Chapter 3

17 1 0
                                    

"Good morning Class! I'm Ms. Castro your Physics teacher for this year. So are you ready for this class?" nakangiting sabi ni Miss. Woooow naman sana good vibes ako the whole day today.

Iba-iba ang sagot nang mga students. May iba sabi ready na daw. Ang iba di sigurado. Pero ako, hindi ako ready. Ayaw ko sa Science. Eh parang math lang din 'to eh. Maraming computations nakakatamad kaya mag solve. HAHAHA oo tinatamad din ako noh?! Sawa na ako sa pag cocompute eh. Nakakapagod. Di pa naman masyadong masaya ang experience ko sa Chemistry baka ganito din yung Physics nako naman. :///

"Next meeting, I will already give you your groupings para sa investigatory project natin. Mas maaga mas mabuti para you will hae enough time to do your IP. I want a very good output and I believe kaya nyo na akong bigyan nang napakagandang output since nasanay na kayo nito. Since freshmen pa naman kayo gumagawa na IP, tama ba ako?"

Lahat kami natahimik. Eh ako personally di ako gumagawa nang IP. Ang rami kayang kailangan gawin. Nakakapagod tapos yung ibang ka grupo mo di naman tutulong. nakooow!

-Recess-

"Mae, sana ka group tayo! Hindi ako marunong nun eh! At least pag nandiyan ka may magtuturo samin diba?" sabi ni Jemai.

Ayy nako. Recess na pero wala akong ganang kumain. Nakaka walang gana naman yung first subject eh. Ang layo-layo pa nang upuan ni Christian sa upuan. Sus! Si Christian nanaman ang laman nag utak ko. Ano ba to? Hala parang may sinasabi si Jemai. Nako di ako nakinig. "Haaaa? Ano nga uli yung sinabi mo?"

"Eh di ka naman nakikinig sakin bestfriend eh. Sayang yung saliva kooo! Bakit ba ano ba ang nasa isip mo babae ka ha?" pag-iinterogate ni Jemia.

"Haaaa? Ahh wala to. Na-isip ko lang kung ano ang gagawin ko para sa IP." palusot ko sa kanya.

"Best, wag mo akong biruin. Alam kong di yan ang iniisip mo. Ang aga aga pa para diyan no. Alam kong hindi ikaw ang type nang taong sinusolo yung gawain. Humihingi ka kaya nag advice sa mga ka-grupo mo."

"Ehh kasi naman eh..."

"Ehh ano ba naman yan best di mo man lang masabi sakin?"

"Eh wala talaga to best." pinapawisan ako ah. Grabe talaga tong si Jemai.

"Kung wala talaga yan. di ka pagpapawisan nang ganyan ka grabe noh?! Akala mo di kita kilala. matagal na kaya tayong mag kaibigan."

"Oo na. Ganito kasi yun. Nabanga ko si Christian kaninang umag--" pinutol ni Jemai ang pag story ko.

"Syete best. Syete. May gusto ka kay Christian noh? Aminin mo. Gusto kong malaman yun totoo." Seryosong sabi ni Jemai.

Nakoo naman Lord. Eto na. Eto na talaga to. Wala na ba akong ibang choice. Ayokong may makaalam eh. Pero iba to si Jemai. Iba talaga tong taong to. Parang marunong mag mind read. Nakakaloka.

"Hoyy. Ano na? Di mo ba sasagutin ang tanong ko?"

"Ahh. Kasi hindi naman sa gusto ko sya Jem. Na shock lang talaga ako kasi kilala niya ako. I can't believe it. Kasi nga naman di kami mag ka klase ever since the world began kaya yun. Yun lang naman yun eh."

"weeeeh? ohh sige na nga kasi kaibigan mo ako. maniniwala ako sa iyo pero ate watch out ka. ang gwapo gwapo nya kaya baka magkagusto ka sa kanya. ang alam ko pa naman di sya interested na mag karoon nang special someone sa ngayon." worried na sabi ni Jemai.

"Hayy naku best! Di naman siguro ako magkakagusto sa kanya no? He's way out of my league. *wink* At saka baka nakalimutan mong bawal tayo pumasok sa iyang relationship while nasa service extended class tayo." paalala ko kay Jemai.

"Ayy oo nga pala no?! sus sayang last year na sana. para mas memorable gusto ko sanang mag karoon nang papable papa. yung yumminess ba. *wink*"

"Hoyy Jemai. mag tigil ka nga. Kinilabot kaya ako sa sinabi mo. Like wag na wag mong i.violate ang rules. ok?"

"Oo nah. Oo nah. Choice ko naman to diba. magtitigil nalang ako."

*riiiing*

Ayy kabayo! tapos na pala ang recess. Hay. Klase nanaman.

Patungo na kami sa line nang biglang may kumalabit sakin. Pag lingon ko. :(_________)

"Oh Christian, anong sa'tin?"

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon