144

18 0 0
                                    

messages

tuna pie babies
Lumina,Merliah,Valentine
March 12, 6:55 pm.

Merliah:
@Valentine Agustin!

Valentine:
ano! asan naba kayo!
ang usapan ay kukuha lang kayong drinks!

Merliah:
nasa dancefloor na kami sa loob, jan ka muna
bantayan mo yung bags namin

Lumina:
yung sling bag ko ay nasa kalapit molang na bangko, sayo muna

Valentine:
what?! eh paano naman ako?
gusto ko rin sumayaw no!

Lumina:
wala kang kasayaw, jan ka nalang muna

Valentine:
badtrip kayong dalawa! aga aga kong nagpunta, uupo lang pala ako rito???


Merliah:
mamaya ka sumayaw
may sasayaw naman sayo

Valentine:
fuck you two

___
narration

Bagot na bagot kong tinitignan ang bawat na umalis at dumating na tao. Nakakainis na iiwan pala ako nila dito at pagbabantayin ng mga bags nila. Gusto ko sanang sumayaw rin para hindi naman sayang ang pagpunta ko. Nag-iisa lang rin ako sa bangko kaya wala akong magawa at makausap manlang.

Si Chandler ay busy sa pakikipag-usap sa bawat bisita niya. Tumingin na lamang ako sa labas para tignan kung may kakilala man ako na darating.

Sumandal ako ng maayos ng mamataan ko ang kilalang business man na naging kasosya rin nila papa. Sa tingin ko naman ay hindi nila ako nakilala kaya inalis ko narin ang tingin ko sakanila at tumingin muli sa labas ng mansyon.

Napairap na lamang ako at inis na napasinghap ng magtama ang tingin namin ni Domino na bagong dating. Nagpanggap akong nag-ti-text sa cellphone habang ang tenga ay tahimik na nakikinig sakanila ni Chandler.

"Akala ko hindi kana makakapunta?" tunog parinig pa ang lokong may birthday.

Umamba akong patayo na ng malakas akong tinawag ni Chandler.

"Oh, san ka pupunta, Valentine?"

"Kukuha ng drinks." matalim ko siyang tinignan at ngumiti lang ito sa akin sabay abot ng iba't-ibang klase ng drinks na kinuha niya sa dumaan na staff.

"Ito drinks. Hintayin mona raw pala sila Merliah para daw mabantayan mo yung mga gamit nila."

Bumalik na ako sa pag-upo dahil hindi naman ako mananalo sa may birthday ngayon. Sinilip ko ang kaniyang kausap at napataas ng kilay ng nakatingin rin ito sa akin ng deretso. Seryoso ang mukha habang kaonting nakataas ang gilid ng labi.

Ang rin ang kusang nagbaba ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang seryoso niyang mga titig.

"Maupo ka muna Domino, may bisita." paalam ni Chandler na agad na kinainit ng ulo ko.

Kaya ba ayaw akong paalisin nila Merliah ay para makaharap ko si Domino? Is they trying to set up us?

"K-kanina paba kayo?" tanong ni Domino pagkaupong pagkaupo.

Commission your beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon