"STACEEEY! BABA NA! KAKAEN NA!" sigaw saakin ni James mula sa baba. Yeah dito na muna ako natulog at katabi ko si Jane. Nung gabi kasi dapat uuwi na ako kaso sakto dumating si Jane, una nga kinabahan ako, kasi baka kasama nya yung magulang nya. tapos ayun, pinilit akong dito na lang daw muna matulog, namiss nya daw kasi ako ng sobra.
"ETO NA PO! BABABA NA!"
"ate! di pa pwedeng dito ka na lang for good? yung hindi ganito na after every tayong magkikita?" mukmok ni Jane, hay eto nanaman kami! kagabi pa to, at kagabi pa rin ako nagpapaliwanag sa kanya!
"okay! okay! fine! i understand ate... Basta promise me na we're going to shop together okay?"
"uh-huh! A promise is a promise baby, pero ngayon bilisan na natin at kanina pa nagsisigaw yung magaling mong kuya! hahaha!" at sabay kaming tumawa
etong batang to talaga!
at ayun nga pagbaba namin kala mong dragon tong si James haha!
"chura mo James! nasa harap ka ng hapag kainan oh!" biro ko sa kanya
'manahimik ka! kanina pa ako gutom! tapos ang tagal tagal nyo! mga babae talaga! tss"
"edi sana kumain ka na! di naman namin sinabing hintayin mo kami kuya eh! haha!" dagdag ni Jane. haha lalong naasar si James at sinimulan na lang ang pagkain nya
habang kumakain kami, biglang nagsalita si James
"Jane, magpahatid ka na lang sa driver natin"
"bakiiiit? ayaw!" pagmamaktol ni Jane
"male-late na kami sa class namin pag hinatid pa kita, kung inagahan nyo kasi ang gising at binilisan ang kilos edi sana mahahatid pa kita?" sang-ayon naman ako sa sinabi ni james kaso mukhang hindi sya iniintindi ng kapatid nya haha
"Jane, may next time pa naman eh. Tsaka diba mag mo-mall pa tayo? so cheer up! okay?" at buti ay naintindihan naman ni Jane yun.
Pag tapos naming kumain, umalis na agad kami ni James.
—
"sige na James, dito na lang ako. Hihintayin ko pa sila Jenny eh" pagpapauna ko kay James
"sure ka? okay sige, una na ako ha?" pagpapa-alam nya tas tinanguan ko na lang sya.
nandito ako ngayon sa may parking lot. Ewan ko ba kung bakit, sabi kasi ni Jenny dito daw kami magkitakita
hay! napaharap ako sa bintana ng kotse na nasa harap ko, mukha namang walang tao kaya nagsalamin na muna ako, inayos ko yung buhok ko kasi ginulo nanaman ng magaling kong kapatid!
maya maya dumating na din sila Jenny, at ang bruha kumo-kotse na ngayon! tapos ayun nagkayayaan mamayang uwian na mag mall, pumayag na ako kasi 8 pa naman yung part time ko sa bar ng tito ko. oy! wag mag isip ng masama! vocalist kasi ako ng isang banda doon. Every tuesday and wednesday nandun ako ng 8 ng gabi nga lang. Pero kaya naman ng sched ko, tsaka kailangan.
LKM'S POV
langya talaga tong lalaking to sabi magkita daw kami sa may parking lot tapos biglang magtetxt na nasa klase na daw sya! Di ba nya alam na may jetlag pa ako? tss
kaya eto ako maghihintay sa loob ng kotse ng 3 oras lang naman! ayokong lumabas mainit. makatulog na nga lang...
patulog na sana ako nang biglang may baabeng nanalamin sa kotse ko. srsly? mukha bang salamin ito? siguro alam nyang walang tao haha mga babae talaga kung saan saan nananalamin. Pero malay ba nyang may tao eh tinted tong kotse ko!
Hay ang gulo ko! bahala na nga sya dyan! manalamin sya hanggang gusto nya. basta ako matutulog na...
"ARGH!" i can't help it! ewan ko kung bakit pero parang may nagsasabi saakin na alamin kung sino tong babaeng to, there's something on her na iba eh... Parang familiar yung mukha nya.. Pero ngayon lang naman ako ulit nagpunta dito sa Pilipinas after 7 years. Napatingin ako sa i.d nya
"STACEY LOUISE FLORES..." pag kasabi ko ng pangalan nya, bubuksan ko na sana yung window ko kaso may biglang tumawag sa akin
"YOW! PARE! SAN KA NA? WALA KAMING TEACHER!"
"TAENA KA PARE! DI MO KAILANGANG SUMIGAW!"
"haha sorry naman oh ano? san ka?"
"parking. tae ka talaga alam mo bang may jetlag pa ako!"
"nako jetlag! jetlag! uso ba sayo yun? haha! kita na lang tayo sa bar!mamayang alas-otso may banda dun yung kapatid ko. Para na rin naman makilala mo na sya"
"kapatid ba talaga?" biro ko sa kanya
"yung Half sister ko! takte ka baba ko na nga to! sayang load ko sayo!"
"haha geh"
"sige send ko sayo yung lugar" tas binaba na nya.
pag tingin ko naman sa labas ng bintana, wala na sya
"panira ka talaga pare kahit kelan!" nasabi ko na lang sa sarili ko
"i'll find you... Stacey Louise... soon" tas nagdrive na ako papuntang condo ko. matutulog na muna ako. mamayang 8 pa naman yun eh...