PLEASE UNBROKEN MY HEART 8

13 0 0
                                    

After class diretso na ko lagi sa org. Ang hirap din kasi pagna-rush tong mga to kaya ito lang muna ung focus ko.at si gaby ayun kasama ko din pala siya sa pagoorganize ng event pero dahil iba ung org.nya sa org. ko wala na din kaming time para makapag bond together.

Nakakapagod din pala ung ganto ang daming ginagawa bili dito bili don ayos dito ayos don ung wala ka ng time para makapagpahinga.

"Cess di ka pa ba uuwe anong oras na oh tara na? -classmate

"Uuwi narin ako aayusin ko lang muna ung mga gamit ko mauna nalang kayo susunod na ko.
-cess

"Osige bye ingat" -classmate

"Sige kayo din "-cess

Sa sobrang pagod ko dumaan muna ko sa malapit na tindahan sa school para bumili ng maiinom. Dumiretso na din ako sa sakayan ng jeep para makauwe na ng biglang may tumawag sakin.

"Cess"
"Cess"
"Cess"

Hinanap ko kung sino tumatawag sakin pero wala kong nakita nang biglang may bumusina sa harapan ko at binuksan ang front seat at nakita ko naman si gelo sa driver seat.

"Sakay kana" -gelo

"Sige bat ka pala napadaan dito? -cess

"sinadya talaga kita dito sigena sakay kana dito gabi na matatraffic na tayo -gelo

"Ano pa bang magagawa ko? -cess

"Yan goodgirl ka naman pala -gelo

"Ikaw lang naman badboy dito -cess

"Hala hindi ah ang bait-bait ko nga e -gelo

Pagdating namin sa labas ng bahay nagbabye na ko at nagbabye narin sya sakin at sa hindi ko inaasahan bigla nyang hinawakan ang kamay ko na parang may gusto siyang sabihin sakin pero wala naman syang sinabi kaya tuluyan na ko lumabas ng sasakyan nya at hindi ko na sya inantay pang makaalis. Pagkapasok ko ng bahay sakto namang tumawag sakin si clifford nagkamustahan lang kami kasi pagod na pagod na din kaming dalawa sya sa practice nya at ako naman sa pagpprepare ng event namin kaya ayun nagusap nalang kami habang nakahiga na sa kama madami-dami rin pala kaming napagusapan masarap pa din kasing kausap si clifford. Kaso late na masyado kaya naman nag goodnight na kami sa isat.isa.

Kinabukasan ganon ulit after ng klase diretso nanaman ako sa org. Para asikasuhin ulit ung mga bagay-bagay dun tyaka we need to be successful sa event na yun isa kasi un sa kukuhaan ng grades namin sayang naman ang pagod kung di pa namin ibibigay ung best namin kaya eto bili ulit doon ayus dito ayus don hangang sa maging okay ulit tulad ng inaasahan bread nalang lagi nagiging lunch ko sa tuwing breaktime namin wala kasi talagang time para sa mahabang lunch kasi lahat kami may nakatoka na gagawin at we have to finish sa deadline para di narin kami mahirapan pag nagkasabay-sabay ung gagawin kaya okay na din to na may deadline kami bawat araw atleast hindi nagkakapatong-patong ang trabaho sa dami kong ginawa after ng breaktime ko hindi ko napansin na gabi nanaman pala ganun pa din inaayos na nila ung gamit nila para makauwe na at ako rin. Tulad nga ng inaasahan ko susunduin ako ulit ni gelo.

Halos Limang araw na paulet ulet lang ang nangyayari. Kalahati ng Oras ko sa klase at ang Buong araw ko kasama ang gabi e para sa pag aayos sa Event. Susunduin ulet ni Gelo at pag Dating sa bahay e kukumustahin ako ulet ni Clifford. Sa totoo lang mas enjoy akong kausap si Clifford pero alam mo yung iba parin ang Presence ng Isang Tao pag kasama mo siya so I must say na Maaring Nahuhulog na ulet ako kay Gelo wala namang masama don kase may Past kame at pareho naman kaming Single paren.

Eto na ang last preparation day para sa event kaya after namin iprepare lahat ng kailangan para bukas tinapos na namin lahat. inexpect ko narin na yun ulit ang mangyayari na susunduin ako maya-maya ni gelo tulad ng nakasanayan.

Habang nasa byahe dumiretso kami sa favorite resto namin ng di ko inaasahan.

"Cess kain muna tayo dito namiss ko to e -gelo

"Ako rin" -cess

* Pasta!!!! * - sabay naming sigaw na tuwang-tuwa na para kaming mga bata.

"Favorite mo parin pala ang pasta cess-gelo

"Oo naman nu alam mo yan-cess

"Namiss kita cess, lalo na ung mga ngiting tagumpay mo pagkumakain tayo dito -gelo

" ang sarap kasi e- cess

"Ah cess, napagisipan mo na ba? -gelo

"Ang ano? -cess

"Ung napagusapan natin dati kung may chance na magkabalikan tayo ulit? -gelo

"Ayan na pala ung order natin -cess

"Tara kain na tayo mukang namiss mo to e -gelo

"Oo nga mukang ikaw din "- cess

Pagkatapos kumain hinatid na nya ko pauwi malalim na din kasi ang gabi. Pagdating sa tapat ng bahay napagisipan ko na sabihin na kung ano talaga ung nararamdaman ko.

"Ah Gelo ung about sa tanong mo kanina napagisipan ko na kasi na bakit hindi? Ramdam ko naman na sincere ka, at nararamdaman ko rin naman na mahal mo parin ako -cess

"So ano pumapayag ka na? Tayo na ulit pinagkakaloob mo na ba sakin ulit ang yong matamis na oo? -gelo

Sa sobrang tuwa nya bigla nya kong niyakap at hinalikan saking mga noo. Syempre niyakap ko narin sya sa tuwa ko. Di naman ako nagsisi na pumayag ako na maging kami ulit kasi alam ko naman na mahal ko parin talaga sya at ganun din naman sya sakin.

XXXXX
@markmemarkie / ayan na ! Sila na ulet ni Angelo paano na si Clifford! So stay tune :) keep on reading Guys! Love Lots!

Please unbroken my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon