at binigyan Ng malakas na suntok si Mors Navis na nailagan naman agad nito at sinuntok si Shiena sa sikmura na syang ikina-upo nito sa sahig. Habang naka upo pa sa sahig si Shiena ay kinuha nya yong pagkakataon para tuhudin ang muka nito na ikinawala ni Shiena Ng Malay.

Sumunod Naman na naglaban ay Sina Shield Maiden at Nicala.

Unang sumugod si Shield Maiden at sinapak si Nicala na hindi naka ilag.. napa-upo naman si Nicala sa sahig pero agad ding tumayo at hinugot ang dagger sa kanyang suot na boots na hanggang tuhod at akmang isasaksak kay Shield Maiden ng mahawakan nya Ang kamay nito at inagaw   ang dagger at sinaksak nya sa bandang tagiliran ni Nicala.

Napasigaw Naman si Nicala sa sakit at  kumuha sya Ng shurikens sa kanyang tagiliran at ibinato kay Shield Maiden pero nakasalo nya Naman kaya binato nya Ito pabalik Kay Nicala na nagulat kaya natamaan sya sa may bandang pisngi pero daplis lang. Halatang sinadyang padaplisin lamang iyon...

Hindi na lumaban pa si Nicala at umatras na lamang Ito at bumalik sa pwesto nila. Pag dating nya Naman don ay inalalayan sya ni Clara para makaupo.. ginamot Naman agad sya ng mga manggagamot kapag may nasusugatan sa laban..

Ordinary Girl But DangerousWhere stories live. Discover now