Chapter 5

4 0 0
                                    

"YEEEEEEEEESSSS! WALANG ASSIGNMENTSSSS!" sigaw ni Ailyn pagkalabas na pagkalabas ng pinto.


"Hoy! babaita! anong wala? anong tingin mo sa assignment natin sa math?" kontra sa kanya ni Jenny. Hay etong dalawang to talaga!


"Narinig mo ba yung sinabi ko? Sabi ko ASSIGNMENTSSSSSS! SSSSS!"

haha patawa talaga tong si ailyn. At ayun naghabulan yung dalawa palabas


"Stace! ano? G na ah? Mall tayo ngayon" yaya naman saakin ni Mich habang naglalakad papunta dun sa dalawa


"ah.. yeah.. naisip ko rin kasi na lagi na lang akong absent sa inyo" sagot ko


"WOW! talaga? yeeeey! lez go na! palit na tayo!" nagulat naman ako kay Ailyn, kasi bigla biglang susulpot sa harap namin


"Hoy! ang ingay mo talaga eh noh? Yang bunganga mo talaga!" pambabara sakanya ni Jenny


"Pag di kayo tumigil, hindi na ako sasama" singit ko sa pagtatalo nila, pano ba naman nakakarindi na mga boses eh, kanina pa hay


"stace hinga! haha tara na nga! para makapagtagal tayo dun" yaya saamin ni mich


At ayun nga, nagsipagpalit na muna kami ng damit, bawal kasi ang naka-uniform sa mall eh. arte!


——-











Nang makarating kami sa mall, kung ano anong shop ang pinasok namin. Sukat dito sukat dyan tapos hindi naman namin bibilin haha! Si Jenny nakaisip nun eh


At sa dami ng napasukan naming shop, sa uniqlo kami bumagsak, bumili lang kami ng tig isang shirt na pare-pareho kami. Tapos kumain kami sa food court, para menos na rin sa gastos.


"Iba talaga pag food court! hm! sarap!" sabi  ni Mich


"i agree! Masarap na mura pa!" sang-ayon naman ni jenny


"Madami pang pagpipilian! HAHAH!" sabay na sabi namin ni Ailyn


Matapos kaming kumain, naglibot pa kami ng isang round tapos naglaro na kami.


Grabe iba talaga yung pakiramdam kapag kasama mo yung mga kaibigan mo. Iba yung bonding nyo, lalo na kapag magkakasundo talaga kayo sa lahat ng bagay... Pero syempre hindi maiiwasan dyan yung kung ano ano munang choices yung pagtatalunan nyo... Pero sa huli sa unang choice pa rin pala kayo babagsak...

















Sa sobrang enjoy ko, hindi ko na napansin yung oras


"shit guys! 7 na! may practice pa pala kami bago ang gig!" bigla kong sabi pagtingin ko sa relo ko


"omg! sorry Stace! sige wait lang pasundo na tayo." sabi ni Jenny


"Naks Je! gumaganon ka na ngayon! hahaha iba na to!" pang-aasar ni Ailyn kay Jenny


"oo nga! haha tsaka Jen, okay lang, mamamasahe na lang ako. Mas lalo lang akong mahuhuli pag hinintay ko pa. Eh kung namasahe na ako baka nasa apartment na ako" sagot ko kay jenny


"sige sabay na ako sayo, otw naman bahay namin eh" sabi ni Mich


"hmm... okay! sige! ingat kayo ha? txt kayo pag nasa bahay na kayo okay?" paalala saamin ni Ailyn


"opo nanay" asar ko kay Ailyn hahah


"yuck! nanay? stop okay? joke! haha sige na! malate ka pa! see yah tomorrow!"


"arte mo Lyn!" reklamo ni Jenny


"hoy kayong dalawa! baka bukas wala na kayong mga boses! haha! sige na! bye!" paalam ni mich


At ayun nga umalis na kami ng tumatawa dahil dun sa dalawa...

My Life Isn't BASICDonde viven las historias. Descúbrelo ahora