122

14 1 0
                                    

messages

tita bry
February 26, 12:39 nn.

Brylle:
Hija bumaba kana, kakain na tayo.

Valentine:
pababa napo
Seen by tita bry

***
mini narration

Nagmadali ako sa pagbaba ng kusa na akong i-text ni Tita.Iniwan ko lamang ang aking cellphone at chinarge muna.Palabas na akong ng kwarto ng tumunog ang aking cellphone.Napailing na lang ako ng mahimigan na si Domino na naman iyon.

Simula nang magtungo kami rito at hindi niya ako makausap ng matino ay naging panay ang text at calls niya sakin na kaagad ko rin naman bino-block.

Habang pababa ay panay ang inis na bulong ko sa hangin.Nadatnan ng mata ko ang kanilang mga nagtatanong at nag-aalalang tingin.

"Umupo kana, Val at nang makakain na tayo." matigas na boses ni papa ang nagpaupo sa akin.

Sumunod lang ako at hindi nagsalita.
Sumandok ako ng tama lang sa akin.
Napatingin ako kay mama ng magkatingin sila ni Tita.Napapanguso lamang akong nagdagdag pa ng kanin.

"Kumain ka ng madami... nangangayayat ka.."

"Hindi naman talaga ako tabain, Tita."

Nagkibit balikat lang siya at nagsimula ng kumain.Ganon rin naman ang ginawa ko.

Panay ang usapan nila.Puro tungkol sa pamamasyal at sa negosyo ni Tita.

"Mabuti at napilit mo si Adrian na manirahan dito mas mapapadali rin sayo na mabantayan siya." sabi ni mama.

Nakikinig lamang ako sakanila pero ang pagsasalita ay hindi ko ginagawa.May pagkakataon naman na napapasali ako sa usapan kapag may naiitanong sila na tungkol sa aking trabaho.

"Gusto rin ni Adrian na architecture ang kunin na kurso pagka siya ay nag-kolehiyo na. Pero sabi niya ay tiyak na mahihirapan daw siya. Sabi ko naman ay kung ano namang kurso ang piliin niya ay ayos lang sa amin ng papa niya.." napapatango ako habang panay ang kwento ni Tita tungkol sa kaniyang anak.

"Wala namang madaling kurso, Tita. Hindi mo nga lang mararamdaman masyado ang hirap kapag gusto mong talaga ang kinuha mong kurso."

Tumango-tango si Tita sa suhestyon ko. "Iyan nga rin ang sinasabi ko kay Adrian. Pero sa tingin ko naman ay gusto niya talaga ang kursong architecture, naguguluhan pa lamang siguro siya."

Binaba niya ang hawak niyang kutchara at pumangalumbaba at saka tumingin kay mama. Si mama naman ang nagsalita.

"Baka nga ganon, Brylle.. Maybe he really wants to be architect but afraid to take architecture."

Naalala kong ganoon rin kami dati ni Carl.
Gusto namin maging architect pero takot na kunin ang kursong architecture.Andami rin namin parehas na what ifs.Pero sabi nga nila,hindi mo masasabi ang isang bagay kung hindi mo susubukan.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagprisinta na maghugas.Naging abala naman sila Tita at papa sa pag-uusap dahil sa pag-uwi namin sa isang araw.

Si mama naman ay tinutulungan ako sa paglalagay ng mga pinagkainan sa lababo.

"Naayos mo naba ang ilang gamit mo?" tanong sa akin ni mama.

Umiling ako at nagpunas ng basang kamay sa apron na suot. "Hindi pa ma, baka bukas ng gabi ko nalang ayusin."

Tumalikod na ako para maghugas.Akala ko ay umalis na siya kaya kampante na akong mag-isa nang bigla siyang magsalita.

"Anak..."

Kamuntik ko pang malaglag ang hawak kong plato sa gulat.Napahawak naman ako sa sink habang pinapakalma ang sarili mula sa pagkakagulat.

"Ma naman!"

Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni mama kaya napanguso ako.

"Nanggugulat ka." humarap na ako sakaniya habang hindi parin maimuwestra sa gulat ang mukha.

"May itatanong lang naman ako sayo, Val," natatawa si mama habang sinasabi iyon.

"Ano yon?"

"Pag-uwi ba natin ay mag-uusap kayo ni Domino?"

Nagulat ako sa sinabi ni mama.Kaonti pa akong nasinok sa tanong niya.Seryoso ang mukha ni mama kaya dinapuan ako ng kaba sa dibdib.

"I always block his number, ma. Wala kaming maayos na pag-uusap pagkatapos ng nangyari at nung magpunta tayo rito. H-hindi ko parin alam kung kaya ko siyang harapin."

Tumalikod na ako pagkasabi non.Nadinig ko naman ang pagbugtong hininga niya.
Naramdaman ko rin ang mahina niyang pagtapik sa aking balikat.

"May mga bagay na kailangan pag-usapan para maging tahimik ang pag-iisip natin, may mga bagay naman na hindi na kailangan dahil alam na natin ang sagot sa sarili nating mga tanong."

Commission your beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon