Manny'5

144 14 0
                                    


Buboy POV...


Kanina pa ako pabalik-balik sa pavilion dito sa Mansion ng mga Miller, kahit papaano kabisado ko na ang mga tawag sa kahit saang sulok ng mansion nila salamat sa tulong ng mga kasamahan ko dito at kahit papaano ay nagiging pamilyar na ako sa paligid na pinagtratrabahuan ko. Hindi ko naman na maipagkakaila na maganda ang turing ni Sir. Tim sa mga trabahador nito lalo na sa matatanda na matagal ng nag tratrabaho sa pamilya nila, sobrang maunawain at alagang alaga nila ang mga nagtratrabaho sa kanila kaya naman siguro ay nagtatagal ang mga ito.


Sabat lakad ko ay nakikita ko ang istura ko sa glass wall ng mansion nila, napakadungis ko na at may bakas pa ng uling ang muka ko. Kanina kasi pinaayos sa akin ni Zwei ang grill kasi magkakaroon sila ng barbeque party mamaya ng mga barkada niya, hindi ko naman na tinanong kung ano ang okasyon basta ang mahalaga ay magawa ko ng maayos ang pinagagawa nito sa aki.


At the end of the day kasi siya parin ang amo ko.


"Buboy ito na yung throwpillow case na hinihingi mo sa akin" napatingin naman ako sa likod ko at doon ay nakita ko si ate Yoyo dala dala ang mga throw pillow case "Tulungan na kita maglagay ha" ani  nito


"Nako ate Yoyo, ako na lang po diba po naglalaba pa kayo" ani ko at kinuha ko naman dito ang hawak nito


"Naka salang pa naman yung mga labahin" ani niya at tinulungan na nga ako "Kanina ka pa namin na papansin dito, kaya lang bilin sa amin ni Zwei na' wag kang tulungan" sabi niya


Well medyo mahirap nga ang pinagagawa sa akin ni Zwei, para akong event organizer sa pinaggagawa ko. At ang bilin niya wala daw dapat na tumulong sa akin. Gusto niya talaga akong nahihirapan, gusto niya akong nakitang nahihirapan.


Hindi ko alam kung bakit, siguro ikinasasaya niya yun na nakita niya akong nahihirapan.


"Nako salamat po talaga ha" ngumiti naman ito sa akin "Si Kyla po pala" tanong ko dito, abala parin ito sa pagsusuot ng mga punda sa unan at ako naman ay inaayos na ang nalagyan niya


"Umalis, umuwi muna sa amin" aniya at inabot sa akin ang isang unan "Magpapanibagong semestre na kasi kaya nag enroll siya ngayon" dagdag pa ni Ate Yoyo


Magpapasukan na pala sila Kyla, edi magiging busy na ito sa pag-aaral nito. Mababawasan na din yung time na makakapag bonding kami.


Nang matapos na si Ate Yoyo ay nagpaalam na ito sa akin na babalik ba sa laundry area, maglalaba pa kasi ito kaya naman nag pasalamat nalang ako ng marami sa kanya.


Naiayos ko na ang lahat, matamis akong ngumiti ng makitang napagaka ganda ng ginawa ko. Mula sa paila hanggang sa mga desenyo sa paligid ay tiyak kung napakaganda nitong mamayang gabi. Nakakapagod pero okay lang kasi katumbas naman nito ang kabutihan na binibigay ni Sir. Tim, hindi ko talaga alam kung bakit hindi nag mana ng kabaitan si Zwei sa tatay niya puro istura lang ang nakuha.


"Buboy!"


"Ate Lucy" tumabi ito sa akin

Nanny McGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon