Its been a long year since i last visited this place, this house. Sa akin to... Sa amin ng mommy ko to... Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari kailangan kong lisanin ang lugar na to. Kailangan kong iwanan, kahit na ayoko. Mga magagandang memories together with my mom pati iyon kailangan kong iwan... para makaiwas na rin sa gulo. At ngayon, babalikan ko nanaman ang lugar na to kung saan sanhi ng pagkakawatak ng pamilya ko..."ready?" yaya saakin ni james
"do i have a choice? nandito na ako eh... tsaka namiss ko to" then i just gave him a bit smile
"haha! ikaw talaga! tara na" sabay gulo pa ng buhok ko
"aish! alam mo it takes time para ayusin tong buhok ko tas guguluhin mo lang?" reklamo ko ng pabiro
"ewan ko sayo! tara na sabi! haha!" sabay tawa pa! aish kahit kelan talaga to!
pero to tell you the truth? kinakabahan ako ng super duper as in to the highest level na! kasi naman baka kung ano sabihin nila diba? baka galit sila baka kasi sabihin nila saakin na bakit ako bumalik matapos ko silang iwan... matapos ko silang kalimutan... tapos isang araw babalik na lang ako. bigla biglang lilitaw sa harapan nila... Natatakot ako sa mga sasabihin nila...
pumasok na si James sa loob, pero ako nandito pa rin sa labas nananatiling nakatayo
"MANAAAAANG! Guess who's with me! Dali po!" rinig kong sabi ni James
"Sino ba iyon iho?" napa-pikit na lang ako sa narinig kong boses, nakakamiss si manang Elsa.
"Promise manang, matutuwa po kayo pag nalaman nyo kung sino yung kasama ko!" papalapit na sila sa pinto. At grabeng kaba na ang nararamdaman ko...
"Stacey?" boses ni manang yun. napa-angat naman ang ulo ko nang bigla akong yakapin ni manang
"Ma..manang..." hindi ko na napigilan ang sarili ko, naiyak na pala ako. Si manang kasi yung naging nanay ko noong nawala na lang bigla si Mommy. Siya yung nag-alaga saakin noon, nag-comfort noong mga panahong nag-iisa ako, siya rin yung nag-paintindi saakin ng lahat ng nangyayare. Kaya ganun ko kamahal si manang...
"anak, miss na miss na kita, alam mo ba yun? ang tagal na nating hindi nagkikita! ikaw bata ka! sabi ko sayo da-dalaw dalaw ka eh!"
hindi ito yung inaasahan kong mangyayari.. iba, pero natutuwa ako sa nakikita ko... Sa pinaparamdam nila saakin ngayon. Feeling ko napaka welcome ko sa pamilyang ito. ULIT
Ang daming nakwento saakin ni manang simula daw noong umalis ako, ang dami na daw nagbago... Etong si James daw minsanan na lang daw kung umuwi, lagi daw sa condo nya! siraulong to! Tapos si Jane daw laging nagpupuyat. Sila Da— Yung mga magulang naman daw nila laging wala sa bahay. Ang lungkot na daw ng bahay magmula noong umalis ako. Pero naiintindihan din naman daw nila kung bakit ko nagawa iyon...
Sa kabila rin pala ng mga nangyare, hindi pa rin ako pinapabayaan ni God. May mga tinira pa rin sya saakin na magmamahal at magpapahalaga. And i know mayroon syang plano para saakin...