"hi sweetie! how's your day?" my mom greeted me as i entered her office
'its pretty fun! i actually enjoyed the ticket that you guys gave me yesterday! thank you so much mom! dad!"
"ano ka ba sweetie basta para sayo, lahat ibibigay namin ng mom mo" sabi ni daddy sabay kiss sa cheeks ni mommy
ang sweet talaga ng parents ko. Wala na ata akong mahihingi kay God, kasi binigay na nya lahat saakin. a perfect life, a perfect parents...
ang saya saya ng buhay ko, wala akong iniintindi, hanggang sa...
krriiiiiiiinggggg!!!!! krriiiiiiiingggg!!!!! ........
"good morning stacey!" bati sakin ni Nicole, roommate ko
"good morning!"
"wanna go with us?"
"saan? aga aga, gala agad?" eto gagala nanaman! parang kagabi lang late na umuwi haaays
"ano ka ba! mamayang gabi pa yun! dyan lang sa bagong bukas na resto bar"
"sorry col, may part time kasi ako mamaya eh"
"hay nako! kahit kelan ka talaga! ang sipag! eh ang yaman yaman ng tatay mo!"
"kahit na noh! tsaka madaming inaasikaso yun! tsaka alam mo naman diba sitwasyon namin?"
"hay nako! ewan ko sayo! buhay mo yan eh, osya lalabas na ako ha?"
teka anong oras na ba? tska anong araw ba ngayon? ano ba yan! nag aaral ka ba stacey, at hindi mo alam kung anong araw ngayon?
"HAAAAY! ANO BA YAN! KINKAUSAP KO NANAMAN SARILI KO!'
"AAAAAAHHHHHHHH! LATE NA KOOOOOOO!"
TAE! Byernes pala ngayon! anon oras na nasa bahay pa ako! tapos sta. mesa pa punta ko!
mabilisang kilos na ang ginawa ko. tapos no choice ako kundi mag LRT na! ang mahal mahal pa naman ng pamasahe ngayon dun! kesa sa jeep mas mura. kaso late na talaga ako haaay nako!
whaaa! hindi na ako nakapag almusal! kumukulo na ang tyan ko! pinagtitinginan na ako dito sa loob ng LRT sa lakas ng kulo ng tyan ko. oh please! not now!
makalipas ang ilang oras, finally nandito na ako sa school
takbo dito! takbo dyan! tae! pudpod na sapatos ko!
hanggang sa may tumawag sa pangalan ko at talga namang nakakapanlumo
"STACEY! WALA DAW TAYONG FIRST CLASS! WALA SI MA'AM!"
FUDGE! TAE! SAYANG LANG YUNG PINANG LRT KO! WHAAAA NAIIYAK AKOOOOO!
hindi pa ako nakakarecover nang may tumawag ulit sa pangalan ko. yung totoo? anong meron sa araw na to at parang sikat ata ang pangalan ko?
"stacey! san ka nanggaling? bat ang gulo ng buhok mo hahaha"
"kuya kung mang-aasar ka lnag pwede b--! araaay! badtrip ako wag mo akong simulan!" namatok nanaman kasi hay! lagi nalang!
"sabi ko sayo wag mo akong tatawaging kuya eh!"
"eh ano naman? una, mas matanda ka, pangalawa kapatid naman kita ah? anong masama dun?"
"eh basta! kabatch lang kita, tapos tatawagin mo akong kuya, tsaka pano pagnalaman talaga nilang kapatid kita? sira reputasyon ko!"
magsasalita na sana ako, more on magrereklamo. ng magsalita ulit sya
"shhh... tama na! tara! libre na lang kita. at alam kong hindi ka makakatanggi hahaha"
pano pahamak tong tyan ko! kaya ayan! inaasar nanaman ako haaay!
'stace..." tawag nya sakin habang lumalamon ako. kayo kaya hindi mag almusal tapos ang layo pa ng biniyahe ko. sinong hindi magugutom?
'oh?" tugon ko
ang tagal nyang sumagot. pero nang sumagot sya, napatigil ako sa pagkaen ko...
"uwi ka na.."
"james..." malungkot ko na sabi
"wala na ba talagang paraan? miss ka na ni Jane, nila manang Tessa... alam mo bang lagi ka nilang inaabangan sa pinto, nagbabakasakaling lumabas sa pintuan sa bahay... si Jane laging malungkot, wala na syang kalaro kundi ako, mga maids sa bahay... pls umiwi ka na.."
nakakalungkot mang isipin.. pero kailangan.. para sa ikabubuti ng lahat. madami mang naiwan pero mas okay na to. hanggang maaga pa. ayoko na ng gulo...
"sorry..."
malungkot ko at kakarampot kong sagot kay james.. madami man akong gustong sabihin pero ewan ko kung bakit yung lang ang lumabas sa bibig ko... siguro nga mas okay na yun...
"siguro nga, wala na talaga akong magagawa sa desisyon mo.. pero kung may kailangan ka ha? alam mo naman number ko diba? tawagan mo lang ako o kaya itext mo ko okay?"
siguro nga sa kabila ng mga nangyayare sakin ngayon, may mga tao pa ding handang gawin lahat para saakin. mga taong imporante sa akin, mga may pake saakin.
sinagot ko na lang sya ng ngiti at pinagpatuloy ang pagkaen ko. ganun na din ang ginawa nya.
maya-maya tumunog na din ang bell. sa wakas! napakatahinik kasi eh haaay!
"sige stace! maya na lang! bye!"
"bye!"
at tumango naman sya.
hindi pa ako nakakalayo ng tawagin nya ulit ako
"stace! may part time ka ba mamaya?"
"oo!" sagot ko sa kanya
"hatid na kita! okay? bawal tumanggi! sige na laters okay?" at tumakbo na sya palayo
"pano pa ako makakatanggi? hay james! sakit mo sa ulo!"
no choice. dumiretso na ako sa room ko.