LKM'S POV
"Pare nasaan ka na ba? 7:50 na oh!" sigaw niya sa akin mula sa kabilang linya
"chill par! nandyan na ako 5 mins" sabi ko sabay sakay sa sasakyan ko, malapit lang naman pala kasi yun dito sa condo ko, kaya na 5 mins dun!
"tae ka talaga pare! basta bilisan mo na! mag-uumpisa na!" haha talaga to oh!
"dun sa pangalawang address na sinend ko ah?" pahabol pa nito bago ibaba yung call
tss binilisan ko na lang ang pagda-drive.
pag dating ko naman doon, hindi pa pala nagsisimula, wala pa daw kasi yung vocalist
"oh kala ko ba late ako? tapos wala pa pala tss" reklamo ko sa kanya habang may tinatawagan siya
"teka lang par," tapos lumayo siya, pero rinig ko naman hanggang dito sa pwesto ko, sa lakas ba naman ng boses nito eh
"Hoy Ms. Flores WHERE THE HELL ARE YOU? IT'S ALREADY 8 YET YOU'RE STILL THERE?... WHAT?... okay... bilisan mo na okay?"
huh? ano daw? may kasama pa kami? siguro barkada nya dito
pagbalik nya naman mukhang nag iba na mood nya
"par, cr muna ako" paalam ko
pabalik na sana ako sa pwesto namin nang makita ko kung sino yung kumakanta sa stage...
"oh! par! nandyan ka na pala! tara dun tayo! may papakilala ako sa'yo" sabay akbay saakin
grabe iba na talaga tong pare kong to!
"par! eto nga pala pinsan ko, si nikki, nikki kumpare ko" pakilala nya sa aming pareho
"hi!" masiglang bati sa akin ni nikki
shet eh si nikki to eh! sikat na singer to! taena talaga tong pare kong to! kung alam ko lang na pinsan nya pala tong si nikki edi sana matagal ko na tong pina-contact sa dad ko
nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang may dumating na babaeng tinatawag si nikki
STACE'S POV
"shet ka talaga! bayaran mo tong gabi kong to ah!" sabi ko sa magaling kong pinsan na pinapupunta ako sa bar nila uncle Gino, nandoon daw siya, kakanta.
"of course! sagot ko na! paulit-ulit tayo?"
"naninigurado lang ako! aba wala akong pang tuition noh!"
"haaay nako! dalian mo na! at ako papunta na doon at yang magaling na kuya mo galit na! haha!" aba nagawa pang tumawa ng bruha!
"oo na! papaalam lang ako sa bandmate ko, sasabihin ko namatayan ako ng magandang pinsan" biro ko sa kanya
"HOY! STACEY! ANG GANDA KO NAMAN PARA MAMATAY!" ayan asar na! haha! sarap talaga netong asarin eh
"gaga to! ano yun? hanggang di ka pumapangit mananatili kang buhay? eh pano sa burol mo? panget ka na? aw saklap nun!"
"CHE! TIGILAN MO AKO! PUMUNTA KA NA LANG! GAGANG TO! HAHA" ayan namura din ako haha!
"oo na! GG KA! papunta na!"