Buboy POV..."Woah!" mangha kung bigkas ng makakababa kami sa helicopter na sinakyan namin papunta dito sa isla "Grabe naman talaga ang yaman niyo, sa inyo talaga 'tong isla na to Zwei" Dagdag ko pa dito
Patuloy lang kami sa pag lalakad papunta sa cabin na tutuluyan namin, hila hila ko ang dalawang maleta samantalang siya ay dala ang isang malaking backpack at Isa pang maleta. Hindi ko naman lubos maisip na ganito pala ang dami ng gamit na dadalhin niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami dito. Basta ang pag kaka-alam ko lang ay bukas na ng gabi gagawin ang royal ball na dadaluhan ng mayayaman na tao dito sa pilipinas.
"Hindi naman akin to" Sabi nito "Isa pa hindi gaano kalakihan ang isla"
"Ikaw lang naman ang nag iisang anak ni Sir Tim" huminto ako sa pag lalakad at hindi makapaniwalang tumingin dito "Ikaw lang naman ang nag iisang anak ng may ari ng buong isla na ito na may malaki at magandang hotel sa gitna" dagdag ko pa at nag lakad na ulit
"I don't want it" aniya "I don't wish anything for this"
Simula nong araw na magka-usap kami ni Zwei ay naging mas maayos na ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Mas naging vocal na ito sa mga tao sa paligid kahit papaano. At kahit papaano ay mas nakaka usap ko na ito ng matagal.
Pero hindi parin niya binabago ang pakikitungo niya sa ama niya. Hindi ko naman siya masisi at hindi ko naman siya mapipilit. Hahayaan ko nalang muna siya siguro basta lagi ko nalang siya gagabayan.
"Alam mo ma re-realize mo 'din lahat ng sinasabi mo kapag nag ka pamilya ka na" Sabi ko
"Sure, basta ikaw ang magiging asawa" napahinto naman ako dahil sa sinabi nito
Hindi ko alam pero ibang pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon.
"Baliw" inirapan ko ito "Para kang sira" dagdag ko pa
"Ba't naka-ngiti ka" pang-aasar nito
"Hindi kaya, feeling" inunahan ko na ito sa pag lalakad at nauna ng pumasok sa cabin
Sumunod naman kaagad si Zwei. Pag ka pasok kaagad namin ay inayos naming dalawa ang mga gamit namin. Nasabi din sa akin ni Zwei na dadalo 'din sa royal Ball ang mga kaibigan niya na pumunta noong may party sa kanila. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niyang ito.
Makikita ko na' din si Luna at Ceilo kahit papaano ay hindi ako ma bobored dito. At makakapag bonding kami.
"Ako na bahala dito Zwei" napatingin naman ito sa akin "Diba ngayon na yung meeting niyo para sa gaganaping royal ball, pumunta kana 'don" Ani ko pa
Tumayo naman ito at nag suot ng jacket
"After mo, pumunta ka nalang sa hotel para mag lunch, don't wait for me baka matagalan ako" tumango naman ako dito "And don't forget na daanan yung suit ko sa lobby ha" pahabol naman nito bago tuluyang lumabas na ng cabin namin
Pagka-alis ni Zwei ay kaagad naman ako nag focus sa ginagawa ko para matapos na ako kaagad. Nagugutom na din kasi ako at sa totoo lang kanina ko pa gustong kumain.
Natitiyak ko 'din na masasarap ang pag kain ngayon dito. Bukod sa mabubusog na ang mga mata ko ay mabubusog pati ang mga alaga ko sa tiyan.
Matapos ko maiayos ang mga damit sa cabinet at ang mga gamit namin ay kaagad naman ako nag tungo sa banyo para makapag-bihis na.
Sinigurado ko naman na na-lock ko ng mabuti ang pinto bago lisanin ang cabin.
Hindi naman kalayuan mula sa tinitirhan namin yung hotel. Siguro maglalakad ka lang ng mga benteng minuto bago mo tuluyan na marating 'yun. Buti nalang talaga ay mapuno sa bawat dinadaanan ko at kahit papaano ay malilim at hindi masakit sa balat ang sikat ng araw.
Naka tanggap naman ako ng chat galing kay Ceilo at ang sabi nito ay inaantay na daw nila ako sa loob. Nag reply naman ako na malapit na ako at hintayin na nila ako para sabay sabay kaming makapag tanghalian.
"Ganda!" napahinto ako sa pag-lalakad at hinahanap kung saan 'man nanggaling ang nag salita "Pwede mo ba ako tulungan" Sabi ng isang babae na nakasilong sa ilalim ng puno.
Lumapit ako dito.
"Ano pong nangyare?" Tanong ko dito
Tinuro naman neto ang tatlong naglalakihan niyang maleta. At ang nasira niyang sapatos.
"Malayo pa kasi ang cabin ko mula dito pwede mo ba ako tulungan na dalhin ang nga gamit ko" naka ngiting sabi ng babae
Siguro isa ito sa mga dadalo sa Royal Ball bukas.
"Sige po" Sabi ko "Pero gusto niyo po ba tumawag tayo ng staff para di na po kayo mahirapan" may sukbit padin kasi itong malaking backpack.
Umiling ang babae at ngumiti.
"Sa tingin ko naman ay kaya muna" aniya, at ibinigay neto sa akin ang backpack niya "Tara"
Nauna na itong mag lakad sa akin habang hila hila ang isang malaking maleta at sumunod na ako dito. Hila hila ko naman ang dalawang maleta nito at sukbit ang malaki niyang backpack.
Sa tingin ko naman ay mayaman ito at dahil sa ganda nito ay muka talaga itong mayaman kaya naman nag tataka ako kung bakit wala itong kasama o assistant 'man lang na tumutulong sa kanya.
"Dadalo po ba kayo sa royal ball bukas?" pambasag ko ng katahimikan sa aming dalawa
"Maari" tanging sagot nito
Nagtataka naman akong na patingin sa babae.
"Ano po ang ibig niyong sabihin sa maari" ang sabi ko
Tumingin ito sa akin saglit at ngumiti
"Ikaw, Bakit ka naririto sa isla?" tanong niya
"Para po sa trabaho" sagot ko "Isa po akong Nanny at ang alaga ko po ay a-attend bukas sa royal ball isa po siya sa mga mahahalagang bisita bukas" sagot ko dito.
"Hindi mo ba natitipuhan na pumunta sa gaganaping pagdiriwang bukas?" aniya
"Nako, hindi po" sagot ko "Di po ako bagay 'don" dagdag ko pa
"Paano ka naman nakaka-siguro"
Tumingin ako sa babae.
"Baka maka-gawa lang po ako ng gulo doon at mapahiya ko ang amo ko" sagot ko dito "Malaki po ang respeto ko sa mga taong' yun at ayaw ko po makagawa ng maling bagay na siyang ikapapahamak nila"
"Tama nga ako ng pinili" Sabi nito at ngumiti sa akin
Lalo ko tuloy napagmasdan ang kahandahang taglay nito.
"Anong pinili" nag tataka kung sabi "ano po meaning n'yo doon" dagdag ko pa.
"Sa oras na kailangan mo ako, dadating ako" nakangiting sabi niya "Sige na, iwan muna ako dito"
Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan.
"Pero wala pa po tayo sa cabin niyo" Sabi ko "Malapit napo ba tulungan ko na po kayo"
Umiling ito at ngumite
"Ang busilak ng iyong puso ang mag dadala sayo ng kasagutan, samantalang ang pagiging likas na inosente at walang takot na tumulong sa iba ang mag babasbas sayo ng pagpapala" Mas lalong hindi ko naintindihan ang pinoponto ng babae "Sige na, nakaka sigurado pa ako na mag kikita tayo bukas" dagdag pa nito
Kinuha naman nito sa akin ang mga gamit nito at tuluyan ng umalis. Pipigilan ko pa sana ito ngunit tumanggi na ang babae.
Weird
Bumalik nalang ulit ako sa pag lalakad papunta sa hotel. Pero paano naman kaya siya nakaka sigurado na mag kikita pa kami bukas.
BINABASA MO ANG
Nanny McGay
RomanceThis is a BxB story, if you are a HOMOPHOBIC TYPE OF PERSON Don't read it!