Chapter 8

2 0 0
                                    

ASHTINE POV..

Pasukan na naman ngayon. Nandito kami sa classroom Nina Kira, Mira, at Kate kasama sina Angel at Claire tapos si Ylyn (aylin) bagong kaibigan Namin. Sya Yung tinulungan ni Mira don sa parking lot tapos nakatira na din sya sa dorm Namin kasama sina Angel. Kinwento kasi ni Mira lahat ehh..

"Kira dumudugo ang hiwa mo" malamig na sabi ni Mira kaya napatingin kami sa tagiliran ni Kira,tama dumudugo nga.

Kung nagtataka kayo kung bakit may hiwa sa tagiliran si Kira, wala ako sa posisyon para ipaliwanag kung ano ba ang nangyare. At kung nag tataka din kayo kung bakit malamig Ang boses ni Mira kanina, Wala rin ako sa posisyon para sabihin sa inyo kung bakit...

"Ahh,, o-oo nga" Sabi ni Kira at tumayo.

"San ka pupunta?" Takang tanong ko sa kanya kaya napatingin sya saakin.

"Sa clinic" Sabi nya kaya napatango ako.

"Samahan ka na namin."Sabi ni Kate kaya tumayo na kaming  Lima maliban Kay Mira na nakaupo lang kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi ka sasama?" tanong ko napa-iling sya..

"Hindi, may pupuntahan ako ngayon, kayo na muna Ang pumunta don. Pasensya..." Sabi nya saka tumayo at lumabas Ng room..

Nagkatinginan naman kaming anim Saka nag kibit balikat at lumabas na ng room para pumuntang clinic...

Hellice POV

Papunta ako ngayong cafeteria para bumili ng tubig. Tatambay na din muna ako don. Saka sina kuya Nathan, ate Alexa, at Ang kambal kong si Nemie ay nakapasok na din ngayon.. siguro nasa cafeteria rin sila naka tamabay din yon sigurado...

Pagdating ko don ay dumiretso na ako sa counter para bumili at pagkatapos ay dumiretso ako sa pinaka dulong upuan nitong cafeteria.

Habang naka dukmo at sa lamesa ay may narinig akong nag sisigawan at naiiriritan na mga kababaihan, kalalakihan, at mga binabae..

"KYAAAAAA Nathan please be my future husband..!!!!!" Girl 1

"Alexa be may girl friend!" Boy 2

"Axell!!! Be my boyfriend!!!" Binabae 1

"Lucas!!!!" Girl 2

"Jake!! Girl 3

"Baby Nemie!!!" Binabae 2

Hindi ko nalamang Ito pinansin at nakadukmo lang hanggang sa may maramdaman akong tubig na bumubuhos sa ulo ko. Napaangat Naman ako Ng tingin na Sana ay Hindi ko nalang ginawa dahil malakas na sampal lang Ang nakuha ko. Pagtingin ko ay si Isabella lang pala.

Biglang nawalan ng emosyon Ang muka ko.. tumayo ako at hinarap sya..

"Good morning Mira" Sabi nya with matching maarteng boses..

Hindi ko nalamang sya pinansin at lalampasan na Sana Ng hablutin nya Ang buhok ko at sumigaw na syang ikinatingin Ng mga estudyanteng nandito. Here we go again...

"At San ka Naman pupunta!" Malakas na sigaw nya. Napatingin na din sakin Sina ate at kuya Lalo na Ang kambal kong si Nemie.. lalapitan na San nila ako Ng pasimple akong sumenyas Ng 'wag' na sya namang naintindihan nila.

"Nasan ba Ang pinto palabas?" Tanong ko sa kanya Ng walang makikitang emosyon sa muka..

"Ayon" sabay turo nya sa pinto Ng Cafeteria.

"Ohh.. San sa tingin mo Ang pupuntahan ko palabas?" Tanong ko.

"Arrgghhh malamang Yung pintuan palabas Ng cafeteria!" Nanggigigil na sigaw nya

Ordinary Girl But DangerousWhere stories live. Discover now