Chapter 2

18.8K 43 0
                                    

Isa si Sarah sa mga estudyante na nasa 3-B.
Habang nag uumpisa na ang klase at nakapag kilala na siya ay nasa isip niya parin ang babaeng nag tour sa kanya.

Kaklase niya ito. Ngunit hindi niya pa alam ang pangalan nito.

Nang makaupo na siya at nag simula ng magturo ang guro nila ay bigla siyang kinalabit ng katabi niyang babae.

Nilingon niya ito. Nakangiti ito sa kanya.

"Hi." pa bulong nitong sabi sa kanya.

Ngunit nginitian niya lang ito. At tumingin na sa teacher na nag tuturo. Pero hindi siya makapag concentrate dahil laging pumapasok sa isip niya ay ang babaeng nag tour sa kanya. Ginugulo siya ng isip niya. Gusto niya tanungin ang pangalan nito.

At sa kagandahang palad ay agad sila dinismis ng kanilang guro dahil daw sa may meeting ito sa faculty.

Dahil sa kadahilanang iyon,nagkaroon sila ngayon ng dahilang makapag ingay at mag usap usap.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pang sunod na teacher nila ang pumapasok sa kanila.

Maya maya ay may dumating na estudyante.

"Hey everyone,where's Athena Montana?"

"She's here po. Hey montana. Tawag ka ng ka SCO mo."

Napangiti siya ng malaman niya ang pangalan ng babaeng nag tour sa kanya kanina.

Papunta na ito sa pintuan para kausapin ang isa pang Student Counselor Officer.

Ilang segundo lang ay umalis na ang kausap ni Athena at agad naman kinuha ni Athena ang atensyon ng mga kaklase niya.

"EVERYONE! Sabi ng co-sco wala na daw tayong mga teacher hanggang uwian. Kaya pwede na daw tayo umuwi kung gusto natin."

"Ugh. Bakit daw?" tanung ng kaklase niya matangkad,may salamin at malinis na malinis at maayos na maayos ang damit.

"Ganito kasi yon,diba kanina nag paalam yung teacher natin na may magaganap daw na Meeting sa Faculty so baka ayun ang dahilan."

"Oh. Ok"

Isa isa ng nag lalabasan ang mga kaklase nila. At ang natira na lang ay siya,ang katabi niyang babae kanina at si Athena.

Nag aayos sila ng mga gamit nila.

"Hi. Im Gen Monte Carlo?"

"Hi. Im Sarah Elijah Margareth Antonio."

"WOW ANG HABA" Gulat na tawa ni gen.

Tumawa lang siya ng mahina dahil sa nakita niyang expression ng kaharap.

Habang sa kalagitnaan ng pag uusap nila ay lumapit sa kanila si Athena.

"Gen,Sarah sabay sabay na tayo."

"Ay sarah itu-tour pa pala kita sa mga dorm dito sa school." sanay turo sa binta ni Athena. Pag tingin niya sa labas ng bintana ay may isa pang building na mataas doon na malalayo sa building kung nasaan sila.

"Parang ang layo."

"Hindi naman gaanong kalayo yan ehh. Athena sama na kao sa inyo." epal ni Gen.

"Sige" sagot ni Athena at nginitian si Gen.

"Ohh ano halika na?" tanong ni Athena.

"Lets go" masayang sagot ni Gen.

Tumawa na lang si Sarah dahil sa sigla na pinapakita ni Gen at kabaitang ipinapakita ni Athena.

Naglakad na sila papunta sa Building na sinasabi ng dalawang babae.

~~~~~

☆Maxinedra☆

Sex [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon