Chapter 4

15 0 0
                                    

"Oh Christian, anong sa'tin?"

Totoo ba to? Kinalabit ako ni Christian. Nako naman. Ok lang kaya ang buhok ko? Baka masyadong oily na yung face ko. Nakakahiya. Di pa naman ako nag ayos bago tinungo yun line para makaakyat sa rooms. Sus. Sana Christian sinabi mong lalapit ka para naman sana nakapag ayos ako kahit konti!

"Wala lang. Napansin ko kasi kayo ni Jemai kanina. Masyado atang seryoso ang pinag-usapan niyo. May problema ka ba?"

Ohh.Emm.Gee. tiningnan nya ako kanina? Syete naman ohh. Bat ganun. sana nag ayos man lang ako. Nakooow. Fine, wala na akong magagawa tapos na. next time nalang mag papaganda ako nang bonggang bongga para naman makabawi. :DDD

"Hoyy! Mae! Ok ka lang ba talaga? Parang ang lalim nang iniisip mo ah?"

"Ayy nako Christian. Ok lang ako." kung alam mo lang ikaw naman tung laman nang isipan ko eh. "Wag kang mag alala nohh? Pertaining sa Physics yung problem ko kanina. Ok lang talaga ako Promise. Excited lang sa IP."

"Yun ang sabi mo ha? Pero pag may problema ka, ok lang na kausapin mo ako. I'll be friend you can lean on. Sige mauna na ako ha? Oyy sha nga pala. Pinapunta ka ni Sir Kim sa office bago ka raw pumasok sa next class natin."

"Ok. Sige salamat."

----

"S--sir? B--ba't nyo po ako pinatawag?" natatakot ako. Baka may kasalanan ako. Nako wag naman sana.

"Ohh, Mae andito kana pala. Sabihan mo yung classmates mo na mag eevaluation tayo mamaya pag ka tapos nang klase nyo."

Evaluation. AGAD AGAD. simula pa lang kaya nang klase. nakooo. iba talaga tong klaseng tooo!

---

*riiiing*

"Yess! Uwian na." sigaw nang ibang boys na kaklase ko.

"See you sa A- pre."

"Sige pre. Susunod nalang kami."

A- nga pala ang pangalan nga internet cafe kung saan nag lalaro ng Dota, Counter Strike, LoL, etc. ang halos lahat nang mga studyante sa St. Thomas College pag katapos nang klase.

"Wait. Guys. Sabi nga pala ni Sir mag-memeeting after class. So kung pwede wag na muna kayong umalis. Salamat" umupo na ulit ako sa upuan ko pag ka tapos kong mag announce.

Woooow. ang tahimik tahimik namin while hinihintay namin si Sir. Sana ganito palagi 'tong mga taong 'to.

"Hoyy Mae. Ba't di mo sinabi sakin na may meeting pala tayo?" pasigaw na sabi ni John sakin.

"Eh. Kasi nakalimutan ko rin naman eh. Ngayon ko nga lang naalala. Pasensya ka na John." paghingi ko nang paumanhin sa kanya.

"Ehh kasi ang mga bagay bagay na ganyan dapat alam ko. Naiintindihan mo? Presidente ako eh!" pagyayabang ni John.

"Opo. Sa susunod. Ipapaalam ko lahat sa iyo. Sorry na." nakayuko ako while sinabi ko yon. ang lakas lakas nang boses nya eh. napahiya ako. feeling ko wala talaga akong kwenta.

"Hoyy John. ang lakas naman ata nang boses mo. Di naman siguro bingi yang kausap mo diba? di mo dapat sigawan." sabi nang isang lalaki.

the voice came from the right side. when i looked that way, nakita ko si Christian pala ang may sabi non?! O_________O Waaaaaaaaaw. my hero. nako Christian. stop it. ayokong mas somobra pa sa crush ang tingin ko sa'yo noh?!

"Ehh ano bang pakialam mo? Ako yung masusnod dito kasi ako yung leader sa klaseng ito. Ehh ikaw ano kalang ba?" insultong pagkasabi ni John kay Christian.

"Ehh siguro. Wala akong posisyon sa klaseng 'to peru Pare atleast marunong akong rumespeto sa mga babae."

"Oo nga naman. May point si Christian." Sigaw nang mga babaeng ka klase namin.

"Ahh. So sa tingin mo, di ako marunong rumespeto nang babae?" nanghahamon ang tinig ni John.

"Basi sa pinakita mo, ano sa tingi--"

Hindi natapos ang sagot ni Christian dahil sinuntok ni John si Christian.

At that very moment yun naman ang pag dating ni Sir Kim sa room at nakita nya yun.

"Mr. Suarez, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Class you may go except for you Mr. Suarez. Bukas nalang tayo mag-meeting." sabi ni Sir Kim in a superduper loud voice.

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon