Chapter 1

34 2 0
                                    

"Wow! Sa wakas fourth year high school na ako." sigaw ni Mae sa unang araw nang klase. Pagkatapos nang lahat nang pinag daanan niya sa third year 'di nya alam na aabot pa siya sa fourth year.

Si Mae kasi ang taong gustong maging kaibigan nang lahat sa klase. Pag may quiz siya agad ang hinihingian nang papel. Pag di mo alam ang answer sa exam tawagin mo lang ang pangalan nya at siguradong may sagot siyang maibibigay sa'yo. Di naman siya ang pinakamatalino sa klase pero madiskarte lang sa buhay. Happy-go-lucky lang siya. Di katulad nang iba na nasobrahan na sa pag-aaral.

*riiiing*

Oy! Oras na para sa flag ceremony. Makapagpila na nga sa linya bago mapagalitan sa presidente nang klase.

Oo. Unang araw pa lang nang klase namin pero may presidente na kami sa klase. Nasa special section kasi ako. May pa-apply apply pang drama sa section ko. Bongga to ate! Nga pala nasa service extended class ako. Ibig sabihin hindi lang kami sa academic naka focus kundi pati na rin sa religious services katulad nang choir, pagtuturo sa mga bata sa public school, outreach program at marami pang iba.

Haaay, salamat na tapos din yung flag ceremony at pinaakyat na kami sa classroom. Nako naman ang ingay ingay nang mga ka klase ko. Dapat ko na siguro silang pagsabihan pero nahihiya ako eh. Ako lang kasi ang naiiba sa kanila. Haaay! wag na nga lang at baka magalit pa sila sa akin. Unang araw pa naman nang klase. Bukas promise gagawin ko na ang duty ko.

Ahh! Vice president pala ako sa klase namin in case di mo alam. :))))

"Hoy! Mae, sorry nalate ako." sabi kaagad ni Jemai sakin pagkapasok pa lang nya sa room. Siya ang nag-iisang kaibigan ko sa room. Mag katrabaho kasi yung mga magulang namin.

"Ikaw talaga Jemai. Ang lapit lapit lang nang bahay nyo na late ka pa. Buti nga wala pang teacher na pumasok. Alam mo naman medyo strict ang adviser natin pag dating sa mga lates at absences."

"Oo na. Oo na. Hindi ko pa kasi feel ang pasukan. Gusto kong mag extend ang summer vacation!"

Biglang natahimik ang klase. Sabay kaming napalingon sa pintuan ni Jemai at nakita naming papasok ang adviser namin. Haaaaah! Ito lang pala ang mag papatahimik nang klaseng 'to?! Nako naman Lord tulong. Baka pag ako ang magsasalita, di sila makikinig.

"Good morning class!" bati sa'min ni Sir Kim.

"Good morning Sir!" sagot naman namin.

"You know that I'm very particular with the behavior na ipinapakita nyo! Alam nyo naman na kayo ang tinitingalang modelo nang mga students sa school natin. How come ang ingay ingay niyo. Mas tahimik pa ang mga juniors sa kabilang room. " seryosong sabi ni Sir Kim.

Wooow naman unang araw pa lang grabeeee. di ko carry! ang strikto nya. baka magka heart attack ako nito.

"Mr. Suarez at Ms. Panta! I am expecting you to do your duties starting today. If they don't listen to your commands then tell me and i will be the one who will deal with them."

"Yes Sir!" sabay na sagot namin ni John, ang class president.

*riiiiiiiiiiiiing* Oyy. Recess na! Yeeeeeesssss! Favorite time of the day ko 'to! :DDDDD

"Starting tomorrow, I don't want to see anyone from this class who will be late. Am I clear?"

"Yes Sir!"

Tumingin si Sir sa may door at biglang nag iba ang mood niya kaya napatingin din kami. "Mr. Salve, ang aga mo naman ata for the third period!" Woooow. Marunong din pala ang mga teacher maging sarcastic? akalain mo 'yon!

"Sir, so---" hindi na tapos ni Christian ang paghingi niya nang paumanhin.

Tumayo na si Sir at lumabas na pero bago siya nakalabas... "Mr. Salve, in my office now!"

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon