037

32 2 0
                                    

messages

tuna pie babies
Lumina,Merliah,Valentine
December 22, 12:03 nn.

Valentine:
hindi na siya nagr-reply sa mga texts ko

Merliah:
huh?

Lumina:
bakit? baka naman may nasabi ka na hindi niya nagustuhan?

Valentine:
feeling ko nga
kanina pa ako panay chat,dm at texts sa kaniya pero hindi niya naman iyon binabasa
kahit alam ko naman na nakikita niya..

Merliah:
ahh, si domino ba? baka naman busy lang talaga

Lumina:
hindi rin iyon mahilig mag t-text, madalas ay kung gusto niya lang talaga

Valentine:
ganon mo talaga siya kakilala?
madalas ba kayong magkasama?

Lumina:
hindi naman kami ganon kalapit pero, napapansin ko lang rin sa kaniya

Valentine:
ahh
masungit kase ang isang yon eh!

Merliah:
masungit ba yon? parang hindi naman, ah

Valentine:
masungit, palagi nalang iba ang aura niya sa akin. pero..

Lumina:
pero?

Merliah:
pero ano??

Valentine:
sinamahan niya ako kahapon na mamili ng mga kailangan ko sa work, dapat ay sainyo ako magpapasa pero mukhang busy kayo kaya naman siya nalang ang kinulit ko para samahan ako, pumayag naman siya
Lumina reacted.

Seen by all.

hindi kase ako sanay na walang kasama kapag aalis, di ba?

Lumina:
sinamahan ka talaga?!

Valentine:
Replying to sinamahan ka talaga?!

oo, bakit? ╯

Lumina:
wala lang nanibago lang.
sandali lang, someone trying to call me

Valentine:
okay
Seen by Lumina.

Commission your beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon