029

41 2 0
                                    

messages

Cy Domino Quiroz
December 16, 8:17 pm.

Cy Domino:
huwag ka na ulit pumunta sa bahay.

Valentine:
oh, hindi naman ikaw ang ipinunta ko? may ibinigay ako kay dom

Cy Domino:
and she gave to me what you gave to her
at aanhin ko naman ang pick? meron akong mga ganito sa bahay.

Valentine:
ayaw mo?

Cy Domino:
at ano naman ang gagawin mo kung ayaw ko nga?

Valentine:
don't answer me a question
ayaw mo nga?

Cy Domino:
babawiin mo?

Valentine:
oo.

Cy Domino:
at ano naman ang gagawin mo dito sa pick kapag binawi mo?

Valentine:
malamang ay ibibigay ko sa iba! aanhin ko naman ang pick? hindi ko naman yan gamit sa trabaho

kay chandler ko nalang ibibigay.. nag g-gitara rin ang isang yon, hindi ba?

Cy Domino:
akala ko ba ay para sakin to?
bakit mo ibibigay sa kaniya?

Valentine:
sunod-sunod ang tanong, ah. baka sunod-sunod rin ang pag-ibig na ibigay ko sayo niyan

Seen.

sige na, sige na. dadaanan ko nalang bukas sa bahay natin

Cy Domino:
natin? that's not your house.

Valentine:
sus, kunwari kapa
halata namang gusto mong nandon ako
panay nga ang sulyap mo sakin kanina

Cy Domino:
hindi ikaw ang sinusulyapan ko.

Valentine:
oh, edi hindi!
bigay mo nalang kay dominic yung pick, dadaanan ko nalang pagpasok ko bukas

Cy Domino:
hindi na, wag mo nang bawiin.

Valentine:
hindi, ayaw mo diba? bibigay ko nalang sa iba, kay chandler

Cy Domino:
tatanggapin ko nalang to, para sa akin naman talaga to!

Valentine:
hindi na, napipilitan ka lang eh, daanan ko nalang talaga

Cy Domino:
Valentine! inaangkin ko na nga? wag mo nang kuhanin pa sa bahay. hindi ko rin naman ibibigay pa sayo.

Valentine:
okay po, mahal
di ko na babawiin

Seen.

Ingat po sa pag-uwi mamaya, mahal <3

Sent.

Commission your beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon