mabilis na lumipas ang oras at last subject na namin. advance english
at wala kaming teacher. may meeting daw.
"guys kain tayo mamaya pag uwi" yaya sa amin ni michelle isa sa bestfriend ko
"tara! nagugutom na din ako eh!" sabi ni jenny
"jen, anong bago? lagi ka namang gutom!" at nagtawanan kami sa sinabi ni ailyn
"pass ako, may part time ako mamaya eh" tanggi ko
"eh.. mamaya pa naman yun ah. sige na! miryenda lang oh. libre ka na daw ni jenny" sabi ni ailyn. kahit kelan talaga tong babaeng to
"edi ikaw na lang! ikaw nakaisip eh. bat di mo gawin?"
"hay nako! sige bukas stace? baka pwede ka na? tagal na nating hindi kumakain sa labas eh" final na sabi ni michelle
hmm.. wala ba akong gagawin bukas? wala naman na siguro...
"sige sige! thanks guys" pasasalamat ko sa kanila kasi naiintindihan nila yung sitwasyon ko. at tanggap nila ako kahit ganto ako.
--
uwian na! salamat naman!
kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng tumawag sa akin
"stace! san punta? sunduin kita mamaya ah!" sabi ni james habang tumatakbo palapit sa akin
"oo na! sinabi mo na eh. uwi muna ako. papahinga para mamaya may energy ako"
"tara hatid na kita" sabay kuha sa bag ko
"uuuy! james! amin na nga yan! hoy!"
lanya tong lalakeng to!
"omg! grabe ah? sila ba? yuck di sila bagay ni james!" narinig ko, sabi ng isang babae sa di kalayuan
"true! if i know. ginayuma lang nyan si james!" sang-ayon naman ng kasama nya
wow ah? ang hina naman nila magbulungan! rinig hanggang dito sa kinatatayuan ko. haaay! mga walang magawa sa buhay!
lapitan ko na sana kaso may pumigil sa akin
"wag mo ng patulan, hayaan mo na sila. tsaka gagawa ka pa ng gulo. pano pag nakarating yang gagawin mo sa principal? edi matatanggalan ka pa ng scholarship"
hmm... napaisip naman ako sa sinabi ni james.
sabagay... haaays nako! no choice nanaman ako.
"tara na nga! diba sabi mo magpapahinga ka pa?"
wala na nga kong nagawa kundi sumunod kay james
"stace, sa bahay ka na lang magpahinga..."
pagputol ni james sa katahimikan sa loob ng sasakyan
"j-" magsasalita na sana ako ng takpan nya ng isa nyang kamay ang bibig ko
"wala sila sa bahay. nasa business trip, kahapon lang. next week pa uwi nila." sunod sunod na sabi nya ng hindi man lang tumutingn sa akin.
"pls? miss ka na nila..." dagdag pa neto
"hm.. okay" sagot ko sa kanya. at kitang kita ang saya nya sa mata nang lumingin sya saakin
nakakatuwa kasi magkikita ulit kami ng mga mahal ko sa buhay. Taon na din ang nakalipas. kamusta na kaya sila?
ilang oras din ang nakalipas. traffic kasi, kaya medyo natagalan. pero kung walang traffic mga 30 mins lang nandito na kami
"tara sa loob" sabi ni james pagkalabas namin sa sasakyan
"kinakabahan ako james"
"wag kang kabahan, sila pa rin yan. walang nagbago"